1.
Ang sining o katipunan ng mga tuntunin at paraan
ng maayos at wastong pananagalog, ay siyang tinatawag na _________.
Answer: Bariralang Tagalog
2.
Tinatawag na __________ ang mga katangang
ginagamit sa pangungusap upang tukuyion ang tao, lunan, bagay o pangyayaring
binabanggit o ibig ipakilala ng nagsasalita.
Answer: Pantukoy
3.
Ang mga salitang iniuugnay sa mga pangngalan
upang maipahayag ang uri, kabagayan o bilang nitong ikinatatangi sa iba ay
tinatawag na ___________.
Answer: Pang-uri
4.
Ang mga salita at katagang ginagamit sa
pangungusap na panghalili sa mga pangngalang nabanggit na’y di na dapat ulitin,
o nauunawaan na’t di kailangang sabihin pa uli, ay siayng tinatawag na mga
_____________.
Answer: Panghalip
5.
Ang salitang pinaka-kaluluwa ng isang
pangungusap, masakatuwid baga’y ang nagbibigay-diwa sa isang parirala o sa
isang lipon ng mga salita upang magkadiwa, mabuhay, kumilos, gumanap o
pangyarihan ng ano mang bagay, ay tinatawag na ____________.
Answer: Pandiwa
6.
Ang tawag na ____________ ay pinaglaguman ng mga
salitang pandiwa at pang-uri, batay sa karaniwang palagay na ang participle ay
may hanging tungkulin sa verb at sa adkective; anupa’t iyon ay gumaganap kung
minsan ng pagka-pandiwa, at kung minsa’y ng pagkapang-uri.
Answer: Pandiwari
7.
Ang bahagi ng pangunugsap na tagapagturing ng
mga katangian ng pagganap o pagkaganap na sinasabi ng pandiwa, ay siyang
tinatawag na ____________.
Answer: Pang-abay
8.
Ang kataga o salitang ginagamit sa pangungusap
upang matukoy kung saang lunan, o kung sa anong bagay ang mula o tungo, ang
kinaroroonan o pinagkakaroroonan ang pinangyayarihan o kinauukulan ng isang
kilos, gawa, balak, ari at laton, ay siyang tinatawag na ____________.
Answer: Pang-ukol
9.
Ang panangkap sa pangungusap na gumagawa at
nagsasaad ng kaugnayan ng isang salita sa kapwa salita, o ng isang isipan sa
kapwa isipan, ay tinatawag na ___________.
Answer: Pangatnig
10.
Isang bukang-bibig, isang kataga, parirala, at
kahit na isang buong pangungusap na namumulas sa bibig, buhat sa damdam at di
sa isip, at pabiglang naghahayag ng isang hamak o masidhing damdamin, gaya sa
pagkagitla o pagkatakot, sa pagtataka o paghanga, pagdaing o paghihinagpis,
pagdalangin o pagmamakaawa, pagtitimpi o pagpapagibik, pagkasuklam o
paglalambing, pagkamuhi o pagtututngayaw, pagtanggi o pagbabawal,
panghihinayang o pasasalamat, pagkalugod o pagkagalak, at iba’t-iba
panggangganyang bulalas ng damdamin at pitlag ng guniguni ang siyang sa balarila’y
tinatawag na mga ___________.
Answer: Pandamdam
To download this reviewer, click here. Good luck and God bless!
No comments:
Post a Comment