1. Alin sa mga sumusunod ang
may tamang pares ng element o bahagi ng pagsusulit na pagtatapat-tapatin.
A. Hanay A – Letra :
Hanay B – Tambilang
B. Hanay A – Aytem :
Hanay B – Opsyon
C. Hanay A-Opsyon : Hanay B - Distrakter
D. Hanay A-Maikli : Hanay B - Mahaba
Ans: B. Hanay A – Aytem :
Hanay B – Opsyon
- Ang pagsusulit na
pagtatapat-tapat ay nagtataglay ng dalawang hanay. Ang kaliwang hanay o Hanay A
ay ang angaytem na kadalasan mas mahaba
samantala ang kanang Hanay o Hanay B ang opsyon na kadalasang mas maikli
kaysa hanay A at may kasamang distracter o sobrang opsyon para sa mas mataas na
antas ng pag-iisip ng mga mag-aaral.
2. Unawain at analisahin ang
sumusunod na tanong mula sa kwentong “Ang Kalupi” Tukuyin ang layuning nakasaad
sa naturang tanong ng guro.
“Kung ikaw si Aling Marta,
huhusgahan mo rin ba ang iyaong kapwa batay sa mg hinala na di mo naman aktwal
na nakita?”
A. Napahahalagahan ang
kaangupan, katiyakan at pagkamakatotohanan ng impormasyon nakalahad sa teksto.
B. Naibabahagi ang sariling
paninindigan ayon sa nahangong kaisipan sa binasang teksto
C. Naihahambing ang kaisipang
ipinapahayag sa teksto sa tulong ng pamantayang pansarili mula sa guro at sa
ibang tao.
D. Nahahango ang diwa ng
kwento tungo sa pagbuo ngbuod nito.
Ans: B. Naibabahagi ang
sariling paninindigan ayon sa nahangong kaisipan sa binasang teksto
- Ang nabanggit na tanogn sa
itaa ay nagsasaad ng layuning maibabagi ang sariling paninindigan ayon sa
nahangong kaisipan sa binasang teksto.
3. Kung gagamitin ng isang
talaan ng datos bilang lunsaran sa gagawing pagsusulit, anong tanong ang higit
na mabisa para sa mas mataas na antas ng kasanayan pampag-iisip?
Talaan ng mga dahilan ng
pagsisikap ng mga mag-aaral na makapag-aral
AYTEM
|
BAHAGDAN
|
Makapaghanapbuhay
|
40
|
Sundin ang magulang
|
15%
|
Makapasa sa pagsusulit para
sa pagkuha ng lisensya
|
5%
|
Makapagtrabaho sa ibang
bansa
|
5%
|
Magkaroon ng magandang
kinabukasan
|
15%
|
Magkaroon ng diploma
|
20%
|
KALAHATAN
|
100%
|
Tumugon: 149 na nasa ikatlong
taon sa kanilang kurso
A. anong aytem ang may
dalawampung bahagdan
B. Ilan ang bahagdan ng aytem
tungkol sa makapagahanpabuhay
C. Anong mga aytem ang may
pinakamababa at pinakamataas na bahagdan at agwat sa pagitan ng mga ito?
D. Ano ang ikalimang aytem>
Ans: C. Anong mga aytem ang
may pinakamababa at pinakamataas na bahagdan at agwat sa pagitan ng mga ito?
- Kung lilimitin ang mga
halimbawa ng tanong batay sa datos na nasa talaan, maituturing na ang #opsyon C
ang may pinakamataas na antas sapagkat maliban s pagtuon sa datos, sinusukat
din nito ang paghahambing at pag-aaanalisa sa pagbuo ng isang konklusyon at
interpretasyon.
4. Kung bubuo ng isang aytem
ng pagsusulit na interdisciplinary para sa Filipino at matematika, anong
lunsarang talaan ang maaring gamitin na higit na makagaganyak at magiging
kapaki-pakinabang para sa mga mag-aaral?
1. Pamasahe sad yip sa iba’t
ibang ruto
2. Pagbabayet ng allowance at
pamalengke
3. Istadistika ng populasyon
sa boung mundo
4. Mga bayarin tulad ng
kuryente, tubig at iba pa
A. Tambilang 1,2 at 3
B. Tambilang 1,2 at 4
C. Tambilang 2,3 at 4
D. Tambilang 1,2,3 at 4
Ans: B. Tambilang 1,2 at 4
- Ang mga nabanggit ay mga
halimbawa ng talaang lunsaran para sa pagbuo ng aytem sa integratibong
pagsusulit sa Filipino na may dulog interdisiplinari maliban sa opsyon hinggil
sa talaan ng istatistika ng populasyon sa buong mundo sapagkat ang naturang
datos ay ganap na mataas ang antas at hindi gaanong makaganyak sa mga mag-aaral
maliban kung ito ay ibibigay sa klase na nasa kaugnay na kurso na may ganitong
pangangailangan at konteksto.
5. Sa kasalukuyan ay masugid na isinusulong ang
intergratibong anyo at uri sa pagsusulit. Ibigay ang pagkakaiba ng tradisyunal
at awtenikong pagsusulit.
A. Ang una ay sinauna
samantala ang huli ay modern
B. Ang una ay nasusulat
samantala ang huli ay di-nasusulat
C. Ang unsa ay gamitin
samantala ang ikalawa ay madalang gamitin
D. Ang una ay sumusukatt sa
kasanayang naipapamalas samantala ang huli ay pagtataya sa kasanayang
pamgpag-iisip at kaalamang natamo o natandaan
Ans: D. Ang una ay sumusukatt
sa kasanayang naipapamalas samantala ang huli ay pagtataya sa kasanayang
pamgpag-iisip at kaalamang natamo o natandaan
- Ang pagkakaiba ng
tradisyunal at awtentikong pagsusulit ay ayon sa kasanayang sinusukat nito. Ang
una ay sumusukat sa kasanayang naipapakita, samantala ang huli ay nagpapamalas
ng kaalamang natamo o natandaan.
6. Ang kagamitang
pampagtuturo a nagtataglay ng mga gabay sa guro at kanyang mag-aaral at
tumitiyak sa kagalingan pampagkatuto. Ang mga sumsunod na konsepto ay
nagpapahayag ng katuturan ng kagamitang pampagtuturo maliban sa isa.
A. Nilalamanna dapat matutunan
B. Teknik napaglalapat at
pagsasanay
C. Kahusayan ng guro sa
paglinang ng kasanayan
D. Paraan ng pagtuturo kaugnay
ng teknik at pamamaraan
Ans: C. Kahusayan ng guro sa
paglinang ng kasanayan
- Ang mga nabanggit na
konsepto ay nagpahayag sng katuturan ng kagamitang pampagtuturo maliban sa
opsyon #C na tumutuon sa kahusayan ng guro sapagkat hindi ito nabibilang sa mga
tunguhin at kabuluhan ng kagamitang pampagturo.
7. Ito ang anyo ng
kagamitang pampagtuturo – pampagkatuto na buo at ganap sa kanyang sarili at
naglalahad ng mga tiyak na akdang Gawain sa kaparaanang sistematiko at
kontrolado.
A. Batayang Aklat
B. Sanggunian aklat
C. Modyul
D. Manwal
Ans: C. Modyul
- Ang modyul ay isang anyo ng
kagamitang pampagkatuto na buo at ganap sa kanyang sarili at naglalahad ng mga
tiyak na takdang Gawain sa kaparaanang sistematiko at kontrolado.
8. Sa pagtuturo ng aralin sa
paglalarawan , pinlano ni Titser Jess na gamiting lunsaran ang mga
ipinagmalaking tanawin sa Pilipinas. Anong kagamitang panturo ang pinakamisang
maimumungkahi sa kanya?
A. Makukulay na larawan sa
tulong ng overhead projector
B. Bagong edisyon ng magaing
pampaglalakbay
C. Isinateyp na karanasan ng
mga turistang nakatungo na sa mga ito
D. Vidyo ng dokumentaryong
pampaglalakbay na ihanda ng kagawarang ng turismo
Ans: D. Vidyo ng
dokumentaryong pampaglalakbay na ihanda ng kagawarang ng turismo
- Itinuturing na higit na
mabisa ang kagamitang nagtataglay o halaw sa panununtunang maramihan
pangkabatirang pampagkatuto (multisensory learning) tungo sa pagtatamo ng
kakayahan at pagkatutuo ng wika.
9. Kung gagamitin ang
pelikula bilang kagamitang pantulong sa pagtuturo ng wika, alin sa mga
sumusunod ang hindi kabilang sa mga inilahad na panununtunan?
A. Paunang pinapanood ng guro ang pelikulang gagamitin upang
ibayong maihanda ang mga gabay tanong hinggil sa pagtalakay ng mahahalagang
tagpo
B. Pagpanood ng buo pelikula
habang ang guro ay abala sa ibang gawaing pangklase
C. Patuloy na paggabay ng guro
sa klase ng kanilang panonood at pagbibigay ng ilang paglilinaw sa ilang isyu o
konseptong hango sa ilang bahagi ng kwento
D. Pagbibigay ng inaasahang
panuntunan tungo sa wastong paglalahad ng Gawain
Ans: C. Patuloy na paggabay ng
guro sa klase ng kanilang panonood at pagbibigay ng ilang paglilinaw sa ilang
isyu o konseptong hango sa ilang bahagi ng kwento
- Ang panununtunan sa paggamit
ng pelikula sa pagtuturo ng wika ay kinapapalooban ng pagpili ng guro sa ilang
mahahalagang tagpo na nagtataglay ng konsepto o kaisipang nais bigyang tuon
bilang lunsaran ng gawaing pampagtuturo. Kaya naman, nararapat lamang na pauna
nang pinapanood ng guro ang material nang sa gayun ay maihanda ang isang
planong talakayan at kaugnay na Gawain kaalinsabay ng panonood ng pelikula.
10. Naging laganap sa
pagtuturo ng wika ang paggamit ng pinalatuntunang kagamitan bilang serye ng mga
aralin at kaalaman na maingat na iniayos sa lohikal na pagkabuo.
Ano ang katotohanan sa likod
nito?
I. Ang pinalatuntunang
kagamitan ay nakatutulong sa pagbibigay lunas sa suliranin sa kakulangan ng
silid-aralan at gurong magtuturo
II. Nakapagbibigay ito ng
pagkakatong makahabot sa gawaing pangklase ang mag –aaral na lumiban noong
nakaraang talakayan
III. Isa itong panlunas na
Gawain sa mga mag-aaral na may mabagal na antas ng pagkatuto
IV. Maituturing ito na isang
estratehiya para sa mga mag-aaral na may mabilis na antas ng pagkatuto
habang hinihintay ang karamiahansa iba
pang gawain
A. I at II lamang
B. III at IV lamang
C. I,II at III lamang
D. I,II, III at IV
Ans: D. I,II, III at IV
- Ang lahat ng nabanggit ay
mga katuturan kung bakit nagging laganap sa pagtuturo ng wika ang paggamit ng
pinalantuntunang kagamitan bialang serye ng mga aralin at kaalaman na maingat
na inayos na pagkabuo.
11. Maglugod na
isinusulong sa ang awtentikong kagamitan
sa pagtuturo ng wika sa mga paaralan. Alin sa mga sumusunod na tunguhing
pangkasaysayan ang may angkop na awtentikong kagamitan?
KASANAYAN KAGAMITAN
I. Pagbibigay kahulugansa
isang salita
Thesaurus
II. Paglalarawan sa
teknolohiya
ATM at LRT Kard
III. Pagtatala at
pag-aanalsiisa ng datos Resibo ng
kuryente
IV. Pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari Rsipe
A. II, II at IV
B. I,II at IV
C. I,II at III
D. I,II,II at IV
Ans: A. II, II at IV
- Ang mga naturang pares ng
tunguhing pangkasanayan at angkop na awtentikong kagamitan ay tugon sa patuloy
na pagsulong sa paggamit ng awtentikong kagamitan sa pagtuturo ng wika sa mga
paaralan maliban sa opsyon #1 sapagkat ang thesaurus ay hindi maituturing na
awtentikong kagamitan bilang
alternatibong paraan sa pagtuturo gamit ang mga bagay na matatagpuan sa paligid
bilang bahagi na ng aktwal na pang-araw arawna buhay.
12. Sa paggamit ng pinalatuntunang kagamitan,
kadalasan ay binibigyan ng guro ng pabuya
o pagbati ang mga mag-aaral sa bawat wastong tugon sa mas matibay na
pundasyon ng pagkatuto. Ito ay halaw sa simulang __________ .
A. Aktibong pagtugon (Active
Responding)
B. Pagpaptibay (Reinforcement
C. Pagbibigay pahiwatig
(Cueing/prompting)
D. Supil na gawi (Controlled
behavior)
Ans: B. Pagpaptibay
(Reinforcement)
- Ang pagpapatibay (principle of reinforcement)
bilang isang simulating naging saligan sa pagbuo ng pinalalanturnang kagamitan
ay ang pagbibigay ng pabuya sa anyong
material sa mga mag-aaral sa bawat waston tugong kanilang ibinibigay tungo sa
higit na matibay na muog ng pagkatuto.
13. Alin sa mga sumusunod ang
may wastong pagkakabalankas ng pangkat
ng kagamitan panturo?
A. Ginagawa-balangkas berbal,
simbolong biswal
B. Minamasid – pelikula,
eksibit, eksursyon.
C. Sinasagisag- binalangkas na
karanasan tuwirang karanasan
D. Pinakilahukan- modelo,
virtwal reyaliti, reyalya
Ans: B. Minamasid – pelikula,
eksibit, eksursyon.
- Batay sa hagdan ng karanasan
sa pagkatuto, may tatlong balangkas ng kagamitan panturo: (1) ang sinasagisag
ng kinabibilangan ngmga simbolong berbal at biswal; (2) minamasid tulad ng teyp
rekorder, radio, larawan, pelikula, telebisyon, eksibit at eskursyon; at (3)
ginagawa tulad ng pakitang turo, madulang pakikilahok mga binalangkas at
tuwirang kanasan.
14.Pag ugnayin ang istilong
pampagkatuto at angkop na kagamitang pampagtuturo na matatagpuan sa loob ng
talahanayan sa ibaba. Piliin ang may tamang pagkakaugnay.
ISTILO NG PAGKATUTO
|
KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
|
1. Analitik
|
A. Larong pangwika
|
2. Global
|
B.Eksibit
|
3. Biswal
|
C. Pakikipanayam
|
4. Kinestetik
|
D. Ekskursyun
|
A. 1-A
B. 2-D
C. 4-C
D. 3-B
Ans: D. 3-B
- Ang pagdaraos ng eksibit ay
isang gawaing naaangkop para sa mga mag-aaral na may istilong biswal sapagkat
dito ay masugid nilang nagagamit ang kanilang paningin sa lubos na pagpahalaga
at pagtatangi sa kaakibat na kaalaman at karanasan tungo sa higit na ganap na
pagkatuto ng wika.
15. Ang banghay-aralin ang
maituturing na pinakapangunahing kagamitan ng guro bilang gabay sa pagtuturo
tungo sa layuning pampagkatuto . Alin sa mga sumusunod ang maituturing na
kahalagahan nito?
1. Pagtataya sa pamamaraaan ng
guro s kanyang pagututuro
2. Gabay ng pansamantalang
kahalili ng guro sa panahong siya ay liban
3. Natitiyak ang pagkakasunod
ng mga aralin at gawaing batay sa kaugnay na layunin
4. Natutugunan ang hinihinhing
kailangan sa pagtuturo bilang isang responsibilidad
Ans: Tambilang 1,2, at 3
- Ang banghay-aralin bilang
pinakapangunahing kagamitan ng guro at gabay sa kanyang pagtuturo tungo sa
layuning pampagkatuto ay kinapapalooban ng iba’t ibang kahalagahan: (1)
pagtataya sa pamamaraan ng guro sa kanyang pagtuturo; (2) gabay ng
pansamantalang kahalili ng gurong sa panahong siya ay liban; at (3) natitiyak
ang pagkakasunod-sunod ng mga aralin at gawaing batay sa kaugnay na layunin.
Samakatuwid hindi maituturing na makabuluhan layunin nito ang pagtugon sa
kailangan sa pagtuturo na inaasahan sa isang guro.
16. Alin sa mga sumusunod ang
pinakapangunahing pamantayan sa paghahanda ng edukasyon pangmidya o kagamitang
teknolohikal ?
A. Kaanyuan
B. Kaangkupan
C. Kapanahunan
D. Teknikaliti
Ans: B. Kaangkupan
- Sa gagawing paghahanda sa
anumang uri o anyo ng kagamitang panturo maging tradisyunal, pormal, awteniko o
teknolohikal man ay kinakailangan tiyakin maaangkop ito sa antas o lebel ng mag-aaral,
layunin, pampagkatuto, nilalaman, konteksto, kaligiran at kaugnay na ebwasyong
pangkaalaman.
17. Bkait mahalaga paunang
mapanood ng guro ang pelikulang nais gamitin bilang kagamitan sa pagtuturo?
A. Upang makapaghanda ng
kaugnay na gabay- tanong na ibibigay sa klase
B. Upang masusing mapili ng
guro ang mga tagpong bibigyang diin para sa gagawing mga paglilinaw at
pagtatalakay
C. Upang matiyak na walang
tagpong di naaangkop sa mga manonood na
mag-aaral maging eksena man o dayalogo
D. Upang hindi na tunghayan pa
ng guro ang panood sa halip ay ipaubaya na lamang niya ito sa klase
Ans: D. Upang hindi na
tunghayan pa ng guro ang panood sa halip ay ipaubaya na lamang niya ito sa
klase
- Ang nabanggit na opsyon ay
tumukoy sa katotosa likod ng kailangan para sa paunang panonood gagawin ng guro
bilang isang materyal na gagamitin sa klasae maliban sa opsyon #D sapagkat ang
naturang dahilan ay walang gaanong ganapa na kauganayan.
18. Kailan maaaring
makabuluhang magamit ng mga mag-aaral ang internet sa kanilang klase kung
aralin ay tungkol sa pagsusulat ng liham?
A. Pagdownload ng mga modelong
halimbawa ng lihan mula sa ilang
B. Pagscan at pagprint ng mga
ginawang liham na taglay ang mga mekanismo nito
C. Pagpapadala ng ginawang
lihan sa kinauukulan gamit ang e-mail nito at paghintay sa maaaring
pagtugon
D. Pagpopost sa facebook
account ng ginawang liham para sa kaalaman ng madla.
Ans: C. Pagpapadala ng
ginawang lihan sa kinauukulan gamit ang e-mail nito at paghintay sa maaaring
pagtugon
Maituturing pinakamakabuluhang
paraan o pagkakataon ang paggamit ng internet sa araling may kinalaman sa
pagsulat ng liham sa loob ng klase ang pagpapadala ng ginawang liham sa
kinauukulan gamit ang email account nito paghihintay sa maaaring pagugon nito.
Matuturing itong napapanahon gayunpaman ay naaangkop sa akademikong pag-aaral.
19.Ang mga sumusunod a mga
panununtunan na dapar isaalang-alang sa
taamang paghahanda ng slides para sa LCD projector na makatutulong samas malawakang pag-unawa at pagkatuto ng
mga mag-aral maliban sa isa.
A. Magkakontrast na kulay ng
front sa kulay na background
B. Iba’t ibang effect pormat
at disensyo sa bawat slide
C. Mailkli at yaong
mahahalagang konsepto lamang ang mga salitang nakalahad sa bawat slide
D.Malalaki ang sukat ng front
para nababasa at nauunawaan
Ans: B. Iba’t ibang effect
pormat at disensyo sa bawat slide
- Maaaring ipinaaala sa mga guro na maging maingat sa
paghahanda sa slide na ipapalita sa klase sa tulong ng LCD projector. Dapat
tiyaking iisa lamang ang gagamitin sapagkat dapat isaalang-alang na ang
gampanin ng slides ay pantulong sa mas mabilis na pagkaunawa at pagkatuto ng
mga mag-aaaral ng araling tinatalakay. At ang nabanggit ay hindi makakatulong
sa pagtatamo nito bagkus ay makapagbagal pa
o makakabalam sa pagtatamo nito dahil sa distraksyon nalilikha nito.
20. Kung gagamit ng
teknolohikal na kagamitan panturo sa pag lalahad ng aralin sa iba’t ibang klase
na inangkupan ng halimbawa ng telenobelang napapanahon, ano ang maaring
maimungkahing mabisang gamitin?
A. Telebisyon
B. Larawang ipapakita sa
tulong ng LCD projector
C. Isinateyp na dayalogo
D. DVD
Ans: Higit na mabisang gamitin
ang DVD bilang pantulong biswal sa pagtuturo sa nilalapatan ng kwento at eksena
mula sa napapanahong telenobela sa iba’t
ibang klase sapagkat ito lamang ang maaaring balik-balikan (reply) kung
kinakailangan upang bigyang tuon ang makukulay at mahahalagang tagpo gayundin
naman ay maaaring muling magamit sa susunod pang klase.
Sadyang mahusay! Kudos!
ReplyDeleteThank you so much po ❤️
ReplyDeletethank you po:)
ReplyDelete