TIPS: How To Passed The LET in One Take? - LET EXAM - Questions & Answers

Welcome to LET Exam Questions and Answers!!!

TIPS: How To Passed The LET in One Take?



Please take time to read guys, you will enjoy reading and at the same time you will learn and realize a lot. Enjoy.




1. THE READER

 basa lang, no need to memorize, summarize or hypnotize but sacrifice. Kalokohan yang memorizing na yan mapupuno lng container ng utak mo sa kakamemorize hindi nmn yan lalabas kung meron man isa lang! Basahin mo lng bes at marerecall na yan once you encounter it. Yung feeling na ginawa mo na lahat at sobra sobra pero iniwan ka pa! Kase nga hindi naman yun gusto nya kaya basa lang para sapat na! Minsan talaga masama din ang sobra.



2. THE ALMA MORENO

 Oo dasal lang! Dasal lang talaga! Pills! Magpakabait ka at maniwala na papasa ka! Wag kang makicomment sa type "amen" na yan. Magdasal ka ng sarili mo mas ok kung tahimik lang or doon sa church. Wag kang maniwala sa "type amen at add moko para pumasa" whaaaaaat? Pafame lang yon bes, so kapag inadd mo sya papasa ka? Ano sya answer key? Pwe! Dasal lang bes with a heart. 



3. THE BREAD WINNER

 tama yan bes! Isipin mo na ikaw ang pag asa para makapagtapos din si bunso, ikaw ang pag asa para sa bahay nyong isang ubo na lang, ikaw ang pag asa para maipagamot si nanay, ikaw ang pag asa para sa mahinto na sa bukid si tatay, ikaw ang pag asa para may pakaen sa kapit bahay sa celebration! Isipin mo lahat yan para sipagin kang magbasa. Take note di lang basa kundi basa with a heart! 



4. THE WALANG FOREVER

 breakin mo! Kung mahal ka maghihintay yan! Kung hindi well ganon talaga deserve mo hhahaha lol! Basta breakin mo! Ayoko mag explain basta ibreak mo yan para dalawa na tayong single sa feb 14. I-break mo na! Damay damay na to! Breakin mo na yan barriers yan sa pagrereview mo kung ayaw mo balakajan!



5. THE IVY AGUAS

 tama, isipin mo na kapag napasa mo na ang lisensya ay para mo na ding nasampal yung kapit bahay nyong puro paninira sinasabi sa nanay mo! Yung feeling na kapag nakikita kang paalis kahit lagpas tuhod na suot mo ay kita pa daw ang kaluluwa mo! Yung busog ka lang, buntis ka na daw! Yung pumapayat ka lang nagdodota na daw? Ayyy letche san lulugar bes! Basta ipasa mo para sa revenge tapos kapag oath na magsuot ka ng Gold tapos daan ka sa bahay nila sabay sabing "because just like gold, I am indestructible!" 



6. THE MOBA

 itigil mo na yang mobile legends na yan next time na lang ulit! Sana naman kung gaano mo iniingatang masira yang tore mo ee ganon din mong ingatan yung 900plus na ginastos mo makapag exam lang plus yung 4 years na sinakripisyo mo at ng magulang mo makapag aral ka lang! Sana naman kung paano mo ipaglaban yung base nyo ee ganon mo din ipaglaban yung lisensya mo deserve mo yun bes! Add moko "Teacher Don" ML account ko rank tayo maya bes! Hahahaha lol



7. THE DORA 

 sus! Travel now, pulubi later! Ayyk wag ganon bes, dapat study now, travel later! Iwasan mo muna yang kakabundok mo mataas na utang nyo kesa sa bundok na inaakyat mo. Mataas ma mga reviewers na di mo pa nababasa kesa sa aakyatin mo. Tandaan mo, mas mataas akyatin ang tagumpay. 



8. THE WALWAL 

 Utang na loob, iwasan mo muna ang magwalwal. Walwal dito walwal doon! Try mo magreview nakakahilo din atleast good yung hang over! Mas malakas ang hang over nun bes kahit ilng buwan na may hang over ka pa din at take note magagamit mo pa sa exam! Ano ba napapala mo sa alak di ka naman gaganda/gagwapo jan. Kapag ba nagwalwal ka gaganda/gagwapo ka? Tandaan mo bes mabuti akong kaibigan kaya kailangan mong malaman ang katotohanan, panget ka ka bes. Kaya mag aral na lang para kapag nakapasa may pambili ng gluta.



9. THE ANEONG SAYO EKKK EKKK PWE!

 oppa! Tae mas madami pang ep napanood mo kesa sa page ng reviewer na nabasa mo. Ano yan oppa is life? Tandaan mo walang korean language sa exam! Kung gusto mo dun ka mag apply ng exam sa owwa hindi sa prc letche!



10. THE EX-b

 wag mong iyakan yang nang iwan sayo kapag ex ex na! Teacher ka pa naman kapag ex mali na yan! Di ba nga sabi ko sayo panget ka, pero di ka kapalit palit kaya kalimutan mo na yan sige sige maglibang ang problema sa babae dapat di iniinda sabi ko naman sayo lahat yan nagloloko! Gawin mo na lang inspirasyon yang panloloko nya sayo para magreview. At kapag tinanong ka nya na ang laki na ng pinagbago mo sagutin mo sya ng ganito "syempre inspirasyon ko yang pang gagago mo" sabay text ng "k.dot



PAPASA KA DIN!



11 comments:

  1. Thank u po sa message. Very worthwhile po.God bless

    ReplyDelete
    Replies
    1. Welcome, God bless din po. Dont forget to share our site to others who needs it. :)

      Delete
  2. It's 12:12 a.m. then nabasa ko ito.
    Napangiti ako hindi dahil sa nakarelate ako kundi natuwa at nainspired ako sa mga nabasa ko.
    Hindi naman kailangan ng mga flowering words para imotivate ang isang tao diba? Sa nabasa ko kanina, napakapranka ng gumawa nito PERO inspiring :) Gusto kita. I like how you removed the "What if's" sa puso ko. Nawala ang antok ko hahaha. Thank you so much! You completed my day.
    At gaya nga ng sabi mo sa mga TIPS, ALWAYS PRAY...... Can I ask you a favor?
    Can you please also pray for me at sa mga taong magtatake ng exam this March 2018? MARAMING SALAMAT SAYO :)

    ReplyDelete
  3. Nabasa ko po to at nerepost ko dito sa site ko, kasi nakakagood vibes.. Buti namn po at nainspire kayo. Kahit di ako yong author still you can count on me to pray for all of you na magtatake sa exam this March.. God bless po sa inyong lahat.. :)

    ReplyDelete
  4. Thank You po Mam sa napagandang advice na toh. Napangiti at napaluha mo ako grabi. Yung sa part na bread winner ako nakarelate. Lumuha ako ng di ko namamalayan. Naisip ko Mama ko na siya nalang ang nagtatrabaho kasi naStroke na Papa ko when when i was in Elementary. Salamat sa Inspiring na message. Papasa TAYO! Just always Pray to HIM. šŸ˜‡šŸ˜‡

    ReplyDelete
  5. to god be the glory!!! walang imposible sa kanya,,,

    ReplyDelete
  6. hahaha na inspired ako dito ah papasa ako na ffeel košŸ˜‡ amen

    ReplyDelete
  7. Thank you po. nawala tuloy ang antok ko at pursigidong magbabasa...

    ReplyDelete
  8. salamat po nainspire ako hehhe relate much kase hehehe salamat

    ReplyDelete
  9. Gusto ko yung pagka prangka ng author hehe! Bigla Ako nagising lalo na sa last part na "the Ex-b" ��
    Hanggang ngayon broken pa rin Ako dahil sa panggagago niya sakin. Ginawa ba naman akong kabet ng di ko namamalayan? �������� Pag naaalala ko ung ginwa niya di ko alam kung may totoo ba don sa loob ng 3 yrs. Parang sasabog talaga Ako sa Galit at sakit. Hindi ko din kayang I kwento sa iba nakakahiya, nakakasuklam. Ngayon ko lang din na realized parang ginawa lang pala akong source of fund. At sa lahat ng naging ex ko siya lang ung di kagwapohan pero siya pa tong nanggago. Ilang buwan na akong nagmumokmok pero ngayon nakahanap na din ako ng panibagong paglalaanan ng oras. Alam Kong worth Ang oras ko dito. Kahit papano sa pag rereview nakakalimutan ko din ung sakit. Nararamdaman ko Hindi masasayang Ang oras ko dito. I feel it, PAPASA AKO! Humanda siya. Makikita niya kung sino niloko niya. Humanda Kang Mandurugas ka! Babalik din sayo ung ginawa mo sakin.

    ReplyDelete

Related Posts