1. Ayon sa simulang makabuluhang pagkatuto, higit na
mahalaga ang pagmatagalang pagkatuto kaysa sa pagsasaulo lamang o rote
learning. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na negatibong bunga nito?
1. Labis na pagpaliwanang ng gramatika
2. labis na dril
3. Mga gawaing malayo sa pagtamo ng mga di tiya na
layunin
4. Mga teknik na mekanikal na nakapokus ang interes ng
mga mag-aaral sa mensahe at kahulugan ng wika kaysa kayarian nito.
A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang 3 at 4 lamang
C. Tambilang 1,2, at 3
D. Tambilang 1,2,3 at 4
Ans: C. Tambilang 1,2, at 3
- Ang mga nabanggit ay negatibong bunga ng rote learning
o pagkatuto sa pamamagitan ng pagsasaulo ng konsepto; (1) labis na pagpaliwanag
ng grammatia; (2) labis na drill o pagsasanay; (3) mga gawaing malayo sa
pagtatamo ng mga di tiyak na layunin. Samakatuwid, hindi kabilang dito ang
pahayag na nasa opsyun 4 hinggil sa,ga teknik na mekanikal na nakapokus ang
interes ng mga mag-aaral sa mensahe kahulugan ng wika kaysa kayarian nito”
sapagkat kabaligtaran nito, ay isang negatibo ring bunga ng rote learning ay
ang pagkapokus ng mg mag-aaral sa kayarian nang wika kaysa kahulugan at mensahe
nito na higit na mahalaga at dapat na pagtuunan ng pansin.
2. Ang simulating pampagtuturo na nakatuon sa pag-asam
ng mga mag-aaral sa gantimpala ay nag
sasaad na ang bawat tao ay nagaganyak na matuto sa pag-asang may matatangap na
gantimpala o pabuya maging materal man o di – material na anyo.
Ibigay ang implikasyon pangklasrum na dulot nito?
1. Nararapat na ang guro ay maglaan g hayagang pagsuri at
pampalakas ng loob.
2.Himukin ang mga mag-aaral na igalang ang kakayahan ng
bawat isa sa pamamigitan ng pagbibigay suporta sa anumang Gawain.
3. Magbigay ng kaukulang pidbak hingil sa mga katuparan
ng mga gawaing pangklase
4. Magpakita ng kasiglahan sa pagklase sa lahat ng pagkakataon
A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang 3 a 4 lamang
C. Tambilang 1,2, at 3
D. Tambilang 1,2,3 at 4
Ans: D. Tambilang 1,2,3 at 4
- Ang lahat nabanggit na pahayag ay mga implikasyon
pangklasrum hinggil sa pagkakaloob ng gantimpala sa pagtuturo at pagkatuto ng
wika: (1) Nararapat na ang na ang guro ay maglaan ng hayagang pagsuri at pampalakas ng loob ; (2) Himukin ang mag-aaral na
igalang ang kakayahan ng bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa
anumang Gawain. (3) Magbigay ng kaukulang pidbak hinggil sa katuparan ng mga
gawaing pangklase; at (4) Magpakita ng kasiglahan sa pagkaklase sa lahat ng
pagkakataon.
3. Ito ay simulating kognitibo sa pagtuturo ng wika na
nagsasaad na ang matagumpay na pagkatuto ay nakasalalay sa inilaang panahon,
pagsisikap at atensyon sa wika sa pamamagitan ng pansariling estratehiya upang
maunawaan at magsalita ang wikang pinag-aralan.
A. Otomatisiti
B. Risk taking
C. Strategic Investment
D. Language ego
Ans: C. Strategic Investment
- Ang strategic investment ay isang simulain kognitibo sa
pagtuturo ng wika na kung saan isinasaad dito na ang matagumpay na pagkatuto ng
wika ay nakasalalay sa inilaang panahon, pagsisikap at atensyon s wika sa
pamamagitan ng pansariling estratehiya upang mauwaan at masasalit ang wikang
pinag-aralan bilang puhunan sa pagkatuto, ng mga mag-araal.
4. Basahin at suriin ang mga sumusunod na itinakdang
layunin ng guro para sa isang aralin. Pagkatapos ay tukuyin ang bahaging
nakasalunguhit na may nakabilog na tambilang.
Ang mag-aral ay nakasusulat ng talatang
nasa anyong pagpahayag na.
Binubuo ng hindi kukulangin sa
limang pangungusap
A. Degri
B. Kondisyon
C. Awdyens
D. Beheyvyur
Ans: B. Kondisyon
- Ang bahaging beheybyur (behavior) sa ABCD pormat ng
pagbuo ng layuning pampagtuturo ay naglalarawan ng mga naglalarawan ng mga
nakikita o namamasid na gawi o kilos na inaasahang naipapakita ng mga mag-aaral
sa bilang bunga o resulta ng kanilang pagkakahalatad sa isang pagtuturo.
Samakatuwid ito ang kadalasang tinunukoy ng pandiwa ginagamit sa pagbuo ng
layunin (object of the verb).
5. Si Gng. Azurin, isang guro sa Filipino para sa
ikalawang taon ng Mataas na Paaralan ay matamang tinuturuan ang iba’t ibang
pangkat ng mag-aaral gamit ang mga gawaing ayon sa ayon sa istilo ng kanilang
kaalaman at kasanayan sa wika bagama’t sinusunod niya ang itinadhana
pare-parehong paksa o aralin. Samakatuwid ito ay magpapamalas ng
_______________ .
A. metodolohiya
B. dulog
C. teknik
D. kagamitang pampagtuturo
Ans: C. teknik
- Ang teknik ay anumang gawaing o pagsasanay na nilikha o
binuo ng guro sa loob ng klasrum upang maisakatuparan ang mga layunin ng isang
aralin.
6. Itoay tumutukoy sa kakayahang bigyang interpretasyon
ang isang serye ng mga napakinggang pangungusap upang makagawa ng isang
makabuluhang kahulugan.
A. Linggwistik kompetens
B. Sosyo-lingwistik kompetens
C. Diskors kompetens
D. Istratejik kompetens
Ans: C. Diskors kompetens
- Ang diskurs kompetens ay my kinalaman sa pag-unawa
hindi lamang ng iisang pangungusap kundi ng buong diskurso.
7. Basahin at unawaing mabuti ang kalagayang pangwika na
nagaganap sa klase at tukuyin ang pamaraang kaakibat nito sa pagtuturo ng wika.
Sa silid 104, na kung saan ang mga mag-aaral dito ay
nagtataglay ng istilong authority oriented na pagkatuto at kadalasan ang lahat
ng gawaing pangklase ay nakasalalay o nakasalig sa guro bilang tagapag-utos
tagapagpaganap ng mag gawaing pampakatuto at kadalasan ang lahat ng gawaing
pangklase ay nakasalalay o nakasalig guro bilang tagapag-utos o tagapagpaganap
ng mga gawaing pamgpagkatuto.
A. Suggestopedia
B. Silent Way
C. Total Physical response
D. Natural approach
Ans: C. Total Physical response
- Ang totoal physical response (TPR) ay isang pananaw sa
pagtuturo ng wika nuong dekada 70 na tinawag na “designer method” na kung saan
gumagamit ng maraming kayarian sa pagsasalita na nagutos. Nagsisimula ang mga
aralin sa pamamagitan ng utos mula sa guro na isinasagawa ng mga mag-aaral.
8. Kpag ang guro ay gumagamt ng mga sitwasyong bata sa
reyalidad o aktwal na buhay at karanasan ng mag mag-aaral biang lunsaran sa
pagtuturo ng wika, isang maliwanang ito ng paggamit ng pammaraang
________________.
A. whole language education
B. community language learning
C. language ego
D. natural approach
Ans: D. natural approach
- Ang natural approach ay isang pamamaraan sa pagtuturo
ng wika na naglalayong malinang ang mga peronal
na batayang kasanayang pangkomunikasyon tukad ng gamiting wika para sa
pang-araw araw na sitwasyon.
9. Kapag ang mga guro ay nag-uusap hinggil sa larangan
ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Anong wika ang kanilang ginagamit
sa usapan?
A. Idyolek
B. Sosyolek
C. Dayalek
D. Lingua franca
Ans: B. Sosyolek
- Ang sosyolek ay wikang ginagamit sa mga usapan ng mga
taong nabibilang sa isang pangkat. Samantala ang idyolek ay pagkakaiba ng anyo
ng wika ng bawat indibidwal batay sa salik pangkaligiran; at ang dayalek naman
ay wikang ginagamit mula sa pinag mulan o kinakalakihang lugar: at ang lingua
franca ay wikang ginagamit sa isang lugar.
10. Ang salitang atlanghap ay karaniwang gamitinna sa Filipino natumutkoy sa almusal
tangahalian at hapunan. Anong katangian ng wikaang nagpapaloob sa naturang
gamiting salita?
A. Ang wika’y kaugnay ng kulturang pinanggalingan
B. Angwika ay natutauhan at napagaralan
C. Natutuhan ang wika sa pamamagitan ng pagsasanay
D. Bawat wika ay katangi-tangi
Ans: D. Bawat wika ay katangi-tangi
Batay sa ibinibigay na halimbawa ang wika ay patuloy na
umuunlad bagaman nananatling kakaiba, masining at malikhaing ganap at
katangi-tangi.
11. Mula sa isang tunog ang wika ay nabubuo upang maging
isang pantig ng nunuo ng salita para sa isang parirala tungo sa makabuluhang
pangungusap. Kaya naman ayon kay Gleason, ang wika ay _______________ .
A. isang masistemang balangkas
B. arbitaryo
C. hindi
D. pantao
Ans: A. isang masistemang balangkas
- Ang wika ay may tiyak na dami ng mga tunog na
pinagsama-sama sa isang masistemang paraan upang makabuo ng mga makahulugang
yunit tulad ng mga salita na kapag pinag-sama sama ay makabubuo ng mga parilala
at makahulugang pangugusap. Binibigyang diin ni Gleason na ang wika ay isang
isang masistemang balangkas.
12. Itinuturing na ang wika ay arbitrary. Nanganghulugan
na ito ay _______________.
A. napagkasunduan ngmga pangkat na gumagamit nito
B. tanggap ng mga gumagamit nito
C. isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog
D. mula sa mekanismong bibig ng kabilang sa proseso ng
pagsasalita
Ans: A. napagkasunduan ngmga pangkat na gumagamit nito
- Nangangahulugan ito na ang tunog na binibigkas upang
mabuo ang wika ay pinili para sa layunin ng gumagamit. Isinasaayos ang mga
tunog paraang napagkasunduan ng pangkat ng mga taong gumagamit nito.
13. Ibigay ang pahambing na pagkakatulad at pagkakaiba ng
ponema at morpema.
A. kapwa sila pinakamaliit nay unit ng tunog, yaon lamang
ang morpema ay nagtataglay ng kahulugan at ang ponema ay hindi.
B. Kapwa sila mga anyo ng balarila, yaon lamang ang
ponema ay pantig.
C. Kapwa sila mga tunog, yaon lamang ang ponema ay letra
at ang moperma ay pantig.
D. Kapwa sila bahagi ng balangkas ng tunog, yaon lamang
ang ponema ay sintaks samantala ang morpema ay semantics
Ans: A. kapwa sila pinakamaliit nay unit ng tunog, yaon
lamang ang morpema ay nagtataglay ng kahulugan at ang ponema ay hindi.
- Kung paghahabingin ang ponema at morpema, kapwa sila
pinakamaliit na yunit ng tunog. Yaon lamang ay ang moperma ay nagatatglay ng
kahulugan at ang ponema ay hindi.
14. Isang paraan ng pagpahayag ng wika ay ang pagpalit ng
ilang tunog o ponema sa salitang upang makabuo ng panibagong salitaat kahulugan. Ito ay ang mga
ponemang segmental sa _______________.
A. digrap
B. pares minimal
C. diptongo
D. ponemang Malaya nagpapalitan
Ans: B. pares minimal
- Ang pares minimal ay pares ng salitang magkaiba ang kahulugan
ngunit magkatulad ng bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon.
15. Ibigay angpahiwatig ng sumusunod na pahayagg sa tuong
ng hinto o antala hindi/ ako ang kumuha.
A. Itinanggi
B. Inaako
C. May itinuturing iba
D. Nagkakaila
Ans: B. Inaako
- Ang tigil o antala ay isang ponemang suprasegmental na
patigil sa pagsasalita sa pagitan ng mga salita pahayag. Sa tulong nito, ay
maaaring makapagbadya ng ibang kahulugan ang pangungusap. Tulad ng nabanggit na
halimbawa, kapag nagkaroon ng antala pagkatapos ng salita hindi, ito ay
nangangahulugan ang nagsasalita ay umaako ng pagkuha sa isang bagay.
16. Ang pagsisinungaling ay isang gawaing masama. Ang
nakasalunguhit na salita ay nangangailangan ng tuldik na ____________ .
A. wala
B. paiwa
C. pahilis
D. pakupya
Ans: D. pakupya
- Ang salitang maragsa ay binibigakas nang mabilis at
tuloy –tuloy at may impit a bugso ng hinga sa dulo nito. Ito ay tinutuldikan ng
pakupya. Kapwa ang maragsa at pakupya ay gabay o modelong salita ng mga
halimbawa ng iba pang salita ganitogn anyo ng diin.
17. “He has bone fracture” siya ay may ____________ .
A. bali
B. balì
C. balÃ
D. Balî
Ans: A. bali
-Ang tinutukoy sa pangungusap ay ang bali (fracture) na may diing
malumi sapagkat binibigkas ito nang marahan may impit o bugso ng hinga s adulo
nito. Ito ay tinutuldikan ng paiwa. Kapwa ang malumi ay gabay o modelong salita
ng mga halimbawa ng iba pang salita nasa anyong ng diin.
18. Ang proseso ng pagsasalita ay nagmula sa mga mekanismo na
siyang nagkokoordineyt upang makalikha ng isang makabuluhang tunog nasiyang
bumubuo ng wika. Ang wika naturang pahayag ay tumutukoy sa anong daynesyong
pangwika?
A. Historikal
B. Sosyolohikal
C. Polisopikal
D. Pisyolohikal
Ans: D. Pisyolohikal
- Ang pisyolohikal ay datmensyong pangwika na tumutukoy sa
pagproseso ng bahagi o mekanismo ng katawan na may kauganayan at kinalaman sa
paglikha ng makabuluhang tunog na bumubuo ng wika.
19. Alin sa mga sumusunod ang may
tamang pormasyon ng pantig?
A. tran-sak-syon
B. tran-saks-yon
C. trans-ak-syon
D. trans-aks-yon
Ans: C. trans-ak-syon
- Ang pagpapantig ay paraan ng pagbaba-bahagi ng salita sa mga
pantig. Ang salita ng maaaring pantigin kapag may tatlo o higit pang magkaibang katinig na
magkakasunod sa loob ng salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na
sinisimulan at ang huli ay sa patinig na kasunod. Ang naturang halimbawa ay
pinapantig sa anyong KKPKK(trans0 bilang unlapi na ibig sabihin ay paglilipat.
20. Ilang panlapi mayroon ang salitang MAGDINUGUAN?
A. 1
B. 2
C. 3
D. 4
Ans: C. 3
- Ang salita magdinuguan ay binubuo ng tatlong (3) panlapi na
unlaping/mag/+gitlaping/in. at hulaping /an/. Kaya naman ang salitang ito ay isang halimbawa ng
salitang ito ay isang halimbawa ng salitang laguhan.
To download this reviewer, just click here. Good luck and God bless!
Pa send din po sa gmail ko ng reviewes for BSED Fil. Thank you po maam/sir Admin😇😊
ReplyDeletedalfelor@htccs.edu.ph
ReplyDeletePwede po pasend ng Filipino reviewer po. Filipino major po ako at self review lang po. Maraming salamat po.
ReplyDeleteelmyroa2015@gmail.com