New Filipino Handout 2 - LET EXAM - Questions & Answers

Welcome to LET Exam Questions and Answers!!!

New Filipino Handout 2


MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO


  • Karaniwang anyo ng isang morpema na maaaring magbago dahil sa impluwensya ng mga katabing morpema.


  1. Asimilasyon—ang mga tunog ng isang salita ay umaayon sa katabing tunog nito.  makikita ang pagbabagong ito sa mga morpemang unlaping nagtatapos sa –ng gaya ng pang-, mang, mapang-, sing-, kasing-, magkasing-, sang, at labing.
Uri ng Asimilasyon

  1. Di ganap o parsyal
Ƙ  ang pang, mang,sing at iba pa ay nananatili kung ang sinusundang salita ay nagsisimula sa patinig at sa mga titik na k,g,h,m,n,ng,w,y
Hal: pang-alo, mang-aawit, panghukay, sangkatauhan, pangwakas

Ƙ  Nagiging PAN,MAN,SIN at iba pa kapag  ang kasunod na salita ay nagsisimula sa mga titik na d,l,r,s,t
Hal: pang+dakot=pandakot                   sing+tamis= sintamis
        mang+dukot=mandukot                 pang+laro=panlaro
       pang+sukat=pansukat
Ƙ  Nagiging PAM, MAM, SIM at iba pa, kapag ang kasunod na salita ay nagsisimula sa mga titik na p at b.
Hal: pang+bura=pambura                      sing+bango=simbango
        Mang+bola=mambola                   pang+bayan=pambyan

  1. Ganap
Ƙ  Nawawala ang unang tunog na nilalapian dahil ito ay naasimila o napapasama sa naunang ponema.
Hal:  pang+tali—pantali=panali
         Mang+bato—mambato=mamato

2.   Pagbabago ng Ponema

  1. Ang d  ay nagiging r kapag napapagitnaan ng dalawang patinig
Ma + dami= marami                 bakod + an= bakuran

v  May pagkakataon na hindi maaaring magpalitan ang ponemang /d/ at /r/ sapgkat nagkakaroon ng pagbabago sa kahulugan. Halimbawa sa salitang madikit (sticky) at marikit ( pretty). Ang iba pang mga salita tulad ng madilim, madahon, madamo ay hindi nagbabago.

  1. Ang o ay nagiging u      ( hal: sino—sino-sino; biro—biru+in)
  2. Ang h ay nagiging n      ( hal:  tawa+han= tawanan; ulo+han=ulunan)

  1. Metatesis ito ay tumutukoy sa mga ponemang nagpapalitan ng posisyon.  Minsan may isa o dalawang ponema ang nakakaltas.
Hal:      tanim+an—taniman=  tamnan
             Atip+an—atipan=  aptan
            Silid+an—silidan= sidlan

  1. Pagkaltas ng ponema—sa uring ito, nawawala ang tunog na patinig sa gitna ng salita.
Hal:      tupad+ in—tupadin= tupdin
            Sakay + an—sakayan= sakyan

  1. Pagpapalit ng ponema—ang mga salitang napalitan ng ibang ponema sa loob ng salita.
Hal:      dating-datingan-datnan
            Halik- halikan-hagkan

  1. Pagpapalit ng diin—maraming salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian
Hal:      linis +an- linisan
            Iwas+an- iwasan

  1. Maypungos – ang mga salitang nawawalan ng isa o dalawang ponema sa unahan ng inuunlapiang salita
Hal:      magpasulat—pasulat;    magpatawag- patawag

  1. Pag-aangkop-- may pagbabago sa mga salita na nagiging maikli kaysa orihinal. Nawawala ang ilang mga tunog.
Hal:     hintay ka—teka
            Wika koikako

Mga Ponemang Patinig ng Filipino

harap
gitna
likod
Mataas
/i/

/u/
Gitna
/e/

/o/
mababa

/a/


Mga Ponemang Katinig ng Filipino
PARAAN NG ARTIKULASYON
PUNTO NG ARTIKULASYON
Panlabi
Pangngipin
Panggilagid
Pangngalangala
Glottal
Palatal
Velar
Pasara       w.t.
                   m.t.
p
b
t
d


k
g
Ɂ
Pailong
m
n


ŋ

Pasutsot






Pagilid


s


h
Pakatal


l



Malapatinig


r
y
w


Mga Tungkulin ng  Wika
Tungkulin ng Wika
Katangian
halimbawa
pasalita
pasulat

Pang-interaksyonal
Nakapagpapanatili/
Nakapagpapatatag ng relasyong sosyal
Pormularyong panlipunan,
pangungumusta

Liham- pangkaibigan

Pang-instrumental
Tumutugon sa mga pangangailangan
Pakikiusap, pag-uutos

Liham-pangangalakal

Panregulatori
Kumukontrol/ gumagabay sa kilos/
asal ng iba
Pagbibigay ng direksyon, paalala o babala

Panuto

Pampersonal
Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion
Pormal/di-pormal na talakayan

Liham sa patnugot

Pang-imahinasyon
Nakapagpapahayag ng imahenasyon sa maikling paraan
Pagsasalaysay, paglalarawan

Akdang pampanitikan

Pangheuristiko
Naghahanap ng mga impormasyon
Pagtatanong, pakikipanayam

Sarbey, pananaliksik

Pang-impormatib
Nabibigay ng impormasyon/datos
Pag-uulat, pagtuturo
Ulat, pamanahong papel

   


ANTAS NG WIKA
  1. Pormal- wikang istandard dahil kinikilala, tintanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
1.       Pambansa- salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Wikang panturo rin ito.
2.       Pampanitikan-salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang  mga salitang matatayog, malalalim, makulay at masining.

  1. Impormal –salitang  karaniwan, palasak at pang-araw-araw na ginagamit sa pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
1.       Lalawiganin- gamitin ang  ito sa mga particular na pook o lalawigan lamang.
2.       Kolokyal- mga salitang may kagaspangan sa ng kaunti.
3.       Balbal-  slang kung sa Ingles. Gamitin ng mga pangkat-pangkat upang magkaroon sila ng sarili nilang codes.



A.      Barayti ng Wika
1.       Dayalek- tumutukoy sa wikain. Ang Tagalog ay isang wika at bilang isang wika, nagkakaroon ito ng barayti ayon sa lugar na gumagamit nito. Kasama rito ang punto, bokabularyo o pagkakabuo ng mga salita (Zafra at Constantino).
Hal:            (Maynila)         Ang  layo naman!
                  (Batangas)        Ala, ang layo eh!
                  (Bataan)           Ang layo ah!
                  Cavite)             Sir, ano po ba ang bugong ninyo ngay-on? Mangyari po kasi, 
                                              ako’y namaraka kahapon.  Kayo po ba’y nakain ng tinumis 
                                               na baboy?
(Maynila)         Sir, ano po ba ang baon mo ngayon? Namalengke po kasi ako 
                             kahapon. kumakain po ba kayo ng dinuguang baboy?
2.       Idyolek- ito ang pinakaliberal na barayti sapagkat umaayon ito ayon sa personal o indibidwal nagamit ng wika. Hal: SIYA
3.       Sosyolek- wikang gamit ng mga taong may halos iisang paniniwala, antas ng edukasyon, pamumuhay o maging hanapbuhay ay madalas na magkakasama sa iisang pangkat. Natural lamang na sa kanilang pangkat, umiiral ang iisang wikang kanilang lubos na nauunawaan ngunit kaiba naman sa mga taong labas sa kanilang pangkat.
Hal:                        dekada 70, nagging popular ang Taglish, engalog o maging ang 
                                  Filipinong sosyal.
                               Pagkakaiba ng paggamit ng wikang bading
                               Gamit ng doctor ng medisina, pilosopiya, o edukasyon
4.       Jejemon- wikang palasak at kinatutuwaang gamitin sa mga txt message.

TEORYA NG PAGBASA
  1. Bottom up- (behaviorist) pagkilala ng mga seye ng mga nakasulat na simbolo (stimulus)
                     upang maibigay ang katumbas nitong tunog (tugon o response).
-ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula s payugtu-yugtong pagkilala ng mga salita, parirala, pangungusap ng buong teksto bago pa man ang pagpapakhulugan sa teksto.
                        -ang tagabasa ay pasibong partisipant lamang
                        -outside-in o data driven
  1. top-down-  (Gestalt)- ang pag-unawa ay nagsisimula sa isip ng tagabasa tungo sa teksto.
- ang tagabasa ay isang napaaktibong partisipant sa proseso ng pagbasa. May dati nang kaalaman(prior knowledge) na nakaimbak sa kaniyan isipan at may sariling kakayahn sa wika (lanuage proficiency) na gamit.
                 -inside- out o conceptually driven
  1. interkatib- (sikolohiya) higit na angkopang kombinasyon ng bottom-up at top-down sapagkat ang 
                   proseso ng komprehensyon ay may dalawang proseso.
-ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ginagamit ng mambabasa ang kaniyang kaalaman sa wika at sariling konsepto o kaisipan kung saan nagaganap ang interaksyon ng mambabasa at ng awtor.
        4.  iskema- ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa nakikinig o mambabasa kung paano 
                            nila gagamitin o paano bubuo ng pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman.

MGA ISTILO NG PAGBASA
  1. Iskiming- pagbasang napakabilis na naisasakripisyo na ang pagkilala at pag-alam sa layunin. Madalas mangyari sa mga taong abala sa araw-araw na gawain.
  2. Iskaning- higit itong nakapokus sa isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Hindi nito layuning makita ang lahat ng may kinalaman sa kaniyang paksa o maging ang kaisipan ng isang awtor. Ang mahalaga ay makita ang isang tiyak na nais sa pinakamabilis na paraan. Hal: numero,diksyunaryo, nanalo sa lotto,LET result
  3. Prebyuwing- karaniwang pagbasa ng nilalaman bago ang kabuuang pagbasa.
  4. kaswal- pagbasa nang walang layunin kundi ang magpalipas-oras lamang.
  5. Kritikal- pagbasang may layuning makagawa ng isang komprehensibong report, riserts at iba pang dokumentong nangangailangan ng matibay na batayan. Sinusuri nang husto sa istilong ito ang bawat pahayag upang hindi maligaw sa pag-alam ng tunay na kahulugan.
  6. Impormatib- may layuning makakuha ng wastong kabatiran
  7. Muling basa- isinasagawa kung nagkaroon ng iba pang bagay na dapat kumpirmahin.  Makabubuti ito upang matiyak ang mga impormasyong may kaunting kalabuan pa sa mambabasa. Hal: akdang pammpanitikan gaya ng tula

 (Content)

Pamaraan, Istratehiya ay Teknik sa Pagtuturo ng Filipino

Katuturan ng Dulog, Pamaraan at Teknik

            Si Edward Anthony (1963) ay nagbigay ng kanyang depinisyon tungkol sa dulog, pamaraan at teknik na tinanggap ng maraming guro sa loob ng mahabang panahon

·         Dulog – set ng mga asamsyon o mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagturo
·         Pamaraan – isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng wika  batay sa napiling pagdulog.
·         Teknik – tiyak na mga gawaing nakikita sa klasrum at consistent sa isang pamaraan at nauugnay rin sa isang pagdulog.

Mga Katangian ng isang Mabuting Pamaraan ng Pagtuturo

Iba’t ibang Pamaraan, Istratehiya at teknik sa Pagtuturo ng:

A. Pakikinig
            Ang pakikinig ay isang complex na proseso kung saan ginagawa ng ating isipan na lapatan ng pagpapakahulugan ang anumang pagsasalitang napakinggan. Ang proseso sa pakikinig ay may tatlong bahagi, pagtanggap, paglilimi o pagbibigay tuon at pagpapakahulugan (Wolvin and Coakley, 1979)
            Ang pakikinig ay ang kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi  ng ating kausap (yagang, 1993). Nakapaloob sa kasanayang ito ang pag-uunawa sa diin at bigkas, balarila at talasalitaan at pagpapakahulugan sa nais iparating ng tagapagsalita (Howatt at Dakin:1974, binanggit kay Yaging). Ang mahusay na tagapakinig ay may kakayahang isagawa ang apat na ito nang sabay-sabay.

Mga Teknik na Magagamit ng Guro sa Pagkatuto sa Pakikinig
·         Pagbasa ng Malakas (Reading Aloud)
·         Magbasa sa klase ng mga aklat na piksyon at di-piksyon
·         Panubaybay na pagbasa, sabayang pagbasa at sabayang pag-awit at iba pa.
·         Mga larong Pampakikinig

B. Pagsasalita
            Ang pagsasalita ang pinakagamiting pagpapahayag sa wika. Isang katangian ng pagsasalita na kaiba sa pagsulat ay ang pagbibigyan sa pagsasalita (turn taking)

Mga Teknik na Maaring Gamitin ng Guro Upang Malinang ang Kasanayan sa Pagsasalita ng mga Bata.

·         Usapan / Dyalog                                   Mga Kwento
·         Pagsunod sa Panuto                              Paglalarawan
·         Talakayan                                            Pagbibigay ng Isang Talakay
·         Mga Dula-Dulaan

C. Pagbasa
            Sinabi ni Goodman (1967, 1971, 1973) na ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binabasa.
            Si Coady 91978) ay nagbigay din ng elaborasyon sa kaisipan ni Goodman sa pagbasa. Ayon kay Coady, para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto, kailangang  ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kanyang kakayahang  bumuo ng mga konsepto / kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto.

Teknik na Maaring Malinang ng Guro sa mga Mag-aaral sa Pagtuturo ng  Pagbasa

1.       Ugnayan ng Tanong-sagot
Ugnayan ng Tanong-sagot (US-QAR sa ingles) ay binuo ni Raphael (a982-1986) upang mapataas ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsagot ng mga tanong sa pag-unawa  sa pamamagitan ng isang sistematikong pagsusuri ng tanong sa pag-unawa sa pamamagitan ngisang sistematikong pagsusuri ng mga tanong.

2.       DR-TA (Directed Reading – Thinking Activity) o Pinatnubayang pagbasa o Pag-iisip
Ang dulog DR-Ta (Stauffer 1969, 1976) ay para sa paglinang ng komprehensyon ng buong klase / pangkat. Sa dulog na ito, ang mga bata ay aktibong nakikilahok sa talakayan sa tulong ng mga tanong na nasa mataas na lebel ng pag-iisp.
Layunan ng DR-TA na matulungan ang mga bata sa pagtatakda ng sariling layunin sa pagbasa, pagbibigay ng sariling hula o palagay na ginagamit ang dating kaalaman at kaalamang buhat sa teksto, pagbuo ng isang sintesis ng mga impormasyon, pagpapatunay at mga pagbabago ng mga prediskyon at pagbuo ng isang konklusyon.

3.       DRA (Directed Reading Activity) o Pinatnubayang Pagbasa
Ang pagdulog na ito sa pagtuturo ng pagbasa ay matagal nang ginamit sa mga paaralan. Bagama’t may ilang modipikasyon na ipinapasok sa pagdaraan ng mga taon, nanatili pa rin ang mga pangunahing layunin ng pinatnubayang pagbasa: maihanda nang husto ang mga bata sa pagbasa, mabigyang –diin ang pagkilala sa salita at ang paglinang ng mga kasanayan sa pag-unawa at mapatnubuyan ang mga bata sa pagbasa ng isang itinakdang kuwento.

4.       ReQuest (Reciprocal Questioning) o Tugunang Pagtatanong
Layunin ng istratehiyang ReQuest na linangin ang aktibong pag-unawa sa pagbasa ng mga bata sa pamamagitan ng pagbuo ng mga tanong, pagbuo ng layunin sa pagbasa, at pag-uugnay ng mga impormasyon. Isinasaalang-alang din ang istratehiyang ito ang pagmomonitor sa sarili hingil sa prosesong isinasagawa sa pag-unawa ng isang teksto.

5.       Story Grammar (Pagsusuri sa Kayarian ng Kwento)
Mahalaga para sa pag-unawa angpagkakaroon ng kaalaman sa kayarian ng kuwento (story sense.) ito’y makatulong upang mahaka ng bumabasa ang proseso kung paano inilalahad ang isang kuwento.

6.       GMA (Group Mapping Activity)
Ang group mapping activity(GMA) ni Jane Davidson (1892) ay isang estratehiya sa pagtuturo na mabisa sa paglinang ng pag-unawa o komprehinsyon sa pamamagitan n integrasyon at sintesis ng mga ideya at konseptong nakapaloob sa kuwento. Ito’y ginagawa pagkatapos basahin ang isang akdang pampanitikan o isang ekspositoring babasahin sa agham o araling panlipunan.
Sa istratehiyang ito, ang mga bata ay pabubuin ng isang grapikong representasyon na naglalarawan ng kanilang personal na interpretasyon na kaugnay ng mga tauhan sa mga pangyayaring naganap sa kwento o di kaya nama’y ang kanilang sariling interpretasyon sa konseptong inilahad sa isang babasahing ekspositori. Ang representasyon ay katulad ng isang mapa o dayagram at nakabatay ito sa personal na pagkaunawa ng teksto.

7.       KWWL (What I Know, What I Want to Learn, Where Can I Learn This, What I Learned)
Ang KWWL (Jan Biyan, 1998) o AGSN ay isang elaborasyon ng KWL nina Carr at Ogle (a987). Ang A ay kumakatawan sa kung ano  ang alam ng mga bata sa paksa, G ang gustong malaman; S saan malalaman: at N ano ang nalalaman. Ang istratehiyang KWWL ay naglalayong matulungan ang mga mag-aaral na gamitin ang dating nalalaman sa paksa lalo na sa mga tekstong ekspositori.

D. Pagsulat

Ang pagsulat ay karaniwang bunga ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao (Antonio, 1978). Isang kasanayang may malaking ginagampanan di lamang sa pag-unlad ng wika at panitikan kundi maging ng sangkatauhan sa kabuuan. Kasangkapang nilikha at ibinunga ng talino ng tao gamit ang pinakamahalaga at pinakaapektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.
            Ayon naman kay Badayos (2001), ang pagsulat ay iinog sa kung gaano kabisa at kasensitib na makabuo ng mga pahayag ang isang manunulat upang ang makababasa ay matuklasan ang mga dimension sa pagsulat.

Mga Teknik na Maaaring Gamitin ng Guro Upang Malinang ang Kasanayan sa Pagsulat ng mga Bata.
·         Pagsulat mula sa patnubay na binuo ng klase                  Pagsulat mula sa mga maikling tala
·         Dikto-Komp                                                                 Tumbasang Pagsulat
·         Teknik na Tanong at Sagot                                            Pagpuno ng mga Puwang
·         Padiktang Pagsulat

Mga Klasikong Pamaraan sa Pagtuturo ng Wika
Pamaraang grammar-Salin                                            Tuwirang Pamaraan
Pamaraang Audio-Linggual                                           Community Langguage Learning
Suggestopedia                                                              Silent Way
Ang total Physical response(TPR)                                 Natural Approach
Sitwasyunal

Mga Tradisyunal na Pamaraan sa Pagtuturo ng Wika
Ang Pamaraang Pabuod                                                Ang Pamaraang Pasaklaw
Ang Pamaraang pabalak                                                Ang Araling Pagpapahalaga
Ang Pamaraang Patuklas                                              Ang Pagdulog Konseptwal
Ang Pamaraang Microwave sa pagtuturo ng Wika

Ang Interaktibo, Kolaboratibo, Integratibo at komunikatibong Pagtuturo ng Wika (IKIK)

Pagtuturong Integratibo
            Ayon kay Humphreys (1981), ang integratibong pag-aaral ay yaong kung saan malawakang sinisiyasat ng mga mag-aaral ang mga kaalaman sa iba’t ibang sabjek kaugnay ng particular na aspekto ng kanilang kapaligiran. Nakikita niya ang ugnayan ng mga araling pinag-aralan sa wika, agham, matematika, araling panlipunan, musika at sining. Ang mga kaalaman at kasanayan ay nililinang at ginagamit sa iba’t ibang aralin sa pag-aaral.

Mga Istratehiya Batay sa Pagdulog Integratibo
1.       Tematik na Pagtuturo (Thematic Teaching)
2.       Pagtuturo batay sa Nilalaman(Content-Based Instruction)
3.       Generic Competency
Kolaboratibong pagtuturo(Collaborative learning)

            Ang istratehiyang ito ay tinatawag ding cooperative learning, collective learning, learning communities, peer teaching, peer learning, reciprocal learning, team learning, study circles, study groups at work groups.

Mga Gawaing Maaaring Ibigay ng Guro sa Grupo Upang Makamit ang Pagkatuto



1.       Committee
2.       Brainstorming
3.       Buzz Session
4.       Debate at Panel
5.       Symposium
6.       Role Playing at Improvization
7.       Fish Bowl
8.       Critiquing Session
9.       Round Table
10.   Forum
11.   Jury Trial
12.   Majority Rule Dicision Making
13.   Consensus decision Making
14.   Composite Report
15.   Agenda
16.   Student Team Achievement divisions(STAD)
17.   AngTeam Assisted Instruction(TAI)
18.   Jigsaw
19.   Meet the Press
20.   Think-Pair Share
21.   Multiple Intelligence



·         Pagtuturong Interaktibo
·         Pagtuturong Komunikatibo
·         Mga Teknik na Maaaring Gamitin sa Pagtuturong Komunikatibo

1.       Awtentikong Kagamitan
2.       Mga Viswal
3.       Role Play
4.       Mga larong Pangwika
5.       Mga Suliraning Pangwika
6.       Mga Graphic Organizer

Ilang halimbawa ng graphic Organizer
KWL                                        Concept Map
Venn Diagram                          Fact Storming Web
Spider Web                              Comparison Matrix
Sayklikal Tsart                         Story Map
Time Line                                Cycle
Series of Event’s Chain

Paghahanda at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo

            Ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o bagay na ginagamit ng guro bilang panturo sa paghahatid ng kaalaman upang maging makatotohanan, kasanayan, saloobin, palagay, kaalaman, pag-unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral upang maging kongkreto, tunay, daynamik at ganap ang pagtuturo(Abad, 1996). Isa itong tanging gamit sa pagtuturo na nagtataglay ng gabay para sa mag-aaral at mga guro at tumitiyak sa bawat karagdagang pagkatuto ng nilalamn, teknik ng paglalahad, pagsasanay at paggamit ng nilalaman at paraan ng pagtuturo gamit na mga teknik na ito.(Johnson ,1972)

1.       Mga Kagamitang Limbag
a.  Teksbuk – isang masistemang pagsasaayos ng paksang-aralin para sa isang tiyak ng
asignatura at antas.
b.  Manwal ng Guro – Kalipunan ng mga araling nakaayos ayon sa layunin at mga mungkahing 
             paraan o sa regular na gawaing pangklasrum at teksbuk.
c. Materyals na Suplemental – Iba’t ibang kagamitang limbag na ginamit na pagdagdag o 
            supplement sa regular na gawaing pangklasrum at teksbuk.
d.      Workbuk – Mga Pagsasanay at mga Gawain ng mag-aaral kaugnay na tinatalakay na aralin.
e.       Kopya ng Balangkas(Duplicated outlines) – Set ng aralin na nakabalangkas.
f.        Hand-awts – sinaliksik at pinayamang paksa. Madalas inihahanda ng isang lektyurer para sa kanyang tagapakinig. Maaaring gamitin at basahin upang matiyak ang kaalamang natamo.
g.       Pamphlets/Supplemental Magasin – set ng mga aralin at gawaing pandagdag sa tinatalakay na aralin
h.      Artikulo Mula sa Magasin/Babasahin – naglalaman ng iba’t ibang paksa na napapanahon na magagamit na pantulong sa isang aralin.
i.        Pahayagan - Naglalaman ng mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa.
j.        Dyornal – Regular na ulat na kinalabasan ng isang pananaliksik
k.      Indexes – binubuo ng mga sanggunian.
l.        Worksheets

2.       Mga Kagamitang Limbag na Inihanda ng Guro.
a.        Modyul - isang kit sa pansariling pagkatuto. Ito ay binubuo ng iba’t ibang gawaing pagkatuto na kadalasan ay nasa anyong pamplet/babasahin. May iba’t ibang uri ang modyul: modyul sa pansariling pagkatuto: modyul sa pagsunod ng Panuto at Modyul ng Balangkas na gawain.
b.      Banghay-Aralin – ito’y balangkas ng mga layunin, paksang – aralin, kagamitan at mga hakbang na sunod-sunod na isasagawa upang maisakatuparan ang mga layunin o inaasahang bunga sa isang particular na aralin.
c.       Patnubay sa Gawaing Pangmag-aaral – Set ng mga panuto at tanong na makakatulong sa pagtatalakay ng bagong aralin.
d.      Talahanayan ng Ispesipikasyon – Ginagamit ng guro sa paghahanda ng pagsusulit. Makikita ang lawak ng nilalaman bilang ng aytem, at uri ng pagsusuri na gagawin ng guro

3.Mga Kagamitang namamasid
a.       Chalkborad Display – mga larawan at talang nakaguhit o nakasulat sa isang darkcolored na bagay
b.       Whiteboard or Markerboard Display – maga larawan at talang nakaguhit o nakasulat sa isang light-colored na bagay.
c.       Mga Larawan- nagiging makatotohanan ang isang bagay o paksa dahil sa nakikitang hugis, laki, kulay. Karaniwang ipinakikita ng guro sa pagtatalakay ng aralin upang magkaroon ng gabay ang mga mag-aaral na ipaliwanag ang nialalaman ng guro. Maaaring gamitin ang mga larawan mula sa kalendaryo, dyaryo at magasin.
d.       Illustrasyon – ginuguhit na manwal/kamay ang paraan sa pagbubuo ng isang bagay, tao lugar at pangyayari.
e.       Tsart / Graphic Organizer – Ginagamit upang pag-ugnayin at ikategorya ang mga konsepto at pangyayari sa binasa. Tinatawag din itong biswal na larawan (Garcia, 2008 at http//www.my.hrw.com
f.        Awtentikong Kagamitan – tumutukoy sa pagiging awtentiko ng input data na gagamiting lunsuran sa paggagawa ng kagamitang panturo. Ang mga data ay hango sa mga pahayagan, patalastas, magasin, brochure  at billboards.
g.       Graps – Flat Picture binubuo ng tuldok, guhit o larawan gaya ng circle graphs, bar graps, line graphs, area graphs at pictorial graphs.
h.       Maps – ang anyo ay flat nagpapakita ng kinaroroonan ng mga lugar, pook, bansa at agwat / layo ng oras.
i.        Globes – Ang anyo ay flat nagpapakita ng kinaroroonan ng mga lugar, pook, bansa at agwat / layo ng oras.
j.        Posters – Eye Catching graphics, ginagamit upang medaling makuha ang mensahe
Halimbawa: Posters para sa buwan ng wika, poster ng isang pulitiko.
k.       Exhibits – mga iba’t ibang kagamitan na may kaugnayan sa isang Gawain, hal. Mga aklat
l.        Hook and Loop Display – mga larawan at tala na idinidikit sa pamamagitan ng maliit na magnetic Holders.
m.     Bulletin Board Display –Anawnsment, programa, tala at mga larawan.
n.       Magnetic Board Display – Mga larawan at tala na idinidikit sa pamamagitan ng maliit na magnetic holders.
o.       Museum – dito maaaring matagpuan ang mga sinauna at lumang coins, gamit, damit, larawan, bato, atb. Ito ay itinatabi at pinepresenta upang makita ng mga mag-aaral.
p.       Flannel Board – kagamitang yari sa cardboard o kahoy na binabalutan ng felt na papel.


4.       Mga Bagay
a.       Ispisemen – bato, insekto, dahon, kahoy, atb
b.       Realia – awtentikong kagamitan, foreign coins, artifacts
c.       Modelo – Presentasyon isang bagay
d.       Mock-up ‘Replica’- yari sa isang tunay or sintetik na materyales
e.       Mock Trial – tunay na taong nagsisiganap sa pagbibigay hatol sa isang pangyayari sa kuwento na nais bigyan ng pagsusuri.
f.        Papet - mga tau-tauhang pinagagalaw na ginagamit ang mga daliri o kamay
g.       Dayorama – modelo ng tauhan, tagpo o pangyayari
h.       Pabitin o Mobil – Itinatanghal sa pamamagitan ng pagsasabit o pagbibitin ng anumang bagay na may kaugnayan sa aralin.
i.        Plaskard – nakasulat na salita, pangungusap, larawang  maaaring may kulay o wala.
j.        Cue cards. – ipapasalaysay ang mga pangyayari sa pamamagitan ng mga susing salita na nakasulat sa cue cards.
k.       Komik Strip – mga pangyayaring nakalarawan at ang usapan ng mga tauhan ay nasa loob ng balloon. Ginagamit ang komik strip upang maging maikli ang isang mahabang salaysay.
l.        Notekard – nakatalang teksto at lektyur.
m.     Mga seleksyong  Pampanitikan – maaaring sanaysay, kuwento, tula, dula, talambuhay at iba pa na magagamit na lunsaran sa pagtuturo.
n.       Kasuotan(Costumes) – sa pamamagitan nito ay naisasabuhay ang akma sa isang particular na panahon o lugar. Maaari rin naming  gawin ito kung nais ng guro na magkaroon ng pagtatanghal sa ilang piling kilalang tao. Ang mga mag-aaral ay magbibihis na gaya ng mga bayani, mga pinuno ng bayan o kahit sinong kilalang tao na maaaring iugnay sa paksang tinatalakay.

5.       Mga Kagamitang Naririnig
a.       Radyo – mga dula, awitin, debate, balita at komentaryo.
b.       Cassette – mga awtitin
c.       Teyp Rekorder – lektyur, talumpati, tula, awitin at iba pang anyo ng panitikan.

6.       Mga Kagamitang Naririnig-Namamasid
a.       Sine – mga pangyayari hinggil sa pag-ibig, pakikipagsapalaran, kabayanihan at ilang maaaring makita sa lipunan.
b.       Telebisyon – Balita, debate, telesine at iba pang paksa
c.       Materyales Computer – Mediated

7.       Videoteyps
a.       Resorses mula sa komunidad
·         Field Trips – ang mga mag-aaral ay lumalabas sa klasrum
·         Tagapagpanayam o Tagapagsalita – mga taong higit ang kaalaman at may kaalamang hindi batid ng iba. Halimbawa: pulis, guro, mayor, manunulat, pangulo, senador, preacher, at iba pa.
·         Demonstrasyon – isang pamamaraan sa pagtuturo
·         Laboratory – may iba’t ibang ekwipment gaya ng magnetic tape recoders, headsets, microphones. Sa agham, kagamitan tulad ng microscopes, slides atb.
2.       Kagamitang Projected at Namamasid
Ƙ  Slides – mga larawan ng isa o maraming aralin.
Ƙ  Filmstrips - mga larawan ng bagay, tao, lugar o pangyayari.
Ƙ  Opaque Projections – Pinalaking imahen ng larawan at ilustrasyon ng tao, bagay, hayop at pangyayari.
Ƙ  Overhead Projections – ang mga larawan, teksto ng materials ay nililipat sa isang transparencies para makita sa screen

Mga Napapanahong teknolohiya
1.       Digital Images – tinatawag ding raster images. Ito ay representasyon ng dalawang dimensyunal na imahen gamit ay “ones and zeros (binary)”. Ito ay depends sa pakakalagay ng “image resolution”, maaari itong “vector or raster type”.
2.       Powerpoint Presentation Ang slideshow ay display ng iba’t ibang piniling imahen na binuo sa masining at pampagtuturong layunin. Ito ay pinapagalaw ng isang presentor na gamit ang isang apparatus. Maaaring isang carousel slide projector, at overhead projector o sa kasalukuyan  ay kompyuter  ang pinaandar  gamit ang powerpoint software.
3.       Moviemaker Presentation – Isa ring modernong presentasyon na ang ginagawa ng isang tao ay iginaya sa mga napapanuod na pelikula. May naganap at may script na binuo. Inaangkapan din ito ng tunog at tugtog. Iniaayon sa layon ng gumagawa at gumagamit din ng video software.
4.       Video - Isang uri ng teknolohiya na electronically capturing, recording, processing, storing, transmitting at reconstructing sekwens ng mga still images na narerepresenta ng mga kilos o pagganap.
5.       Kompyuter (Wedsite, Services,etc.) – ang paggamit nito ay napakalaking tulong na kagamitan sa pagkatuto ng tao. Ang mga kompyuter predictable at controllable, madaling magpalit o mag-ayos ng maling sagot. Napakadaling marebisa ng mga ginagawang pag-aaral. Halos lahat ng pag-aaral at impormasyong kailangan ay maaaring matagpuan sa kompyuter. Madali na ring makausap at makita ang mga kaibigang nasa malayong lugar.
6.       Photocopiers – isang copier na ginagamitan ng photographic  na paraan upang makabuo ng maraming sipi.
7.       DVD/CD Palyer – Maaaring mapanood ang isang dokumentasyon at palabas gaya ng pelikula, kasal at iba pang binidyo na okasyon.
8.       LCD Projector – ang LCD Projector ay isang uri ng video projector para ipanood ang video, imahen o kaya computer data sa screen o sa ibang flat bagay.
9.       Videocam – isang camcorder na”portable condumer electronics device” para makapagrekord ng video at awdyo gamit ang isang built-in rekorder.
10.   Laptop – isang uri ng kompyuter. Nakagagawa ng pag-aaral nang mabilis sa tulong ng laptop. Ito ay maaaring madala sa labas ng bahay at kahit anong oras na nais mong gumawa ng aralin ay maaaring gawin.
11.   Laser pen – isang laser pointer na madalas ginagamit sa pagmamarka (highlighting) ng paksang nais bigyang-diin at pinipresent sa harap ng maraming tao. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtutok ng ilaw mula sa laser ponter habang nagpepresent.
12.   I-Pad – isang kagamitan na pinalalagakan ng datos, tunog, awit at maaari ring magrekord ng panayam.
13.   Cellphone – isang long range, electronic device na ginagamit para sa mobile voice at data communication sa pamamgitan ng network mula sa isang specialized base stations na kilalang cell sites.
14.   Digital Camera – tinatawag na digicam ay isang camera na ginagamit sa pagkuha video or still photographs, at digitally nagrerekord nito ng mga imahen sa pamamgitan ng electronic image sensor.
15.   Internet – ito ay isang global network na pinakokonek  ang iba’t ibang kompyuters at nagagawa nito ang mga gumagamit ay magkaroon ng pagbabahagi ng impormasyon gamit ay multiple channels. Sa pamamagitan ng internet ang isang tao ay maaaring makapaghatid ng impormasyon, makipagbalitaan gamit ang  yahoo messenger. Madaling makipagkomunikasyon dahil sa mga naturang program.

Pagsusulit, Pagtataya at Ebalwasyon

Pagsusulit – sa edukasyon, ang pagsusulit ay tumutukoy sa proseso ng pagkilala kung gaano matatamo ng mag-aaral ang particular na kaalaman, kasanayan o katangian. Ito’y tumutukoy sa kwantipikasyon ng anumang aspeto ng proseso ng pagtuturo. May kwantitabong uri ng pagsusulit gaya ng bahagdan ng aytem na nagsasagutan ng mga mag-aaral sa pagsusulit. Para kay Alrasian)1994), ang pagsusulit ay pormal, sistematiko, na sa tradisyunal na pamamaraan ay gamit ng mga mag-aaral ang lapis at papel: at ginagamit ng guro upang makakuha ng impormasyon sa gawi ng mga mag-aaral.

Pagtataya – ito’y tumutukoy sa praktikal na aplikasyon ng pagsusulit, isang aktwal na perpormans ng iba’t ibang uri ng pagsusulit. Ito’y tumutukoy rin sa proseso ng pagkuha ng impormasyon kung paano matatamo ang layunin ng pagtuturo.

Ebalwasyon – ang ebalwasyon ay proseso ng pagbuo ng kahatulan, gaya ng gaano kahusay na naipakita ng mag-aaral ang kanyang gawain, upang masabing ito’y marapat o may kalidad. Ito ay tumutukoy sa pagpapakahulugan o interpretasyon kung ano ang kahulugan ng iskor na kanyang nakuha sa pagsusulit. Ang isang mahusay na guro ay makapagtatamong ng ganito: “Paano ko mabibigyang kahulugan ang resulta ng kanyang pagsusulit?”

Ang Talahanayan ng Ispisipikasyon ay isang kagamitang nagpapakita ng sistematikong pamaraan ng pagtatakda ng lawak ng paksang sasaklawin ng pagsusulit at ng bilang ng mga aytem na gagawin para sa bawat kasanayang susukatin.

Mga Uri ng Pagsusulit

1.       Proficiency Test vs Achievement Test
Sa proficiency test, nababatid ng guro kung gaano kasaklaw ang nalalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng wika para sa isang tiyak na layunin. Ito’y naglalayong malaman ang kakayahan ng mga mag-aaral na tumanggap at magbigay ng impormasyon sa wikang pinag-aaralan para sa isang kapaki-pakinabang na layunin. Sa kasalukuyan, isang batas ang inihain sa Senado ni Senador Mar Roxas na nagtatakdang  bago kumuha ng Licensure Examination for Teachers ang mga guro ay kinakailangang may ipakita siyang sertipiko na sumailalim siya at matagumpay na nakapasa sa English Proficiency Test.

            Samantala, upang mabatid ng guro kung gaano naging matagumpay lang mga mag-aaral sa pagtatamo ng layunin sa tulong ng achievement test. Tinatawag ding pangwakas na pagsusulit, ito’y ibinibigay pagkatapos sa katapusan ng semester o taon. Tinutuklas nito kung sinu-sino ang mga mag-aaral ang lubos na nakaunawa sa naiturong kasanayan, gayundin ang markang dapat nilang makuha.

2.       Diagnostic Test vs Placement Test
Natutuklasan ang mga kalakasan at kahinaan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng diagnostic test. Ibinibigay ito bago simulan ang pagtuturo ng isang kasanayan upang matiyak kung ang mga mag-aaral ay may mga kinakailangan pang kakasanayan (prerequisite skilss). Nababatid ang antas ng mga mag-aaral sa isang ibinibigay ng programa sa placement test.

3.       Discrete Point Test vs Integrative Test
Sumusulit lamang sa isang tiyak na element o bahagi ng wika gaya ng tunog, grammar at talasalitaan sa isang makrong kasanayan sa wika, sa discrete point test ay ibinibigay lamang ang isang aytem sa itinakdang oras. Layunin nitong masukat ang kalakasan at kahinaan ng mga mag-aaral sa naiturong kasanayan sa wika. Ang resulta nito ay nagagamit ng mga guro sa pagahahanda ng mga kagamitang tutulong sa mga –mag-aaral upang mabigyang-lunas ang kahinaan nila sapagsusulit. Ang ilang halimbawa ng pagsusulit na ginagamitan ng discrete point test ay ang mga sumusunod:
3.1. maramihang pagpipilian (multiple choice test)
3.2. dalawang pagpipilian (alternative responsive test)
3.3. pagpupuno (completion form)
3.3. pagtatapat-tapat (matching type)

            Kung nais malaman ang iba’t ibang elemento ng wika para makumpleto ang gawain, ito’y dapat gamitan ng integrative test.

4.       Criterion Referenced Test vs Norm Referenced Test
Ang ginagamit na pagsusulit upang mauri ang mga mag-aaral kung kaya o hindi nila kayang gawin ang gawain ay ang criterion referemced test. Ang pagsusulit na ito ay may itinakdang pamantayan na kailangang makaabot ang mag-aaral sa pamantayan upang masabing naipasa nila ang pagsusulit. Sa pagsusulit na ito natutulungan ang guro na mapahusay ang kanyang istratehiya sa pagtuturo dahil lalo pa niyang pinahusay ang mga kagamitang panturo at ang paraan / pamaraan ng kanyang pagtuturo.
Ang pagsusulit na tumutugonsa perpormans ng mga mag-aaral na inihahambing sa perpormans ng ibang mga mag-aaral ay tinatawag na norm referenced test. Ang resulta ng pagsusulit na ito ay ginagamit na batayan sa pagmamarka ng asignatura o kurso. Nabuo ang pagsusulit na ito upang mamaksimays ang diskriminasyon na nagawa ng mga taong may tiyak na background o karanasan.

Ang mga Tiyak na uri ng Pagsusult ayon sa Paraan ng Pagmamarka

1.       Pagsusulit na Obhektibo (Objective Test)
Maraming nagssabi na angisa sa pinakamahusay na pagsusulit na inihahanda ng guro ay ang Pagsusulit na Palayon o Tukuyan. Malaki lamang ang tanong at iisa lamang ang sagot para rito. Narito ang ilang halimbawa ng pagsusulit na obhektibo
1.1. maramihang pamimili ng sagot (multiple choice)
1.2. pagpupuno ng patlang (completion type)
1.3. pagtatapat-tapat (matching type)
1.4. dalawang pamimili (alternatate response)
1.5. pagsusulit close (close test\)
1.6. pagsusulit padikta (dictation test)
1.7. pagtukoy sa mali (error recognition test|)

2.       Pagsusulit na Sabhektibo (Subjective Test|)
Ang pagwawasto sa pagsusulit na may ganitong uri ay nababatay sa sariling pananaw o saloobin ng nagwawasto ng papel. Ang ilang halimbawa na pagsusulit na ito ay ang mga sumusunod|:
            2.1. pagsasalin(translation|)
2.2. pagsulat ng sanaysay (essay type|)
2.3. tanong na walang limitasyon |(open-ended question)

Mga Akdang Pampanitikan at mga May-akda na Kinatawan ng Bawat Panahon
A. Sinaunang Panahon

1.       Awiting Bayan                                                                                    3.   Epiko
Awit sa pamamangka/manggagawa-soliranin at talindaw                    Ibalon – Bikol
Awit pangkasal – diona at ihiman                                                     Biag ni Lam-ang – Ilokano
Awit panghele- oyayi                                                                       Kumintang – Tagalog
Awit ng pag-ibig – kundiman                                                            Bidasan – Moro
Awit ng pandigma – kumintang tikam at tagumpay                            Tuwaang – Bagobo
Lawiswis kawayan – Tagalog                                                           Lagda- Bisaya
O Naraniag A bulan – ilokano                                                           Darangan – Muslim
Atin Cu pung Singsing – Kapampangan                                            Alim – Ifugaw
Si Nanay si Tatay – Bikol                                                                 Pala-isgen – Palawan
Sarong Banggi – Bikol
2.       Alamat/kwentong Bayan
Alamat ng Sansinukob
Pinagmulan ng Araw at Gabi
Alamat ng Ating kulay
Alamat ng Hugis ng Ilong
Si Malakas at si Maganda
Paano Nilikha ang Mundo
Alamat ng Bigas
Alamat ng Samar- Leyte
Pinanggalingan ng Pulo ng Bisaya
Alamat ng Bulkang Mayon
Naging Sultan si Pilandok
Ang Bobong Prinsipe

3.       Karunungang-bayan
1. Salawikain nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng gating mga ninuno.
            Hal.      Ang naniniwala sa sabi-sabi ay walang tiwala sa sarili.
                        Hawak ng basahan may panahong kailangan
2. Saliwikain kasabihang walang nabagong kahulugan
            Hal.      Ang taong matiisin natatamo ang mithiin
                        Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
3. Bugtong
            Hal.      Bungbong kung liwanag
                        Kung gabi ay dagat (banig)
4. Palaisipan
            Hal.      May isang prinsesa sa tore nakatira
                        Balita sa kaharian pambihirang ganda
                        Bawal tumingala upang siya’y Makita
                        Anong gagawin ng binatang sumisinta?
5. Bulongginagamit sa pangkukulam, pang-ingkanto, pasintabi
            Hal.      Huwag magagalit kaibigan
                        Aming pinuputol lamang
                        Ang sa ami’y pinag-utos
6. Kawikaan laging nagtataglay ng aral sa Buhay
                        Hal.      Pag talagang palad sasampa sa balikat
                                    Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha

B. Panahon ng Kastila

1.       Mga unang aklat na panrelihiyon/ pangkagandahang asal
a.       Doctrina Cristiana – kauna-unahang aklat na inilimbag sa Pilipinas
b.       Nuestra Senora del Rosario – naglalaman ng talambuhay ng mga santo, nobena, tanong-sagot na panrelihiyon
c.       Pasyon – natutungkol sa buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo. Pinababasa tuwing Mahal na Araw
d.       Urbana at Feliza – pagsusulatan ng magkapatid na pawing patungkol sa kagandahang asal

2.       Mga Akdang Pangwika          
a.       Arte Y dela Lengua Tagala-Padre Blancas de San Jose
b.       Vocabulano dela Lengua Tagala – kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog ni Padre Pedro San Buenaventura 
c.       Vocabulano dela Lengua Pampango – ni Padre Diego Bergamo
d.       Comprendio dela Lengua Tagala – ni Padre Gaspar de San Agustin
e.       Arte dela Lengua Ilokano – kauna-unahang balarilang iloko ni Francisco lopez

3.       Mga Akdang Panlibangan/Pang-aliwan         
a.       Tibag- paghahanap ni Sta Elena sa kinamatayang krus ni Jesus
b.       Senakulo – pagtatanghal tungkol sa buhay at pagpapakasakit ni Cristo
c.       Panunuluyan – pagtatanghal sa paghahanap ng matutuluyan ni Jose at ni Maria
d.       Panubong – mahabang tulang nagpaparangal sa may kaarawan o kapistahan
e.       Karilyo – aninong pinapagalaw sa likod ng tabing
f.        Moro-moro o Komedya – pagtatanghal ng paglalabanan ng mga Kristiyano at Moro
g.       Karagatan – pagtatanghal batay sa alamat ng singsing ni Neneng na nahulog sa dagat.
h.       Saynete – dulang hinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo sa kanyang pamumuhay, pangingibig at pakikipagkapwa
i.        Sarswela – dulang musical na tatluhing yugto

4.       Mga Unang Tula/Makata
-          Pag-aaral ng mga tagalog  ng wikang Kastila – Tomas Pinpin
-          Femando Bagongbanta
-          Pag-aaral at pagsusuri sa Panulaang Tagalog – Padre Francisco Bencuchillo
-          Phelipe de Jesus
-          Loa-bersyong payak na binibigkas sa mga bilasyon o lamayan.

5.       Krusadang Propaganda
- Binubuo ng pangkat ng mga intelektwal sa gitnang uri. Paghingi ng reporma at  pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito.
a.       Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas
b.       Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
c.       Panumbalik ang pagkakaroon ng kinatawan sa Cortez ng Espanya
d.       Gawing Pilipino ang mga kura-paroko
e.       Ibigay ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon at pagpapahayag ng mga karaingan.
6.       Mga Propagandista at ang Kanilang Akda
a.       Jose Rizal (Laong-laan at Dimasalang)
                                    1. Noli me Tangere
                                    2. El Filibustirismo
                                    3. Mi Ultimo Adios
                                    4. Sobre La Indolencia delos Filipinas (Hinggil sa katamaran ng mga Pilipino)
                                    5. Filipinos Dentro De Cien Anos
                                    6. A La Juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino)

b.      Marcelo H Del Pilar (Plaridel, Dolores, Manapat, Piping Dilat)
                                    1. Dasalan at Tocsohan
                                    2. Kaiigat kayo
                                    3. Cadaquilaan ng Diyos
                                    4. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
                                    5. La Soberana en Pilipinas – katiwalian ng mga prayle sa Pilipinas
c.       Graciano lopez Jaena
                                    1. Fray Botod
d.       Antonio Luna
                                    1. Noche Buena – tunay na buhay Pilipino
                                    2. La Le Divertem – puna sa sayaw kastila
3. Por Madrid – tumutuligsa sa mga kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng Espanya ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisingilan ng selyo
                        e. Pedro Paterno
1. Ninay – kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang Pilipino
2. A Mi Madre – Kahalagahan ng isang ina

3. Mga nangunguna sa paghihimagsik/akda
                        a. Andres Bonifacio – (Agapito Bagumbayan)
                                    Ama ng Demokrasyang Pilipino
                                    Supremo ng Katipunan
                                    1. Katungkulan Gawin ng mga Anak ng Bayan
                                    2. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
                                    3. Katapusang Hibik ng Pilipinas
                                    4. Dapat  Mabatid ng mga Tagalog
                        b. Emilio Jacinto (Pingkian, Dimas-Ilaw)
                                    1. Liwanag at Dilim
                                    2. Kartilya ng Katipunan
                         c. Apolinario Mabini
                                    1. El Verdadero Decalogo
                                    2. Programa Constitutional dela Republika Filipinas
                        d. Jose Palma
                                    1. Himno Nacional Filipina

C. Panahon ng Amerikano
            1. Mga Pahayagan/nagtatag
                        a. El Nuevo Dia – Sergio Osmena
                        b. El Grito del Puerto – Pascual Poblete
                        c. El Renacimiento – Rafael Palma

            2. Mga kinikilalang manunulat/akda
                        a. Dulaan
                                    1. Seveino Reyes (Lola Basyang, Mang Binong)
                                                Walang Sugat
                                                RIP                             
                                    2. Patricio Mariano
                                                Dalawang Pag-ibig
                                                Anak ng Dagat

                                   
3. Aurelio Tolentino
                                    Kahapon, Ngayon at Bukas
                                     Hermogenes Ilagan
                                    Dalagang Bukid
                                     Juan Abad
                                                Tanikalang Ginto
                                    Juan matapang Cruz
                                                Hindi ako patay
b. Panulaan
                                    1. Benigno Ramos
                                    2. Pedro Gatmaitan
                                                Tungkos ng alaala
                                    3. Jose Corazon De Jesus(Batute)
                                                Mga Gintong Dahon
                                                Sa dakong Silangan
c. Nobela
            1. Valeriano Hernandez Pina (Ka Anong)
                        Nena at Neneng
                        Mag-inang mahirap     
            2. Lope k. Santos
                        Banaag at Sikat
            3. Faustino Aguilar
                        Pinaglahuan


                        Lihim ng isang Pulo
            4. Inigo Ed Regalado
                        Madaling Araw
                        Sampaguitang Walang Bango
D. Panahon ng Hapon
            1. Mga maikling kuwento/may-akda na nagwagi
                        a. Lupang Tinubuan – Narciso Reyes
                        b. Uhaw ang Tigang na Lupa – Liwayway Arceo
                        c. Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan – NVM Gonzales
E. Panahon ng Liberasyon     
  1. Mga aklat na nalimbag
                        Mga piling katha (1947-48 – A. G Abadila
                        a. Maikling Kwento Tagalog – Teodoro Agoncillo
                        b. Ako’y isang Tinig – Genoveva Edroza- matote
                        c. Mga Piling Sanaysay – A. G. Abadilla
                        d. Mga Piling Akda ng Kadipan – Efren Abueg
                        e. Pitong Dula – Dionisio Salazar
           
  1. Timpalak Palanca (Maikling kuwento)
                        Unang Taon (1950 – 1951)
                        Unang Gantimpala – Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute
                        Ikalwang Gantimpala – mabangis na kamay ….. maamong kamay ni Pedro S. Dandan
                        Ikatlong Gantimpala – Planeta, Buwan at Mga bituin ni Elpidio Kapulong
                        Dula (1953-54)
                        Unang Gantimpala – hulyo 4, 1954 A, D – Dionisio S. Salazar

  1. Nobela
                        a. Pagkamulat  ni Magdalena – Alejandro Abadilla at Elpidio Kapulong
                        b. Mga Ibong Mandaragit – Amado V Hernandez

  1. Cultural Heritage Award
                        1962 a. Isang Dipang Langit – Amado V. Hernandez
                        1963 b. Tinig ng Darating – Teo S. Baylon
                        1965 c. Mga Piling Tula – Alejandro Abadilla
                        1968 d. Damdamin – Inigo Ed. Regalado

F. Panahon ng Aktibismo       
            1.  Mga Manunulat ng Panitikang Rebolusyunaryo
                        Rolando Tinio
                        Rogelio Mangahas
                        Efren Abueg
                        Rio Alma
                        Clemente Bautista

2. Kalipunan ng mga Tulang Naisaaklat
            Kalikasan – Aniceto Silvestre
            _______ at iba Pang Tula – Rio Alma
            Mga tula ng Bayan Ko at iba pa – V. G. Suarez
            Sitsit sa Kuliglig – Rolando Tinio
            Mga Gintong Kaisipan – Segundo Esguerra

G. Panahon ng Bagong Lipunan
            1. Panulaan at Awiting Pilipino – Naging mabisang tagahubog ng kalinangan ng bansa
                        a. Supling-  Ruth Mabango
                        b. Isang Munting Alamat – Imee Marcos
                        c. Anak – Freddie Aguilar
                        d. Kapaligiran – Florante
                        E. Bagong Lipunan
            2. Dulaan
                        a. Sining kambayoka – MSU
                        b. Isang munting Alamat – Imee Marcos
                        c. PETA – Cecille Guidote Alvarez
                        d. Teatro Filipino – Rolando Tinio

H. Kontemporaryong Panahon
           
1. Nobela
                        a. Santanas sa Lupa – Celso Carunungan
                        b. Dekada 70 at Gapo- Lualhati Bautista

Mga Pangyayaring Makasaysayan
1.       Abril 19 1898 – Digmaang Kastila – Amerikano
2.       Mayo 1, 1898 – Pinalubog ni Almirante Dewey ang kuta ng mga Kastila
(Spanish Armada sa pamumuno Hen. Montoho)
3.       Emilio Aguinaldo – nagtatag ng Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Hongkong
4.       Pebrero 6, 1899 – Digmaang Pilipino – Amerikano
5.       Hen. Gregorio del Pilar – Bayani ng Pasong Tirad at “Leonidas ng Pilipinas”
6.       Marso 22, 1901 – Pagdakip kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela
7.       Hen. Miguel Malvar – Kahuli-hulihang Pilipinong Heneral na sumuko sa mga Amerikano
8.       Abril 16 1902 – Wakas ng Digmaang Pilipino – Amerikano
9.       1901 – batas ng Sedisyon
10.   1907 – batas ng Watawat
11.   Jose de Vergara(1913) – Ipinalagay na kauna-unahang makata sa Wikang Kastila

Mga Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Amerikano
1.       Hangaring makamit ang Kalayaaan
2.       Marubdob na Pagmamahal sa Bayan
3.       Pagtungkol sa Kolonyalismo at imperyalismo

Diwang Nanaig sa panahon ng Amerikano
1.       Nasyonalismo
2.       Kalayaan sa pagpapahayag
3.       Paglawak ng karanasan
4.       Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan

Mga Pahayagang Makabansa
1.       El Nuevo Dia – Sergio Osmena
2.       El Grito del Pueblo at Tinig ng Bayan – P. Poblete
3.       El Renacemiento – Muling Pagsilang – Rafael Palma
4.       Manila Daily Bulletin – 1900

Tatlong Pangkat ng Manunulat
1.       Maka – Kastila
2.       Maka – Ingles
3.       Maka-Tagalog

Mga Impluwensya sa pananakop ng mga Amerikano

1.       Pagpapatayo ng mga paaralan
2.       Pagbabago ng sistema ng edukasyon
3.       Pagpapaunlad ng kalusugan at kalinisan
4.       Paggamit ng wikang Ingles
5.       Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan
6.       Pagkakaroon ng kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan
Ayon kay Julian C. Balmaceda, ang mga makatang nakilala sa panahong ito ay nababahagi sa tatlong uri:
Makata ng Puso -          Lope K Santos
                                    Inigo Ed. Regalado
                                    Jose Corazon De Jesus
Ildefonso Santos
Amado V. Hernandez
At iba pa
Makata ng Buhay -        Lope K. Santos
                                    Jose Corazon de Jesus
                                    Florentino Collantes
                                    Patricio Mariano
                                    At iba pa
Makata ng Dulaan -       Patricio Mariano
Tomas Remigio
Aurelio tolentino
At iba pa
                                   
MGA MANUULAT, KANILANG MGA SAGISAG/TAGURI  AT  MGA TAMPOK NA KATHA
MANUNULAT
SAGISAG/TAGURI
KATHA
1.       Francisco Baltazar
Balagtas
Ama ng Panitikang Pilipino
Florante at Laura
Kay Celia
Almanzory Rosalina
2.       Lope K. Santos
Berdugo
Anakbayan
Apo ng Mananagalog
Ama ng Balarila
Ang Pangginggera
Banaag at Sikat
Puso at Diwa
3.       Jose Corazon de Jesus
Huseng Batute
Unang Hari ng Balagtasan
Huseng Katuwa
Paruparong Asul
Sundalong lasing
Ang Pamana
Ang Pagbabalik
Isang Punungkahoy
4.       Amado V. Hernandez
Makata ng Manggagawa
Makata ng Anakpawis
Wala ng Lunas
Pilipinas
Isang Dipang Langit
Bayang Malaya
5.       Florentino Collantes
Kuntil Butil
Makata ng Bayan
Ang Lumang Simbahan
Ang Tulisan
Ang Magsasaka
6.       Julian Cruz Balmazeda
Alpahol
Itang Barbarin
Ang Piso ni Anita
Sino ba kayo?
7.       Patricio Mariano
Pedro Manabat
Mga Anak-Dalita
Huwag lang Lugi ang Puhunan
8.       Severino Reyes
Lola Basyang
Ama ng Dula at Sarsuelang
      Tagalog
Walang Sugat
R.I.P
9.       Ildefonso Santos
Dimas-Ilaw
Dimas Silangan
Ang Guryon
Sa Tabi ng Dagat
10.   Hermogenes Ilagan
Ka Moneng
Dalagang Bukid
11.   Pedro Bucaneg
Ama ng Panitikang Ilokano
Biag ni Lam-ang
12.   Mariano Perfecto
Ama ng Panitikang Bisaya
Padre Severino Reyes
13.   Valeriano H. Pena
Kintin Kulirat
Ama ng Nobealng Tagalog
Nena at Neneng
14.   Cirio H. Panganiban
Crispin Pinagpala
Sa Likod ng Altar
Veronidia
15.   Jose Villa Panganiban
Kastilaloy
Mga Butil ng Perlas
16.   Efren Reyes Abueg
Ester Aragon
Mister Mo, Lover Boy Ko
17.   Alejandro G. Abadilla
AGA
Ama ng Malayang Taludturan
Ako ang Daigdig
18.   P. Modesto De Castro
Ama ng Tuluyang Klasika
Urbana at Felisa
19.   P. Mariano Pilapil
Ama ng pasyong Pilipino
Mga Pasyon
20.   Pascual Poblete
Ama ng Pahayagang Pilipino
Unang nagsali ng Noli Me Tangere sa Tagalog
El Grito del Pueblo
Ang kapatid ng Bayan
21.   Tomas Pinpin
Ama ng Limbagang Pilipino
Arte y  Reglas de la Lengua Tagala
22.   Juan Crisostomo Sotto
Ama ng panulaang kapampangan
Lidia
23.   Aurelio Tolentino
Ama ng Dulang kapampangan
Kahapon, Ngayon at Bukas
24.   Casimiro Perfecto
Ama ng Panitikang Bikol

25.   Jose Garcia Villa
Doveglion
Have Come, Am Here
Footnote to Youth
26.   Nick Joaquin
Quijano de Manila
A Portrait of the Artist as Filipino
May Day Eve
27.   Manuel L. Quezon
Ama ng Wikang Pambansa

28.   Ponciano Peralta Pineda
Direktor, Surian ng Wikang Pambansa, 1971
Malalim ang Gabi
29.   Jose Rizal
Laong Laan
Dimasalang
Makata at Nobelista ng       
  Propaganda
Mamamahayag ng Propaganda
Dakilang Malayo
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Mi Ultimo Adios
A la Juventud Filipina
Sa Aking mga kababata
30.   Marcelo h. del Pilar
Pupdoh
Piping Dilat
Plaridel
Dolores Manapat
Mamamahayag ng Propaganda
Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
Dasalan at Tocsohan
Caiigat Cayo
31.   Graciano Lopez-Jaena
Mananalumpati ng propaganda
Fray Botod
El Bandolerismo en Pilipinas

32.   Andres Bonifacio

Magdiwang
Agapito Bagumbayan
Anak Bayan
Ama at Supremo ng Katipunan
Dakilang Plebiyo

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
Tapunan Mo ng Lingap

PANLAHAT NA  ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO

KAHULUGAN NG MGA  KATAWAGAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO

1.1    Dulog             -  Ito’y  set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagtuturo 
                                     at pagkatuto.
1.2    Estratehiya   -  Ito’y isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong 
                                    paglalahad ng wika at batay sa isang dulog (Anthony, 1963). May tiyak
                                    na hakbang sa sinusunod ang bawat metodo o pamamaraan .
                                    Estratehiya ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat
                                    hakbang ng pagtuturo. Halimbawa, ay ang gamit ng mga awtentikong
                                    teksto, larawan o larong pangwika.
1.3   Kognitibo       -  Ito’y isang estratehiyang nagbibigay ng istruktura na humihikayat sa
                                    pag-unawa at pagsasaulo ng mga kaalamang pangkaisipan sa
                                    pamamagitan ng paggamit ng mga estratehiyang nagtutulak upang 
                                    mabatid ang hangganan ng isip.
1.4  Sosyo-apektibo -  Ito’y isang estratehiyang ang pokus ay ang pakikipag-ugnayan sa ibang
                                     tao at ang pagpapahalagang natutuhan.
1.5  Pansaykomotor  - Pamamaraang kakakitaan ng kinalabasang kaalaman o pagpapakita ng
                                     natutuhan ng mga mag-aaral. Pagpoproseso ng mga kaalaman 
                                     natutuhan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapakita ng 
                                      kanilang galing at husay.
1.6  Teknik              -  Mga tiyak na gawaing malinaw na makikita sa pagtuturo at consistent
                                     na isang pamamaraan at katugong dulog. Ito ang tawag sa paraan ng
                                     organisasyon ng interaksyong pangklase.Alinman sa mga gamiting
                                     pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum upang maisakatuparan ang
                                     mga layunin ng isang aralin.
1.7  Metakognitibo -  Ito’y teoryang tumutukoy sa proseso ng pagkatuto , gamit ang
                                    estratehiyang tutugon sa pangangailangan ng iba’t ibang uri ng mag-
                                    aaral.
1.8  Pagdulog Interaktibo  -  Tumutukoy sa pagsasangkot sa mga mag-aaral sa makabuluhang
                                               interaksyon. Ang puso ng Komunikasyon at Susi ng isang 
                                               Dinamikong Pagtuturo.
1.9  Pagdulog Integratibo -   Sa pagdulog na ito, malawak na sinisiyasat ang mga mag-aaral
                                                ang mga kaalaman sa iba’t ibang  asignatura . Pinag-aaralan at
                                                natututuhan ang wika ng buo;magkasanib ang pakikinig ,
                                                pagsasalita, pagbasa at pagsulat.
1.10  Pagdulog Kolaboratibo  -  Ito’y nakasentro sa mga mag-aaral na sama-samang
                                                    gumagawa ng mga gawain.

II.    MGA KATANGIAN NG ISANG MAKABAGO AT MABUTING ESTRATEHIYA
       2.1.  Ang mabuting estratehiya ng pagtuturo ay payak  at madaling maisakatuparan
       2.2   Ito’y dapat magsangkot ng mga mag-aaral sa lahat ng mga gawain.
       2.3   Ito’y nagbibigay ng mabuting bunga ng kahihinatnan
       2.4   Ito’y humuhubog ng mabuting pag-uugali at kaasalan ng mga mag-aaral
       2.5   Ito’y humahamon sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral
       2.6   Ito’y dapat magtaglay ng maraming gawain pangguro  kaysa gawaing pang mag-aaral.
       2.7   Ito  umano’y makabuluhang kahulugan mga simulain ng pagkatuto at pilosopiya ng
                pagtuturo.


III. MGA ESTRATHIYA /PAGDULOG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

         Ang pagpili ng estratehiya sa pagtuturo ay dapat nagsasaalang-alang sa mga sumusunod na salik:

a.       Gulang                                                                   d. interes
b.       Ang pisikal na kalagayan ng silid-aralan               e. halaga ng kagamitan
c.       Kakayahan at karanasan ng mag-aaral

        Dapat ding isaalang-alang  ang kasanayang  nalilinang at ang kaangkupan ng gagamiting pantulong.
 Ngunit kahit ano pang pamaraan ang gamitin ng guro, ang mahalaga ay ang pagpokus sa gamit ng wika at komunikasyon at ang paglinang ng mga mag-aaral  sa mahusay  ng komunikasyon  sa Filipino.

3.1 Batay sa pagdulog Integratibo
3. 1.1  Pagtuturong Tematik – Ito’y pagsasanib ng iba’t ibang asignatura upang lalong  mapaunlad at
maging higit  na makatotohanan ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
3.1.2   Pagtuturong batay sa Nilalaman -  Ito’y pagpili ng nilalaman na gagamitin sa makabuluhang
             pagtuturo ng wika.
3. 1.3  Pagtuklas
 3.1.4   Generic  Competency

3.2  Batay sa Pagdulog Interaktibo
       3.2.1  Pagkakasangkot sa mga mag-aral sa mga makabuluhang Interaksyon o Talakayan
      3.2.2   Ang talakayan at pagbabahagi  at  tutugon sa Ideya , Karanasan,Pamamaraan, at
                 Kaalaman ng mga Mag-aaral

3.3  Batay sa Pagdulog Kolaboratibo
     3.3.1  Brain Storming – Ito’y teknik  na gumagamit ng imahinasyon at/kritikal na pag-iisip
                 upang malutas  ang isang problema.
     3.3.2  Simposyum  -  Inilalahad dito ang paksa at nagsasagawa ng malayang talakayan
                 pagkatapos makapaglahad ng impormasyon at saloobin ang mga tagapagsalita.
     3.3.3  Paggamit ng Awtentikong Materyales -  Ginagamit sa pagtuturo  ang  mga babasahin mula sa
                  mga polyeto, magasin, dyaryo bilang  lunsaran o inilalaman ng araling ituturo.

MGA ESTRATEHIYA SA PAGDULOG KOLABORATIBO
STAD (STUDENT TEAM  ACHIEVEMENT DIVISIONS)       KOMITE  
TAI (TEAM ASSISTED INSTRUCTION)                                JIGSAW
BRAIN STORMING                                                                DEBATE
ROLE PLAY                                                                            MULTIPLE INTELLIGENCIES
LEKTYUR-FORUM                                                                PANEL DISCUSSION
SIMPOSIUM                                                                            ROUND TABLE DISCUSSION
OPEN FORUM                                                                        MEET THE PRESS
THINK PAIR SHARE                                                  PAGGAMIT NG AWTENTIKONG GAWAIN

       3.4  Batay sa Pagdulog Komunikatibo
               Binibigyang pansin dito ang paglinang ng mga tuntuning sosyo-kultural na kailangan sa aktuwal 
                 na paggamit ng wika.
              Ang magkatimbang ng pagbibigay-diin sa kayarian ng wika at sa gamit nito ay isa sa natatanging  
                 kakanyahan ng pamaraang komunikatibo.

      3.5  Batay sa Pagdulog Komprehensyon
             3.5.1  Ugnayang Tanong Sagot – Ito’y estratehiyang  sumasanay sa mga mag-aaral upang
                       magsuri  ng mga tanong tungkol sa binasa.
             3.5.2   Estratehiyang Pinatnubayang Pagbasa at Pag-iisip – Ito’y pagbibigay ng pagkakataon sa
                        mga bata na magbigay ng sariling hula o palagay na ginagamit ang dating kaalaman buhat 
                        sa teksto.


             3.5.3  Estratehiyang Biswal – Sa pamamagitan nito, ang mga mag-aaral ay nagbibigay ng
                          malinaw  na pag-uugnay sa mga kaisipan o pangyayari mula sa binasa.

     3.6  Batay sa Pagdulog na Brain-based – Aplikasyon ng prinsipyo ng pagtuturo – pagkatuto.
              May mga estratehiyang sinaliksik, at ang mga estratehiyang ito ay ginagamit sa pagtuturo tungo
              sa  pagkatuto  ng mga mag-aaral.
                         Halimbawa ng mga teknik : Mga sitwasyon ng mga mag-aaral sa totong buhay  paggamit 
               ng iba ‘ t ibang  proyeto   na   magiging makahulugan , makabuluhan at  kaganyak-ganyak 
               simulation hands  on  activities.

      3.7  Batay sa pagpapataas ng Antas ng Pag-iisip

         HIGHER ORDER THINKING SKILLS (HOTS)
  Ito’y antas ng pag-iisip at sining nga pagtatanong o pangkat ng mga tanong na may mataas na antas katulad ng:
a.       Tanong pagpapahalaga
b.       Tanong paglikha
c.       Tanong pangangatwiran
d.       Pagtatangi-tangi
e.       Pagpili ng Salungat at Pagpapahalaga sa Napili
f.        Pagtataya sa Solusyon
g.       Pagpapatibay ng Ideya
h.       Pagsasabi ng Opinyon o kuro-kuro
i.        Pagbuo ng pagpapasya Batay sa Sariling Pamantayan

Mga Maaring Pagbabatayang Tanong:
Kaalaman                                          Pang-unawa
Aplikasyon                                        Paghinuha
Pag-aanalisa                                      Sintesis
Ebalwasyon                                      Pagpapabisa

KAGAMITAN SA PAG-IISIP
PAC (PARAPHRASE AS YOU COMPREHEND)
FAW (FORM A WORD)
FAS ( FORM A SENTENCE)
SAG (SKETCH APPROPRIATE GRAPHICS)
P-SOLVE (PROBLEM SOLVING)
PASS –TEST
PIN (POSITIVE INTERESTING & NEGATIVE)
LAF (LIST ALL FACTORS)
FOR ( FORMULATE RULES)
TAC ( THINK ABOUT CONSEQUENCES)
SIP ( STATE IMPORTANT PURPOSES)
TOP ( THINK OF YOUR PRIORITIES)
LAP ( LIST ALTERNATIVES AND POSSIBILITIES)
LOV ( LOOK AT OTHERS VIEWPOINT)
MAP ( MAKE A PLAN)
MAD (MAKE A DECISION)

MALIKHAING PAG-IISIP
Pagpapalawak  sa kapasidad ng kaisipan na lumilikha o bumubuo ng mga ideya, proseso, karanasan, bagay o solusyon ng mga suliranin.

PROSESO SA MALIKHAING PAG-IISIP
1.       Pagtukoy sa suliranin o isyu
2.       Pag-iimbestiga sa suliranin o isyu
3.       Paglalahad ng iba’t ibang solusyon
4.       Pagpili ng Pinakamaraming solusyon

 MAPARAANG PAG-IISIP
 Isang sistematikong proseso ng pagtukoy  at paggamit ng iba’t ibang estratehiya at taktika  upang mapalawak ang hinahanap o layunin.

                  PROSESO SA MAPANURING PAG-IISIP
1.       Magkaroon ng Focus
2.       Sundin ang Pamaraan
3.       Maghanap ng Solusyon o Estratehiya
4.       Piliin ang Prayoridad
5.       Gumamit ng Estratehiya
6.       Gumawa ng Aksyon

KLASIKONG PAMARAAN SA PAGTUTURO NG WIKA
    Pamaraang Grammar Translation- (Pamaraang klasiko)
-          Ang pokus sa pagtuturo ay ang tuntunin sa balarila, pagsasaulo ng mga talasalitaan at iba’t ibang implikasyon at pagbabanghay ng pandiwa, pagsasalin  at maraming pagsasanay.

Mga katangian
1.       Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target na wika.
2.       Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan.
3.       Binibigyang-diin ang pagbasa at pagsulat at halos hindi nalilinang ang pakikinig at pagsasalita.
4.       Pabuod na itinuturo ang balarila.
5.       Ang pagbasa ng mga may kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi isinasaalang-alang ang kahandaan ng mga mag-aaral.
6.       Mahalaga ang kawastuhan sa pagsasalita.

Series Method (Gorin)  isang paraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika ay itinuturo nang tuwiran (walang pagsasalin) at isang serye ng mga magkakaugnay  na pangungusap ay inilahad sa isang konsepto na madaling maunawaan ng mag-aaral.
-          Ang pamaraang ito’y naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay ang transpormasyon ng mga pananaw sa wika sa isang konsepto na madaling maintindihan.

Ang Pamaraang Direct
-          Nananalig ito tulad ng Series Method sa kaisipang ang pagkatuto ng pangalawang wika ay kailangang katulad  din ng pag-aangkin ng unang wika- may interaksyong pasalita, natural na gamit ng wika, walang pagsasalin sa pagitan ng una at pangalawang wika, at halos walang  pagsusuri sa mga tuntuning pambalarila.

Ang Pamaraang  Audio- Lingual (ALM)
-          Ito ay batay sa teoryang sikolohikal at linggwistiko.
Mga Pangunahing katangian ng ALM (Prator at Celso- Murcia, 1979)
1.       Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin
2.       Pangunahing estratehiya sa pagkatuto ay ang panggagaya, pagsasaulo ng mga parirala, at paulit-ulit na pagsasanay.
3.       Walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila.
4.       Limitado ang gamit ng mga bokabularyo at itinuturo ito ayon sa pagkakamit sa pangungusap.
5.       Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkakalase.

Ang Designer Methods  ng Dekada 70
-          Ang designer na methods (Nunar, 1989) ay ang mga pinakabago at pinakamahalagang bunga ng mga pananaliksik pangwika.
1.       Community Language Learning (CLL)
-          Ito ay isang klasikong  halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn  na  pandamdamin.
-          Ang pagkabahala ay nababawasan dahil  ang klase ay isang komunidad ng mga mag-aaral na laging nag-aalalayan sa bawat sandali ng pagkaklase. Ang guro ay tumatayo at bilang isang tagapayo at laging handa sa anumang pagdadahilan sa pag-aaral dahil sa magandang ugnayan ng guro at mag-aaral.
-          Ang pamaraang ito ay ekstensyon ng modelong counseling_Learning  ni Charles A. Curran na nagbibigay –diin  sa pangangailangan ng mga mag-aaral na magsama-sama bilang  isang komunidad na binibigyan ng kaukulang  pagpapayo.
2.       Ang  Suggestopedia
-          Ang pamamaraang ito ay mula sa paniniwala ni George Lazanov (1970), isang sikologong Bulgarian, na ang utak ng tao ay may kakayahang magproseso ng malaking dami ng impormasyon kung  nasa  tamang  kalagayan sa pagkatuto – halimbawa – (relaks na kapaligiran)

Mga Katangian
1.       Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na maging panatag ang kalooban.
2.       Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuto at may maririnig na mahinang tugtugin.
3.       Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension: ang  may kamatayan (conscious) kung saan nakikinig  sa isang binabasang  diyalogo at ang kawalang-kamalayan (sub- conscious) kung saan ang musikang maririnig ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay madali.
4.       Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng  musika, awitin at drama.

Ang Silent  Way
-          Nanghahawak sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipinauubaya sa mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto (Gat tegno, 1972)
Ang Silent Way ayon kay Richards and Rogers, 1986 ay batay sa:
1.       Mas mabilis ang pagkatuto kung ang mag-aaral ang tutuklas o lilikha ng mga sariling gawain sa halip na ipasaulo o ipaulit nang maraming beses kung ano  ang natutuhan.
2.       Napadadali ang pagkatuto sa tulong ng mga kagamitang panturo tulad ng mga bagay na makikita at mahahawakan ng mga mag-aaral.
3.       Napadadali ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga araling kinapapalooban ng mga gawain sa may  suliraning tutuklasin ang mga mag-aaral.

Mga Katangian:
1.       Pangalawa lamang ang pagtuturo sa pagkatuto. Pananagutan ng  mga mag-aaral ang sarling pagkatuto.
2.       Tahimik ang guro ng maraming oras, ngunit aktibo sa pagbibigay ng sitwasyon at pakikinig sa mga mag-aaral.
3.       Di gumagamit ang pagsasalin ngunit ang unang wika ay itinuturing na pinagmulan ng kaalaman ng mag-aaral.
4.       Ang Total Physical Response (TPR)
Ito ay  dinevelop ni John Asher (1977). Ang pamaraang ito’y humango ng kaisipan sa Series Method.
  Ang isang tipikal na TPR  na pamaraan ay gumagamit ng maraming kayarian sa pagsasalita na nag-uutos. Ang mga pag-uutos ay payak at madaling isagawa. Ito’y mabisang paraan upang ang mga mag-aral ay kumilos at gumalaw nang may kawilihan.
Mga Katangian:
1.       Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mga utos mula sa titser na isinasagawa ng mga mag-aaral.
2.       May interaksyong guro-mag-aaral, mag-aaral-mag-aaral, nagsasalita ang guro, tumutugon ang mga mag-aaral.
3.       Binibigyan diin ang komunikasyong pasalita.
Ang Natural Approach
         Ito ay idenevelop ni Tracy Terrel. Nilalayon ng Natural Approach na malinang ang mga personal na batayang kasanayang pangkomunikasyon tulad ng gamiting wika para sa mga pang araw-araw  na sitwasyon gaya na pakikiusap, pakikinig, at iba pa.

         Ayon kina krasten at Terrel, sa Natural Approach, ang mag-aaral ay dumaraan sa tatlong yugto ng pagkatuto.

1.       Yugtong preproduction
Nililinang ang mga kasanayan sa pakikinig

2.       Early production- kakikitaan  ng mga pagkakamali  habang nagpupumilit  ang mga bata  sa paggamit ng wika.
3.       Ekstensyon ng production – layunin ng yugtong ito ang katatasan sa pagsasalita.Ang mga aktibidad ay mahihirap na laro, role play, dayalog, talakayan, at pangkatang Gawain.
Sitwasyunal
-          Bawat aralin ay kontekswalisado sa isang sitwasyon at lahat ng usapan sa dayalog ay umiikot sa nasabing sitwasyon. Gumagamit ng iba’t-ibang biswal at mga tunay na bagay upang mabigyang buhay.
(Hal. Pamimili sa tindahan, pagdalo sa parti, pagsagot sa telepono, at iba pa)

Mga Tradisyunal na Pamaraan sa Pagtuturo ng Wika

1.       Ang Pamaraang Pabuod- nagsisimula sa nalalaman patungo sa hindi nalalaman. Angkop gamitin sa pagtuturo kaugnay ng tuntunin o pagkakaroon ng isang paglalahat o generalization.
2.       Pamaraang Pasaklaw
-kabaligtaran ng pamaraang pabuod. Ito ay nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin  patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa.
3. Pamaraang Pabalak – ginagamit sa anumang  asignatura na may nilalayong  magsagawa ng
                    proyekto . Dito nalilinang ang kakayahan at kasanayan sa pagpaplano  sa pagsusuri sa
                    pagpapahayag at sa pagpapasya. Nahuhubog din ng mga mag-aaral sa mga magagandang
                    asal tulad ng pakikipagtulungan at pagiging isport.
4.             Araling Pagpapahalaga – ginagamit na may layuning mapahalagahan  ng mga mag-aaral ang ganda ng isang tula, kuwento, awitin, tugtugin o anumang  likhang sining.
5.       Pamaraang Pagtuklas – nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makatuklas ng kaalaman , mga konsepto, kaisipan , simulain , at mga paglalahat . Ang guro ay gumaganap ng tungkuling bilang tagasubaybay lamang. Hindi siya nagdidikta  ng kaalaman o konsepto na dapat malaman  ng mag-aaral.
6.       Pagdulog konseptwal – (learning how to learn) – Nagbibigay-diin ito sa pag-aaral ng kaisipan o konsepto. Ang kaalaman  ng mag-aaral sa iba’t ibang  kaisipan ay makatutulong sa kanya sa paglutas  ng mga suliranin sa kanyang buhay o para sa kanyang pakikipamuhay  sa lipunan.
7.       Pamaraang Microwave – isang pamaraang ginagamitan ng mga siklo o cycles. Ang siklo ay binubuo ng maikling usapan na karaniwan ay tanong at sagot sa pangungusap na pasalaysay.

PAGSASALINGWIKA

-          Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat o pagsasalin ng wika sa pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng  isinasaad sa wikang isinasalin.
Katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling-wika
1.       Kadalubhasaan sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
2.       Sapat na kaalaman sa kulturang  kinabubuhulan ng dalawang bansang kasangkot sa pagsasalin.
3.       Ganap na kaalaman sa paksa
4.       Sapat na kaalaman sa balarila ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

Mga Paraan ng Pagsasalin

1.       Sansalita – bawat- sansalita-isang-isang pagtutumbas ng kahulugan ng salita.
2.       Literal – ang pahayag sa pinagmulang wika ay isinasalin sa pinakamalapit sa gramatiko na pagkakabuo ng wikang pinagsalinan.
3.       Adaptasyon – Itinuturing itong pinakamalaya na kung minsan ay malayo na sa orihinal.
4.       Malaya – Malaya ito o walang control at parang hindi na isang salin.
5.       Matapat – sinisikap nito na makagawa ng eksakto o katulad na kahulugang kontekstwal ng orihinal.
6.       Idyomatikong Salin – mensahe, diwa o kahulugan ng orihinal na teksto ang isinasalin.
7.       Saling Semantika – pinagtutuunan ang halagang estetiko gaya ng maganda at natural na tunog.
8.       Komunikatibong Salin – Nagtatangka itong isalin ang eksaktong kontekstwal na kahulugan ng orihinal sa wikang katanggap tanggap at madaling maunawaan ng mambabasa.

MGA URI NG PAGSASALIN

1.       Pagsasaling teknikal – may kinalaman ito sa agham, kalikasan, lipunan at sa mga disiplinang akademiko.
2.       Pagsasaling pampanitikan – pag-aangkop ng akdang pampanitikan sa panibagong kalagayang pampanitikan  na nagtataglay rin ng mga katangian, istilo at himig ng akdang pampanitikan.

PANGKATANG PATNUBAY SA PAGSASALIN
1.       Kaisipan  ang isinasalin, hindi mga salita
2.       Suriin kung ang mga pahayag  ay idyoma
3.       Basahin at unawain ang artikulong isinasalin.
4.       Isalin  ang pangungusap  ayon sa diwang tinataglay
5.       Maging consistent sa paggamit ng salita
6.       Basahin muli ang artikulo pagkatapos masalin
7.       Gamitin ang ekspresyong dayuhan kung walang katumbas sa Filipino

PANANALIKSIK
-Ang pananaliksik ay ang paghahanap ng teorya, pagsubok sa pananaw, teorya o paglutas ng suliranin. Ang siyentipikong  pananaliksik ay sistematiko, kontrolado, empirical, at kritikal na imbistigasyon ng mga haypotetikal na proposisyon tungkol sa ipinalalagay na relasyon ng mga likas na phenomena. (Sevilla, 2000)

HALIMBAWA NG BALANGKAS NG TESIS
Kabanata 1 – Ang Suliranin at ang kapaligiran nito
d.       Panimula
e.       Batayang Teoritikal
f.        Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral
g.       Paglalahad ng Suliranin
h.       Kahalagahan ng Pag-aaral
i.        Saklaw at Delimitasyon
Kabanata II – Mga Kaugnay na Literatura at  Pag-aaral
a.       Mga kaugnay na Literatura
b.       Mga kaugnay na Pag-aaral
Kabanata III – Metodolohiya at Pamamaraan ng Pananaliksik
Kabanata IV – Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapaliwanag ng mga Datus
Kabanata V – Buod, Konklusyon, Rekomendasyon

Mga Paraan ng Pananaliksik

1.       Palarawang Pamaraan – naglalarawan at nagbibigay ng kahulugan  kung ano ito. Ito ay  may kinalaman sa mga kondisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, mga paniniwala at prosesong  nagaganap; (Sevilla ,2000)
2.       Eksperimental na Paraan – ito ay naging pinakatanyag na paraan ng pagsusulong ng kaalaman sa agham. Ayon kay Gay  (1976) ito lamang ay pamaraan ng pananaliksik na tunay na nakasusubok sa palagay tungkol sa ugnayang sanhi at bunga.
3.       Pananaliksik na Historikal- Tumutukoy ito sa mga tagpuan na mapagkukunan ng mananaliksik ng datos primary o sekundarya man. Ito ay pagtingin sa nakaraan upang makatulong sa pag-alam kung ano ang gagawin ngayon at sa kinabukasan.

Ilang katawagan sa Pananaliksik
1.       Realibility – Ganap na kawastuhan ng datos, ang katatagan at katumpakan at ang kakayahan nitong mauulit.
2.       Validity – ang sukat ng lawak ng pagtatamo ng mga layunin na hinahangad na matamo o masukat.
3.       Baryabol – mga katangian ng iyong iniimbistigahan sa pag-aaral.
·         Kahulugang Operasyunal- tinatawag din itong functional definition o ayon sa pagkakagamit ng terminolohiya sa imbestigasyon.
·         Konseptwal na depinisyon – ito ay ang depinisyon na batay  o mula sa mga diksyunaryo.
·         Random Sampling – ito ay isang pamaraan ng pagpili ng laki ng sampol, mula sa pangkalahatan kung saan ang bawat miyembro ng populasyon ay may pantay-pantay na pagkakataon na mapasama sa sampol at ang lahat ng posibleng kumbinasyon ng sukat ay may pantay-pantay na pagkakataong mapili sa sampol.
PAMAMAHAYAG
-          Ang pamamahayag ay sining ng pagsulat at pagwawasto ng mga artikulo para sa magasin o pahayagan.
-          Ang simulain ng pamamahayag ay pananagutan, kalayaan ng pahayagan, pagsasarili, katapatan, katotohanan, at ganap na kawastuhan, walang kinikilingan, makatarungang pakikitungo at magandang kaasalan.
-          Kabilang sa mga gawain ng pamahayagang pampaaralan ay pangangalap at pagbuo ng balita, at balitang pang isports, pagsulat ng editorial, kolum mga lathalain, pagwawasto ng orihinal, pag-uulo ng pahina at photo journalism.

·         Balita – anumang ulat, pasalita o pasulat ukol sa pangyayaring hindi karaniwan, napapanahon, makatawag pansin at kawilihan ng mambabasa, nakagaganyak at nakalilibang, totoo ,bagay na kagaganap lamang o natuklasan sa unang pagkakataon.
·         Editoryal – kuro-kuro ng patnugutan hinggil sa mahalaga at napapanahong isyu.
·         Lathalain – ulat ng mga pangyayar ing namasid, nasaksihan o nasaliksik na nakasulat sa kawili-wiling paraan.

Pagwawasto ng orihinal na balita
    Sa pagwawasto, mahalagang mabalik-aralan ang mga panuntunan sa pagwawasto  tulad ng pagtiyak sa katumpakan ng mga detalye at nilalaman, pagtiyak sa kayarian, pagwawasto sa mga kamalian sa balarila tulad ng kayarian ng pangungusap at pagbaybay at iba pa.

Pag-uulo (Headlining)

      Ang pag-uulo ay may dalawang layunin: makatawag pansin ng mambabasa at masabi kung tungkol saan ang artikulo.

Mga Uri ng Ulo
1.       Banner – ulo ng pinakamahalagang  balita
2.       Deck o bank – pangalawang pangulo na nasa ibaba ng pinakaulo na nasusulat sa mas maliit na letra.
3.       Flush left – pantay sa kaliwa
4.       Tagline o  kicks – pananda ng pinakaulo na inilalagay sa itaas nito.
5.       Downstyle – lahat ay nasa maliit na letra, maliban sa unang letra ng unang salita at unang letra ng mga pangalang pantangi

Ang Pag-aanyo ng Pahina
-          Ay ang pagsasaayos ng mga artikulo at larawan sa bawat pahina ng pahayagan.

Mga simulaing sinusunod  sa pag-aanyo
1.       Timbang – ito ay ang pantay-pantay na distribusyon ng bigat sa isang pahina
2.       Galaw- Matatamo ito sa pamamagitan ng pag-iiwas sa paglalapit ng ulo ng dalawang balita.
3.       Diin – Matatamo ito sa pamamagitan ng pag-iiba sa uri, laki ng tipo at paglalagay ng pinakamahalagang balita sa itaas na bahagi ng pahina
4.       Kaisahan – Natatamo ito sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit  ng maliliit na ulo sa mahaba at mahalagang balita.
5.       Pag-iiba-iba – matatamo ito sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t  ibang haba ng artikulo at laki ng ulo.
 
Ang pagtuturo ng mga Filipino sa Sekundarya sa Batyang Edukasyon
            Ang pangunahing layunin ng pagtuturo ng Filipino sa antas sekundarya ay nakadevelop ng isang gradweyt na mabisang nakikipagtalastasan sa Filipino, kailangang taglay niya ang mga pangangailangan sa apat na makrong kasanayan ang pagbasa,pagsulat,pakikinig at pagsasalita.
            Ituturo a ng Filipino gamit ang mga Tekstong hango sa mga asignaturang pang nilalaman tulad ng araling agham panlipunan, agham at teknolohiya, literature at iba pang kaugnayan sa disiplina.
            Ang una at ikalawang taon ay nakapokus sa masusing pag-aanalisa at pag-aaral ng mga tiyak na istrukturang gramatika o  ng Filipino bilang wika sa pamamagitan ng maunawaang pagbasa ng iba’t ibang teksto.
            Sa ikatlo at ikaaapat na taon, nililinang ang mga kaalaman at kasanayang pampanitikan. Sa tulong nito nalilinang ang mapanuring pag-iisip ng mga mag-aaral.
            Sa unang taon, tatalakayin ang mga kasanayang Pampanitikan at Kumunikatibo. Gagamitin ang mga akdang pampanitikang rehiyunal tulad ng pabula, alamat, at epiko. Tatalakayin din ang ibong Adarna na isang kurido
            Sa ikalawang taon nakatuon sa pagtatalakay ng mga Akdang pampanitikan sa Pilipinas na kinibibilangan ng mga tula, balagtasan at dula. Tatalakayin din dito ang Florante At Laura na isang awit.
            Sa ikatlong taon bibigyan ng tuon ang pag-aaral at pagsusuri ng mga saling akdang pampanitikan Asyano at tatalakayin din dito ang nobelang Noli Me Tangere
            Sa ikaapat na taon ang tuon ay ang pagtatalakay at panunuri ng mga saling akdang pampanitikang pandaigdig. Kasamang tatalakayin dito ang El Felibustirismo.







13 comments:

Related Posts