LET Reviewer (Material 11) - LET EXAM - Questions & Answers

Welcome to LET Exam Questions and Answers!!!

LET Reviewer (Material 11)


Teaching Strategies in Communication Arts (Filipino)

PRACTICE YOUR SKILLS

1.       Sa pamaraang ito, nagsisimula si Gng. Ramos sa mga halimbawa. Magpapakita siya ng mga larawan. Ibigay ang katuturan ng bawat larawan. Pagkatapos ng isang masusing talakayan, masasabi ng mga bata ang ganito: Ang pangalan ay salitang nagbibigay ngalan sa tao, bagay,pook, hayop o pangyayari.
a.       Pabuod
b.      Pasaklaw
c.       Patuklas
d.      Araling pagpapahalaga
Answer: a

2.       Bahagi ng istratehiya na ibinibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang uri ng pangalan-karaniwan at tiyak.
a.       Paghahanda
b.      Paglalahad
c.       Paglalahat
d.      Paghahamb ing at Paghahalaw
Answer: d

3.       Sa istratehiyang ito, binibigyan diin ni Gng. Cruz ang mga sumusunod na hakbang?
1. Pagkukuwento sa larawan ng bawat dahon
2. Pagbasa ng tahimik sa bawat linya.
3. Pagbasa ng malakas sa bawat linya.
a.       Paghahanda
b.      Pagbasang tahimik
c.       Ginanyak na pagbasa
d.      Pinatnubayang pagbasa
Answer: c

4.       Susubok ang mga mag-aaral ni Gng. Del Prado na gamitin ang istraktura na may patnubay o huwaran sa isang dayalog, pagkukuwento o paglalarawan.
a.       Pagdulog Gramatikal
b.      Pagdulog Sitwasyonal
c.       Pagdulog Nosyunal
d.      Pagdulog Komunikatibo
Answer: a

5.       Pasusulatin ng isang talata ni Gng. Villanueva ang kanyang mag-aaral. Maglalaman ito ng kanilang sariling karanasan na kaugnay sa nabasang akda.
a.       Pagdulog Moralistiko
b.      Pagdulog Sosyolohikal
c.       Pagdulog Sikolohikal
d.      Pagdulog Pormalistiko

Answer: d

6.       Dito sa pagdulog na ito makikita ng mag-aaral ni Bb. Modelo na dapat dakilain at pahalagahan ang kabutihan at itakwil ang kasamaan.
a.       Pagdulog Pormalistico
b.      Pagdulog Sosyolohikal
c.       Pagdulog Sikolohikal
d.      Pagdulog Moralistiko
Answer: d

7.       Hinahati-hati ni G. Villa rang mga Gawain sa pagkatuto sa maliliit nay unit ng aralin. Isasaayos ang mga  ito sa lohikal na kabuuan ayon sa antas ng kahirapan.
a.       IS – OSA
b.      Pagdulog konseptwal
c.       Pamaraang microwave
d.      Lubusang pagkatuto
Answer: c

8.       Piliin sa mga sumusunod na tanong na may pag-unawang literal.
a.       Bakit kaya nagiba ang gusali?
b.      Angkop ba ang pamagat ng kwento?
c.       Ano ang palagay mo sa palo ng magulang?
d.      Ano ang ginawa nina Pagong at Matsing sa napulot nilang saging?
Answer: d

9.       Nais ni Bb. Lopez na magkaroon ng pagbabago saw akas ng kwentong binasa. Binigyang diin niya ang ganitong dimension sa pagbasa.
a.       Unang dimension
b.      Ikalawang dimension
c.       Ikatlong dimension
d.      Ikaapt na dimension
Answer: d

10.   Ipinabasa ng guro kay Noel ang tulang Bayan Ko. Alam niyang may kakayahan ito sa ganitong Gawain. Habang ginagawa ito ni Noel, nakikinig naman ang mga mag-aaral.
a.       Unang pagbasa
b.      Ikalawang pagbasa
c.       Ikatlong pagbasa
d.      Pang-apat na pagbasa
Answer: a

11.   Dadalhin ni Gng. Solid ang mga mad-aaral sa pinakamalapit na makasaysayang pook sa bansa. Pahalagahang nakita sa pamamagitan ng pagsulat ng isang sulatin.
a.       Pakitang-turo
b.      Paglalakbay
c.       Eksibit
d.      Pakwento
Answer: b

12.   Nagpakita ng isang komik istrip si Bb. Macatangay. Hinayaan niyang magbigay ng hinuha lung ano ang susunod na tagpo o mangyayari.
a.       Pagdulog Gramatikal
b.      Pagdulog Sitwasyonal
c.       Pagdulog Nosyunal
d.      Pagdulog Komunikatibo
Answer: c

13.   Sa tulong ng mga titik ng salitang nasa unahan ng bawat pangkat ay bumuo ang mga mag-aaral ni Bb. Tan ng mga bagong salita na bagay sa kahulugang nasa kanan. Binigyang diin ng guro ang pagdulog na ito.
a.       Pagdulog Nosyunal
b.      Pagdulog Sitwasyonal
c.       Pagdulog Gramatikal
d.      Pagdulog Komunikatibo
Answer: c

14.   Pagkatapos makabasa ng isang komik istrip ginabayan ni G. Santos ang mga mag-aaral na magbigay ng kahawig na sitwasyon. Sa halip na lola at apo ang nagsasalita, palitan ng titser at bata. Ginagamit ito ng guro ng pagdulog na ito.
a.       Pagdulog Nosyunal
b.      Pagdulog Sitwasyonal
c.       Pagdulog Gramatikal
d.      Pagdulog Komunikatibo
Answer: d

15.   Nagpakita ng iba-ibang larawansi Gng. De Gusman at itinanong niya kung ano kaya ang pinag-uusapan ng nasa larawan. Ginagamit niya ang aralin ng pagdulog na ito
a.       Pagdulog Nosyunal
b.      Pagdulog Sitwasyonal
c.       Pagdulog Gramatikal
d.      Pagdulog Komunikatibo
Answer: b

16.   Sabi ni Gng. Aquino “Tayo’y maglaro. Maglalarawan ako sa inyo ng mga pangyayari. Sabihin ninyo kung ano ang okasyon.” Binibigyan diin ni Gng. Aquino ang pagdulog na ito .
a.       Pagdulog Nosyunal
b.      Pagdulog Sitwasyonal
c.       Pagdulog Gramatikal
d.      Pagdulog Komunikatibo
Answer: d

17.   Anong antas ng pagtatanong ang ipinakikita ng sumusunod na tanong ni Gng. Villa. Ano sa palagay mo ang layunin ng awtor sa pagsulat ng kwento?
Nagtagumpay ba ang awtor sa kanyang latunin?
a.       Mga tanong sa Paglikha
b.      Mga tanong na Pangangatuwiran
c.       Mga tanong na Pagpapahalaga
d.      Mga tanong na Literal
Answer: c

18.    Sa pamamagitan ng paggunita sa iba’t ibang Gawain at matalinong pagtatalakayan, ang mga bata inaasahan nang makabuo ng isang makabuluhang paglalahat. Anong pamaraan ang ginamit ni G. Sonza?
a.       Pabuod
b.      Pasaklaw
c.       Patuklas
d.      Microwave
Answer: a

19.   Matapos maibigay ang katuturan ng pang-uri, magbigay ng mgas halimbawa at di-halimbawa, ipapang kat ang mga pang-uring nasa pisara ayon sa kayarian (payak, maylapi at inuulit). Anong paraan ang ginamit ng guro sa sitwasyong ito?
a.       Pabuod
b.      Pabalak
c.       Pasaklaw
d.      Araling pagpapahalaga
Answer: c

20.   Nasuri ng mga mag-aaral ni Bb. Abelardo ang iba’t ibang element ng maikling katha gaya ng tagpuan, tauhan, banghay at iba pa. nakabuo sila ng ganitong balangkas.

                Anong pagdulog ang ginagamit ni Bb. Abelardo
a.       Pagdulog Pormalistiko
b.      Pagdulog Moralistiko
c.       Pagdulog Sikolohikal
d.      Pagdulog Sosyolohikal
Answer: a

21.   Pagkatapos basahin ang kwento, natukoy ng mga mag-aaral ni Bb. Lim ang kahalagahang pang katauhan nais ipabatid ng awtor. Anong pagdulog ang binigyan diin ng guro?
a.       Pagdulog Pormalistiko
b.      Pagdulog Moralistiko
c.       Pagdulog Sikolohikal
d.      Pagdulog Sosyolohikal
Answer: b

22.   Pagkatapos talakayin ang isang sanaysay, binigyan ng pagkakataon ni Gng. Moreno ang ilang mag-aaral na panindigan ang simulain at pananalig ng tauhan sa kwento. Hal. Tama ba ang basing Amerkano ay naalis sa Pilipinas? Anong pagdulog ang binigay diin niya?
a.       Pagdulog Pormalistiko
b.      Pagdulog Moralistiko
c.       Pagdulog Sikolohikal
d.      Pagdulog Sosyolohikal
Answer: d

23.   Inatasan ni Gng. Suarez ang pangkat nina Ruben na magkaroon ng eksibit. Binigyan niya ito ng mga sumusunod na hakbang: Paglalayon, Pagbabalak, Pagsasagawa, at Pagpapasiya anong pamamaraan ito?
a.       Pagbalak
b.      Pagbuod
c.       Pasaklaw
d.      Patukals
Answer: a

24.   Naging pangwakas na Gawain Gng. Reyes ang pasulit ng isang talaga na naglalaman niyang maging wakas ng isang kwento. Maaari na ring pasulatin sila ng isang kwento. Anong dimension panukatan sa pagbasa ang tinutukoy nito?
a.       Ikalawang dimensyon
b.      Ikatlong dimensyon
c.       Ikaapat na dimensyon
d.      Ikalimang dimensyon
Answer: d

25.   Nagpabasa ng isang maikling tula si Bb. Cruz. Tinagka niyang tanungin ang mga bata. “Isalin nga ninyo ang tula sa ating sariling wika?” Anong pamaraan ang tinutukoy ng tagpong ito?
a.       Gramatika
b.      Komunikatibo
c.       Sitwasyonal
d.      Nosyunal
Answer: a

To download this reviewer, click here. Good luck and God bless!

No comments:

Post a Comment

Related Posts