LET Reviewer (Material 10) - LET EXAM - Questions & Answers

Welcome to LET Exam Questions and Answers!!!

LET Reviewer (Material 10)


Teaching Strategies in Communication Arts (Filipino)

LEARN TO ANALYZE TEST ITEMS

1.       Sa pamaraang ito, ay pinahahalagahan ni Gng. Flora ang gamit ng isang tula, kwento, awitin, tugtugin o anumang likhang sining gaya ng pintura o likhang eskultura.
a.       Pabuod
b.      Pasaklaw
c.       Patuklas
d.      Araling pagpapahalaga
Answer: d

2.       Ang mga pagkakamali sa pag-uusap o talakayan ay hindi binibigyang pansin ni Bb. Asuan sa halip ay nagiging tulong ito sa kanya ng pagpapahayag ng kaisipan sa pananalitang wasto sa aspektong pambararila.
a.       Pagdulog Gramatikal
b.      Pagdulog Sitwasyonal
c.       Pagdulog Nosyunal
d.      Pagdulog Komunikatibo
Answer: d

3.       Nagbibigay ng isang paksang pag-uusap si Prop. Sunga. Hinayaan niyang humanap ng kapareha ang mag-aaral. Binigyan diin ang istratehiyang ito.
a.       Pagdulog Gramatikal
b.      Pagdulog Sitwasyonal
c.       Pagdulog Nosyunal
d.      Pagdulog Komunikatibo
Answer: d

4.       Sa istratehiyang ito, nagpakita ng limang larawan si Gng. Lopez. Inaayos ito ng isang mag-aaral sa pagkakasunud-sunod nito ayon sa kwentong tinalakay.
a.       Pabuod
b.      Pasaklaw
c.       Patuklas
d.      Araling pagpapahalaga
Answer: d

5.       Ito ang dimension sa pagbasa na hahayaang makabuo o maglagom ang mga mag-aaral sa kwentong binasa.
a.       Unang Dimensyon
b.      Ikalawang Dimensyon
c.       Ikatlong Dimensyon
d.      Ikaapat na Dimensyon

Answer: a

6.       Nagbigay ng maraming halimbawa ng pangngalan ang mga mag-aaral. Pinangkat-pangkat nila ito ayon sa pangngalan Pantangi at Pangngalan Pambalana.
a.       Pagdulog Konseptwal
b.      “Process” Approach
c.       Pagdulog Sitwasyonal
d.      Pagdulog Komunikatibo
Answer: a

7.       Nagbigay ng isang pagsubok si G. Cruz. Mahigit sa 40% ng klase ang hindi nagtamo ng lubos na pagkatuto, dapat na iturong muli ang aralin sa panibagong sitwasyon.
a.       Pabalak
b.      Pabuaod
c.       Pasaklaw
d.      Lubusang Pagkatuto
Answer: d

8.       Nalalapit na ang Linggo ng Wika. Nais ng mga mag-aaral na magtanghal ng isang palatuntunan. Bilang guro, akayin sila sa paggamit ng pamaraang ito.
a.       Pasaklaw
b.      Pabalak
c.       Pabuod
d.      Konseptwal
Answer: b

9.       Sa pamaraang ito, si Gng. Solis ay gumaganap ng tungkuling bilang tagasubaybay sa mga gawin sa loob ng silid-aralan at handing magbigay ng payo, karagdagang kabatiran kung hinihingi ng pagkakataon.
a.       Pamaraang Pabuod
b.      Pamaraang Pasaklaw
c.       Pamaraang Patuklas
d.      Pamaraang Microwave
Answer: c

10.   Si Gng. Banlaygas ay nagsimula sa isang tanong. Sumagot si Liza. Siya naman ang susunod na magtatanong na sasagutin ng isa pang mag-aaral. Nagpatuloy ang ganitong Gawain hanggang magkaroon ng pagkakataon ang lahat na magtanong at magsagot at bumalik ang tanong sa guro na palatandaan ng pagwawakas ng pagtatanungan.
a.       Pamaraang Pabuod
b.      Pamaraang Pasaklaw
c.       Pamaraang Patuklas
d.      Pamaraang Microwave
Answer: d

11.   Kalimitang ginagamit ni Gng. Buenaventura ang aralin sa panitikan na lunsaran sa aralin sa wika. Naglalarawan  ito ng istrahiyang ito.
a.       Ginanyak na pagbasang malakas.
b.      Ang lubusang pagkatuto
c.       Pinagsanib na paraan ng pagtuturo ng Wika at Panitikan
d.      Ang paraang Microwave
Answer: c

12.   Nalilinang ng mga mag-aaral ni Gng. Balagtas and kanilang laalaman sa pamamagitan ng isang eksperimento at nakagagwa sila ng ulat ayon sa kinalabasan nito.
a.       Patuklas
b.      Pasaklaw
c.       Pabuod
d.      Pabalak
Answer: a

13.   Pinangkat ni Gng. Natal ang kanyang klase sa dalawa. Ang unang pangkat ay magpapakitang-turo kung paano ang paggawa ng isang tula o kwento. Ang pangalawang pangkat ay magpapakita sa klase kung paano ang wasstong pagbasa ng tula.
a.       Pamaraang Pasaklaw
b.      Pamaraang Pabalak
c.       Pamaraang Pabuod
d.      Pamaraang Patuklas
Answer: b

14.   Sa pamaraang ito, ibinibigay ni Gng. Calamlam ang katuturan ng isang konsepto patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa.
a.       pamaraang Pabuod
b.      pamaraang Pabalak
c.       pamaraang Patuklas
d.      pamaraang Pasaklaw
Answer: d

15.   nagpabasa ng isang nobela si Dr. Mendiola. Pagkatapos ng 2 araw hinihingan niya ng kritikong pagsulat ang mga mag-aaral. Hinihingi niya ang mga sumusunod na kaalaman, tema, tauhan, tagpuan, mga detalye ng kwento.
a.       Pagdulog Pormalistiko
b.      Pagdulog Moralistiko
c.       Pagdulog Sosyolohikal
d.      Pagdulog Sikolohikal
Answer: a

16.   Gustong malaman ni Gng. Bandril ang aral na napulot o nakuha sa akda. Gagamitan niya ito ng pagdulog na ito.
a.       Pagdulog Pormalistiko
b.      Pagdulog Moralistiko
c.       Pagdulog Sosyolohikal
d.      Pagdulog Sikolohikal
Answer: b

17.   Dito sa bahagi ng pagtuturo o pamaraan ni Gng. Barrera ang mga mag-aaral ay inaasahang makabubo ng tuntunin o paglalagon ng paksang tinalakay.
a.       Paghahanda
b.      Paglalahat
c.       Paglalahad
d.      Paggamit
Answer: b

18.   Ito ay isang mungkahi para sa paraang ito. May mga larawan sa pisara sa klase ni Gng. Francia. Bawat larangan ay kaugnay ng isa sa mga saknong sa tula. Papipiliin niya ang bata ng larawang naiibigan niya at ipabasa ang kaugnay sa saknong.
a.       Unang Pagbasa
b.      Ikalawang Pagbasa
c.       Ikatlong Pagbasa
d.      Ikaapat na Pagbasa
Answer: c

19.   Bibigkasing muli ni Gng. Palaban ang tula. Inaasahang higit na mapahahalagahan ng mag0aaral ang tula sa pagbigkas na ito. Layunin din ng guro na magbigay ng huwaran o modelo sa pagbigkas.
a.       Unag Pagbigkas
b.      Ikalawang Pagbigkas
c.       Ikatlong Pagbigkas
d.      Lahatang Pagbigkas
Answer: b

20.   Sa bahagi ng isang pamaraan, nagbibgay si Bb. Ubina ng sitwasyon o kalagayan na makapupukaw sa kawilihan ng mag-aaral at magkakaroon ng pagnanais na basahin ang kwento.
a.       Paghawan ng sagabal
b.      Pagbasa ng mga Tanong
c.       Pag-ala-ala sa pamantatyan
d.      Pagganyak
Answer: d

21.   Ito ay binubuo ng maikling usapan na karaniwan ay tanong at pangungusap na pasalaysay. Ang mga tanong at sagot na ito ay maiikli, karaniwang pananalita at pagpapahayag lamang.
a.       Siklo
b.      Dayalogo
c.       Parirala
d.      Pangungusap
Answer: a

22.   Ang tanong na ito tumutugon sa dimension ito. Kung ikaw ay magiging dalagang ina, ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?
a.       Unang Dimensyon
b.      Ikalawang Dimensyon
c.       Ikatlong Dimensyon
d.      Ikaapat na Dimensyon
Answer: d

23.   Sa pagdulog na ito, ang mga mag-aaral ni Gng. Imperio ay hinahayaang ibigay ang mga salitang kasingkahulugan/kasalungat ng mga sinalungguhitan salita sa isang talata o sanaysay.
a.       Pagdulog Gramatikal
b.      Pagdulog Sitwayonal
c.       Pagdulog Nosyunal
d.      Pagdulog Komunikatibo
Answer: a

24.   Ang buong klase ni Gng. Lapuz ay nagkaroon ng isang educational trip sa Fort Santiago. Kinabukasan sa klase, nagulat ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang nagging karanasan. Sangkap sa ulat na ito lahat ng kanilang naramdaman at natutuhan. Naipapakita ang sitwasyong ito sa pagdulog na ito.
a.       Pagdulog Gramatikal
b.      Pagdulog Sitwayonal
c.       Pagdulog Nosyunal
d.      Pagdulog Komunikatibo
Answer: b

25.   Sinasabi ng mga eksperto na maraming mag-aaral ang hindi makapagsalita nang wasto. Isa ito sa mga dahilan:
a.       Walang control na usapan sa klase.
b.      Maraming babasahing ibinibigay sa mga bata.
c.       Laging may nakahandang sago tang guro.
d.      Masusing tinitingnan ng guro ang kamalian ng mga sumasagot na mag-aaral.
Answer: d

To download this reviewer, click here. Good luck and God bless!


No comments:

Post a Comment

Related Posts