LET Reviewer (Material 81) - LET EXAM - Questions & Answers

Welcome to LET Exam Questions and Answers!!!

LET Reviewer (Material 81)


Piliin ang bilang ng salita o mga salitang nagbibigay ng kahulugan ng bahagi ng pangungusap na may salungguhit

1)      Ang kaibigan ko ay isa lamang maralita.
1.       Mangmang
2.       Maliit na tao
3.       Mabait
4.       Mahirap
Answer: 4

2)      Si Nena ay inaruga ng kanyang lola mula pa noong siya’y maulila.
1.       Pinabayaan
2.       Pinamigay
3.       Inalagaan
4.       Kinuha
Answer: 3

3)      Palasak na ang desentong iyan.
1.       Pambihira
2.       Pangkaraniwan
3.       Magastos
4.       Wala sa moda
Answer: 2

4)      Ang mga salbahe ay kinamumuhian niya.
1.       Kinakalinga
2.       Kinnukumusta
3.       Kinatatakutan
4.       Kinasusuklaman
Answer: 4

5)      Ang mga kawal na lumabag s autos ay binigyan ng babala
1.       Sundalo
2.       Kaibigan
3.       Kusinero
4.       Pulis
Answer: 1

6)      Nangangamba ka ba na hindi ka niya pagbibigyan?
1.       Nagsisiyahan
2.       Natatakot
3.       Nababanas
4.       Naiinis
Answer: 2

7)      Ang pagpnta sa Saudi Arabia ay di-gawang biro.
1.       Madali
2.       Masayang Gawain
3.       Mahirap
4.       Maayos
Answer: 3

8)      Si Gregorio ay sumakabilang buhay na noong Linggo.
1.       Nagpaalam
2.       Namatay
3.       Nagpunta sa siyudad
4.       Nagbayad ng utang
Answer: 2

9)      Bakit mukhang Biyernes Santo si Fred?
1.       Malungkot
2.       Lumuluha
3.       Mukhang masaya
4.       Tumatawa
Answer: 1

10)   Nakaririmarim ang nangyaring sakuna sa dagat.
1.       Nakalulungkot
2.       Nakakatakot
3.       Nakaiinis
4.       Nakapangingilabot
Answer: 4

To download this reviewer, click here. Good luck and God bless!

No comments:

Post a Comment

Related Posts