1. Kung ihahanay ayon sa
tamang pagkakasunod-sunod ang mga sumusunod na layunin ng pagsusulit, ano ang
maituturing na pinaka huling dapat bigyang tuon?
A. Malaman kung kakayahan ang
kakayahan ang dapat bigyan ng ibayong
B. Gawaing batayan sa
pagmamarka
C. Matiyak ang tamang
pagsasaayos ng mga Gawain at paglalahad ng aralin
D. Mabatid kung tugma ang
pamamaraan ng pagtuturo sa kagamitan kailanganin nito.
Ans: B. Gawaing batayan sa pagmamarka
- Ang pagsusulit ay may
malaking papel na gingampanan sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. At kung
ihahanay ang mga nabanggit na layunin, ang pangunahing binibigyan tuon ng
pagsusulit ay na pinakahuli naman ay ang gagampanin ng pagsusulit bilang
mekanismo ng pagmamarka.
2. Alin sa mga sumusunod na
yugto ng pagsusulit-wika ang higit na naaangkop sa mga mag-aaral sa
makabagong panahon?
A. Pre-scientific stage
B. Scientific stage
C. Communicative stage
D. Grammar translation stage
Ans: C. Communicative stage
- Ang pagsusulit ay may making
papel na ginagampanan sa pagtuturo at pagkatuto ng wika ay nag paggamit nito
kaysa sangkap.
3. Sa pagsisimula ng aralin,
nagbigay si Titser George ng isang pagsusulit sa mga mag-aaral upang maihatid
niya niya kung saang bahagi ng Aralin siya magsisimba at anong kasanayan ag
kanyang higit na bibigyang daan. Anong pagsusulit ang inihandang guro batay sa
naturang halimbawa?
A. Pagsusulit kakayahan
B. Pagsusulit sa natamo
C. Dayagnostik na pagsusulit
D. Aptidyud na pagsusulit
Ans: C. Dayagnostik na
pagsusulit
- Ang pagsusulit na ito ay
nakatuon sa pangkalahatang kasanayan sa wika dahil higit na binibigyang diin sa
pagtuturo ng wika ay ang paggamit nito kaysa sangkap.
4. Kapag ang pagsusulit na
cloze ay may nakahandang pagpilian n nasa talaan para sa mga kinaltas na salita
upang ang mga patlang sa loob ng talata, ito ay tinutukoy na ______________ .
A. basic cloze
B. modified cloze
C. oral cloze
D. selected-deletion cloze
Ans: B. modified cloze
- Ang modified cloze ay pagkakaltas ng salita subalit may
pinagpipiliang talaan an mga mag-aaral.
5. Ano ang pagkakaiba ng
objective na pagsusulit?
A. Ang objective ay mahirap
ihanda ngunit madaling iwasto, samantala ang subjektive ay kabaligtaran nito
B. Ang objektiv ay ay medaling
sagutan samantalang ang subjektiv ay mahirap sagutan
C. Ang objektiv ay medaling
buuin sa tulong ng mga sanggunian samantalang ang subjektiv ay masalimuot gawin
D. Ang objektiv ay mas
mahabang aytem ng pagsusulit kaysa subjektiv
Ans: A. Ang objective ay
mahirap ihanda ngunit madaling iwasto, samantala ang subjektive ay kabaligtaran
nito
- Maituturing na ang
pagkakaiba ng dalawang anyo ng pagsusulit ay nakatuon sa paraan ng paghahanda
at pagtatama nito. Kaya naman masasabing ang objektiv na pagsusulit ay mahirap
ihanda ngunit medaling iwasto, samanatala ang subjektivay kabaligtaran naman
nito.
6. Ang mga sumusunod ay
bahagi na matatagpuan sa talahanayan ng espisipikasyon maliban sa
_______________ .
A. kasanayan o kompetensi
B. bilang at bahagdan ng aytem
C. Antas ng pag-iisip
D. Paraan ng pagsagot
Ans: D. Paraan ng pagsagot
- Ang talahanayang ng
espikasyon ay ginagamit sa pagbuo ng isang pagsusulit upang matiyak ang kaledad
at pagkamabisa nito ayon sa antos ng layunin, kumpetensi at ilang aytem. Samakatuwid,
ito ay naglalaman ng ;(1) kasanayang o kompetensing susukatin; (2) bilang
bahagdan ng aytem; (3) antas ng pag-iisip o taksonomiya ng layunin; at (4) anyo
ng pagsusulit. Gayunpaman hindi kabilang ditto ang paraan ng pagsagot.
7. Alin sa mga sumusunod ang
dapat taglayin ng wastong paglalahad ng panuto?
1. anyo ng pagsusulit
2. nilalaman
3. kasanayan
4. inaasahang paraan ng pagsagot
A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang 3 at 4 lamang
C. Tambilang 1,2,3 at 4
Ans: C. Tambilang 1,2,3 at 4
- Ang isang pagsusulit ay
dapat nagtataglay ng panuto na nakalahad nang malinaw, tiyak at tuwiran upang
masilibing gabay sa mga mag-aaral sa
pagsagot nito. Kinapapalooban ito ng mga sumusunod na aspeto: (1) anyo
ng pagsusulit; (2) nilalaman;(3) kasanayan at (4) inaasahang paraan ng
pagsagot.
8. Pansinin ang nakatalang
halimbawa ng aytem sa ibaba.
May tindahan sa bahay si
Unding kahapon ay napansin niyang wala ng asukal sa tindahan. Kaya naman,
nagpunta siya sa palengke at _________ ng bawang
A. bibili
B. bumibili
C. binibili
D. bumili
|
Ano ang kapuna-puna sa
naturang aytem?
A. Masalimout at di malinaw na
pagkakalahad ng stem
B. Halata ang mga distracter
C. Mahirap
D. Hindi naayong sagot
Ans: A. Masalimout at di
malinaw na pagkakalahad ng stem
- Isa sa mga panununtunan sa
pagsulat ng pagsusulit na may pinagpipilian ay dapt maikli lamang ngunit
malinaw ang stem at hindi dapat ito maligoy sapagkat ang pangunahing layunin ng
ng stem ay mailalahad sa mga kumukuha ng pagsusulit ang suliranin ng aytem.
9. Sa sumusunod na halimbawa ng aytem para sa
pagbasa aling panununtunan ang nilabag nito?
Aling salita ang hindi
naglalarawan sa batang si Juan?
A. maliit
B. masipag
C. magalang
D. malinis
|
Alin ang kapuna-puna sa naturang sytem?
A. Pag-uulit ng salita
B. Paggamit negatibong salita
C. Magulong opsyon
D. Halatang distraktyer
Ans: B. Paggamit negatibong
salita
- Isang panununtunan sa
pagsulat ng pagsusulit na may pinagpipilian ay ang pagsulat ng stem na nasa
anyong positibo nang sa gayon ay hindi makapagdulot ng ibayong kalituhan sa mga
mag-aaral.
10. Alin sa mga sumusunod ang
panununtunan sa paglalagay ng distracter sa isang aytem ng pagsusulit?
A. ang distracter ay di dapat
maging kaakit-akit sa mga sasagot ng pagsusulit na hindi nakakaiyak ng wastong
sagot.
B. ang mga ito ay hindi dapat
na mas mahirap kaysa tamang sagot
C. ang mga ito ay hindi dapat
na maging mas madali kaysa tamang sagot
D. Dapat hindi inuulit ang
distracter sa mga opsyun
Ans: A. ang distracter ay di
dapat maging kaakit-akit sa mga sasagot ng pagsusulit na hindi nakakaiyak ng
wastong sagot.
- Isang maituturing sa mga
panununtunan sa pagsulat ng distracter bilang mga opsyun sa loob ng aytem
pagsusulit ay nararapat na kaakit-kakit sa mga sumasagot na hindi nakatitiyak
sa wastong sagot.
11. Alin sa mga sumusunod ang
tamang panuntunan sa pagsulat ng aytem para sa pagsusulit na tama o mali?
1. Tiyakin maraming paksang
binabanggit sa pangungusap
2. Sikaping maiwasan ang
paggamit ng salitang pananggi
3. Iwasan ang paggami ng mga
pahiwatig na salita
4. Gawing payak at may tamang
haba lamang ang pangungusap
A. Tambilang 1,2 at 3
B. Tambilang 2, 3 at 4
C. Tambilang 3 at 4 lamang
D. Tambilang 1,2,3 at 4
Ans: C. Tambilang 3 at 4
lamang
- Kabilang sa mga panununtunan
sa pagsulat ng mga aytem para sa pagsusulit na tama o mali angmga sumusunod: (1)
Sikaping maiwasan ang paggamit ng salitang panannggi; (2) Iwasan an paggamit ng
salitang kadalasan minsan madalang at ibapa; at (3) Gawing payak at may tamang
haba lamang ang pangungusap.
12. Alin sa mga sumusunod
na halimabawa ng aytem ang tumpak para
sa pagsusulit ng pagpuno sa patlang.
A. Ang __________ isang
halimbawa ng pang-uri
B. Ang salitang maganda ay
isang halimbawa ng ____________ .
C. Ang _____________
nagbibigay turing sa pangngalan at pang-uri
D. Ang pang-uri ay nagbibigay
turing sa pangngalan at ______________.
Ans: D. Ang pang-uri ay
nagbibigay turing sa pangngalan at ______________.
- Isang prinsipyo ng
pagsusulit na pagpuno sa patlang na dapat ang patlang ay nasa hulihan kaysa
nasa unahan. Samakatuwid, ang dapat na pinuputol ay ang stem kaysa sa termino
para higit na makapag-analisa ang mga mag-aaral kaysa magsaulo lamang ng mga
konsepto ngunit walang ganap na pag-unawa sa mga ito.
13. Alin sa mga sumusunod ang
isang makabuluhang salik ng pagsusuli-wika?
A. ginagamit ang pagsusulit
bilang instrument lamang sa pagmamarka ng guro
B. Ang pagsusulit ay mas
nakatuon sa istrakturang gramatikal kaysa sa gamit nito sa mga sitwasyon.
C. Sa komunikatibong dulog ng
pagsusulit ang aytem ay nakahahadlang sa pangkalahatang kalagayan ayon sa
itinadhana
D. Ang dulog integratibo sa
pagsusulit-wika ay pagtataya sa gamit ng wika sa isang konteksto na kung saan
ay binibigyan pansin ang kahulugan at
kabuuang bias ng komunikasyon
Ans: C. Sa komunikatibong
dulog ng pagsusulit ang aytem ay nakahahadlang sa pangkalahatang kalagayan ayon
sa itinadhana
- Sa pagsusulit-wika ay higit
sa isang particular na konteksto kaysa sa istruktural na gamit nito. At ito ay
tinatawag na integratibo dulg ng pagsusulit-wika na itinuturing na pinakatampok
at mabisa na aankop sa mga mag-aaral sa makabagong panahon.
14. Mahalaga ang pagsusulit o
pagtataya sa paglinang ng kasanayan sa pagkatuto ng wika bilang pagtuklas ng
impormasyon. Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing aspetong binibigyang
tuon ng pagsusulit?
A. pagkatuto ng mag-aaral
B. Pmamaraan ng pagtuturo ng
guro
C. Kabuuang programang
pangkurikulum
D. Kagamitang pampagtuturo
Ans: A. pagkatuto ng mag-aaral
- Ang pagsusulit ay
naglalayong sumukat ng pagbabago sa katauhan, kaisipan kaugalian at saloobin ng
mga mag-aaral ayon sa hinahangad na matamo nila gayundin sa mga kaalaman at
kasanayang na maaaring isagaw sa iba’t ibang pagkilatis ayon as
pangangailangan. Higit na mahalaga ang pagsusulit kung nakatuon ito sa mga mag-aaral
sa makabagong panaho.
15. Kapag ang pasusulit ay
naglalayong mataya ang kakayahan ng mag-aaral sa pagsulat ni inihihiwalay sa
pagbasa, masasabing ito ay nasasalig sa anong dulog ng pagsusulit?
A. Pagsasalin
B. Istrukural
C. Integratibo
D. Komunikatibo
Ans: B. Istrukural
- Ang dulog istruktural sa
pagsusulit ay tumutoy sa pagkatuto ng wika sa sistematikong pagkakaroon ng mga
batayang pag-uugali. Tinataya nit ang kasanayan ng mga mag-aaral sa
magkakahiwalay na element ng target na wika gamit angmga salita at pagsasalita,
pagbasa at pagsulat ay hiwa-hiwalay na sinusubok sa dahilang layunin nitong
mataya ang mga naturang kasanayan nang isa.
16. Ano ang pinakamakabuluhang
pagkakaugnay ng pagtutro at pagsusulit-wika?
A. Ang pagtuturo ay
isinasagawa upang masagot ng natutuhan bilang batayan sa pagtaya sa ginawang
pagtuturo ng guro.
B. Ang pagsusulit ay panukatan
sa pagtatamo ng natutuhan bilang batayan sa pagtaya sa ginawang pagtuturo ng
guro.
C. Ang pagtataya ay
mahahalagang elemento ng isang planong pampagtuturo
D. Ang pagtataya ay bahagi ng
pagtatamo samantala ang pagtuturo ay dahilan kung bakit may pagtataya.
Ans: B. Ang pagsusulit ay
panukatan sa pagtatamo ng natutuhan bilang batayan sa pagtaya sa ginawang
pagtuturo ng guro.
- Ang pinakamakabuluhang
konsepto ng pagkakaugnayng pagtuturo at pagsusulit ay katotohanang ang
pagsusulit ay panukan sa pagtamo ng natutuhan ng mag-aaral na batayan sa
nagging pagtuturo ng guro.
17. Ayon sa panuntunan ano
ang dapat iwasan ng guro sa pagbuo ng aytem para sa pagsusulit na
pagtapat-tapatin?
A.Distrakter
B. Talahanayan
C. Padron sa pagmamarka
D. Susing-sagot
Ans: C. Padron sa pagmamarka
- Isa sa mga panununtunan sa
pagsulat ng aytem para sa pagsusulit na pagtapat-tapatin ay ang pag-iwas sa
paglalaan ng pardon (pattern) para sa sagot sapagkat mas pagtutuunan ng mga
mag-aara lna sasagot nito ang pagbuo ng naturang padron kaysa sa pag-unawa,
pagiisip at pag analisa sa aytem. Kung gayon, nawawala ang tunay na diwa at
layunin ng pagsusulit para sa mga mag-aaral at sa guro. Samakatuwid =, kung ang
layunin lamang sa pagbuo ng pagsusulit ay mga mapadali ang pagwawasto niot ay
inimungkahi na lamang sa pagbuo ng pagsusulit ay ang mapadali ang pag wawasto
nito ay iminumungkahi na lamang na bumuo at gumamait ng susing-sagot bilang
gabay sa medaling pagwawasto
18. Dapat bang guro ay
personal na nagwawasto ng pagsusulit ng mga mag-aaral?
A. Oo, sapagkat obligasyon at
bahagi ng trabaho ng isang guro ang gawaing pagwawasto
B. Hindi, sapagkat mas marami
pang dapat mapagtuunan ng panahon ang guro na higit na mahalaga sa kanyang
pagtuturo kaysa pagwawasto
C. Oo, upang higit na matiyak
ng guro ang ganap na pagkatuto ng mga mag-aaral gayundin ang mga kahinaan nila
D. Hindi dapat binibigyang
pagkakataon ang guro mabawasan ang bigat ng kanyang Gawain upang higit na
matutukan ang pinakapangunahing niyang tungkulin –ang pagtuturo
Ans: C. Oo, upang higit na
matiyak ng guro ang ganap na pagkatuto ng mga mag-aaral gayundin ang mga kahinaan
nila
-Ayon sa panununtunan at
pamantayan sa pagsusulit, higit na nararapat nanang guro ang personal na
nagwawasto ng pagsusulit ng mga mag-aaral nang sa gayon ay higit na matiyak ng
guro ang ganap na pagkatuto ng mga mag-aaral gayundin ang mga kahinaan nila na
maaaring maging batayan sa pagpaplanong pagtuturo ng wika at pag-paunlad ng mga
gawaing pangwika sa klase.
19. Alinsa mga sumusunod ang
dapat isaalang-alang ng guro sa pagwawasto ng pagsusulit na pasanaysay?
1. Unahing maiwasto ang lahat
ng sagot ng mga mag-aaral sa bawat tanong
2. Maghanda ng gabay na
balangkas para sa konsepto at tunguhin ng sagot
3. Bumuo ng rubik na
naglalaman ng pamantayan sa pagwawasto at inaasahang kasanayan
4. Sumangguni sa iba pang
maaaring makapagwasto upang matiyak at mabalanse ang pagtataya nito
A. Tambilang 1 at 2 laman
B. Tambilang 3 at 4 lamang
C. Tambilang 1,2 at 3
D. Tambilang 1,2,3 at 4
Ans: D. Tambilang 1,2,3 at 4
- Ang mga nabanggit ay mga
panununtunan na dapat isaalang-alang ng guro sa pagwawasto ng pagsusulit na
pasanaysay. (1) Unahing maiwasto ang lahat ng sagot ng mga mag-aaral sa bawat
tanong; (2) Maghanda ng gabay na balangkas para sa konspeto at tunguhin ng
sasagot; (3) Bumuo ng rubric na naglalaman ng pamantayan sa pagwawasto upang
matiyak at mabalanse ang pagtataya nito.
20. Alin sa mga sumusunod ang
may tamang pagkakalahad ng panuto para sa isang anyo ng pagsusulit?
A. Maraming Pagpipilian. Piliin ang titik ng tamang sagot
B. Pagtatapat-tapat. Pag ugnayin ang mga bansa na nasa hanay A sa
katumbas na kanyang pangulo na nasa hanay B. isulat ang titik ng tamang sagot
C. pagpuno sa patlang: Punan ang patlang ng tamang sagot ayon sa
hinihingi
D. Tama o Mali. Lagyan ng tsek ang mga maling pahayag
Ans: B. Pagtatapat-tapat. Pag ugnayin ang mga bansa na nasa hanay A sa
katumbas na kanyang pangulo na nasa hanay B. isulat ang titik ng tamang sagot
- Ang opsyon B ay nagtataglay
ng kumpletong element, sangkap at bahagi sa pagsulat ng panuto ng bawat anyo ng
pagsusulit na kinabibilangan ng anyo ng pagsusulit , nilalaman , kasanayan at
paraan ng pagsagot.
No comments:
Post a Comment