1. Basahin at uwain ang sumusnod na saknong na halaw sa
Florante at Laura. Tukuyin kung kanino ito patungkol at ang pagpapahalagang
napapaloob dito.
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni’t sa hatol ay salat
Masaklap na bungal ng maling paglingap
Habag ng magulang sa irog
A. Magulang – tamang pagpalaki sa anak
B. Anak – tamang pagsunod at respeto sa mga magulang
C. Magulang – pagtataguyod sa pangangailangan ng anak
D. Anak- pagkalinga sa mga magulang sa pagtanda ng mga
ito
Ans: A. Magulang – tamang pagpalaki sa anak
- Ang naturang saknong ay isang panawagan sa mga magulang
at nagpapahiwatig ng wastong pagpalaki at pagkalinga sa mga anak tungo sa
pagkakaroon nila ng magin hawang buhay.
2. Ibigay ang analohiya ng obr maestro at ang
natatanging pinaghandugan na nagsilbing
repleksyon ng kabuuang nilalaman nito.
A. Ibong Adarna: kababaihang Pilipino
B. Florenta at laura : Kasintahang Celia
C. Noli Me Tangere: Tatlong paring martir na Gomburza
D. El Filibusterismo :Katipunan
Ans: B. Florenta at laura : Kasintahang Celia
- Ang apat na pangunahing obra maestrang Pilipino ay
inihandog sa mga kinauukulan sa sumasalamin sa kabuuang konteksto nito: (1)
ibong adarna – sa pamilyang Pilipino; (2) Florante at Laura – para kay celia na
inibig ni balagtas ; (3) Noli Me Tangere – para sa katipunan at (4) El
Filibusterismo – para sa tatlong paring
martir na sina Padr Gomez , Burgos at Zamora.
3. Kung susuriin angmga akda ano ang pagkakaulad ng Florente at Laura at El Filibusterismo?
A. pareho sila ng genreng kinabibilangan
B. parehong may pinagdaanang kasawian sa pagibig ang mga
manunulat na napapaloob sa akda
C. parego silang ng ga mag-aral sa buahy, pahiwatig at
pagpapahalaga
D. pareho ng element ang mga nabanggit na akda maging ang
kanilang wakas
Ans: B. parehong may pinagdaanang kasawian sa pagibig ang
mga manunulat na napapaloob sa akda
- Maituturing na ang mg akdang Florante at Laura ni
Fransisco Balagtas at El Filibusterismo ni Jose Rizal ay kapwa sumasailalim sa
pinagdadaang kasawian sa babaeng minahal ng mga may-akda sa panahon ng pagsusulat at pagtatapos ng nasabing mga
akda. Ang Florante at Laura ay repleksyon ng pagkabigo ni Balagatas kay Ma.
Asuncion Rivera na nakipag-isang dibdib
kay Mariano Kapule kaya inilarawan mniya si Celia sa katauhan ni Laura.
Samantala sa panahon namang isinusulat ang El Filibusterismo ay nagpakasal din
si Leonor Rivera kay Charles Kipping kaya’t itinampok niya ito sa katauhan ni
Paulita Gomez.
4. Sa obra maestrang Ibong Adarna, nabangit na pito ang
nagging sugat ni Don Juan dahil ____________ .
A. pitongbeses umawit ang ibon
B. Pitong beses niyang natakpan ang dumi ng ibon
C. Pitong beses naglagas ng balahibo ang ibon
D. Pitong beses siyang naghiwa
Ans: D. Pitong beses siyang naghiwa
- Sa kwento ng ibong adarna, nabangit na pitong beses na
nagkaroon ng sugat si Don Juan ang bunsong anak ng hari dahil pitong beses
siyang naghiwa ng pulso at pinipigaan ng dayang upang hindi siya makatulog sa
pagawit ng ibog adarna tulad ng habilin
ng ermitanyo na paraan upang kanyang mahuhuli at maiuwi aito bilang lunas
karamdaman ng ama.
5. Sa pagtungo ng makakapatid na Don Diego at Don Pedro
sa Bundok Tabor upang kunin ang ibon para s alunas karamdaman ng ama, ipnasya
nila na _________________________.
A. Huwag munag magbalik hangga’t hindi nakikita si Don
Juan
B. huwag magbalik hangga’t hindi nakikita ang ibon
C. magdala ibang ibon para sa hari
D. humahanap ng ibang kaharian at doon na manirahan
Ans: B. huwag magbalik hangga’t hindi nakikita ang ibon
- pagtungo ng magkapatid na Don Diego at Don Pedro sa
Bundok Tabor upang kunin ang ibong bilang lunas sa karamdaman ng ama, ipinasya
nilang hindi uuwi hangga’t hindi dala ang ibong lunas sa sakit ng ama.
6. Ayon sa obra maestro Noli Me Tangere, bakit pinarusahan si Crispi ng sacristan
mayor sa pamamagitan ng paghimpil sa bata nang matagal sa simbahan kahit
bisperas ngna Kapaskuhan?
A. dahil sa paratang na pagnanakaw sa onsa
B. dahil sa
pagbubunyag vng lihim ng simbahan
C. Dahil sa pagsuway sa ipinagutos ng mga kaparian
D. Dahil sa maling pagkalembang ng kampana sa simboryo
Ans: A. dahil sa paratang na pagnanakaw sa onsa
- Ayon sa obra maestrang Noli M Tangere pinarusahan ni
Crispin ng sacristan mayor sa
pamamagitan ng paghimpil sa bata nang matagal sa simbahan kahit bisperas ng
kapaskuhan dahil sa paratang na pagnanakaw sa onsa.
7. Naparatang si Ibarra ng simahan ng isang erehe dahil
sa ________________ .
A. pagsiwalat sa kabulukan ng sistema ng simabahan
B. panunuligsa sa pagmamalabis ng mga prayle
C. hindi pagsisimba at panguungumpisal
D. hindi pag ayon- sa mga tradisyong panrelihiyon
Ans: C. hindi pagsisimba at panguungumpisal
-Naparatang si barra ng simbahan na sa ere na ang ibig
sabihin ay hindi nagsisimba at nangungumpisal
8. Pagtambalin ang dalawang magkaugnay na taludtud na
halaw sa obra maestrang ibong. Adarna upang mabuo ang kaisipan nito.
1. Walang isa mang dumapo pagtapat ay lumayo
2. Dapatwa’t wala, walang ibong nakita sa punong –kahoy
3. At lalong pinatamis
ang sa adarnang
1. Bawat isang kanta’y isang bihis ng balahibong marikit.
2. Ang adarnang
may engkanto anino ay di anino
3. Di naman lang marahuyo sa sanga muna’y maglaro
A. 1-2
B. 2-3
C. 3-1
D. 3-3
Ans: C. 3-1
- Ang tamang magkaugnay na taludtud muola sa mga saknong
ng obra maestrang ibong adarna ay:
At lalong pinatamis ang sa Adarnang pag-awit
Bawat isang kanat’y isang bihis ng balahibong marikit
(Sa ganitong klase ng pagsusulit hindi kailangan pamilyar
o masasaulo ang naturang mga saknong ng kabanata, sa ahlip kailangan lamang na
basahin, unawain at iaanalisa ang taludtud at hagapin ang maaring nauugnay na
karugtong.
9. Ibigay ang interpretasyon ng sumusunod na pahiwatig.
“Ako ay maglalakbay sa dagat ng pakikitalad nang may
isang mahalagang bagay na nababatid.”
A. Pamasyal sa ilalim ng dagat
B. Pagtuklas ng mahalagang bagay sa dagat
C. Pakikipagsapalaran na may tiyak nna layunin
D. Pagpalaot sa dagat upang masisid ang isang pangarap
Ans: C. Pakikipagsapalaran na may tiyak nna layunin
- Ang nabanggit na pahiwatig ay nagtataglay ng
interpretasyon na:
Pahiwatig: Ako ay maglalakbay s dagat ng pakikitalad nang
may isang mahalagag bagay na nababatid
Interpretasyon:Pakikipagsapalaran na ay tiyak na layunin.
10. Sa dulang “Moses, Moses” binaril ni Regin ang
kanyang anak na si toy dahil alam niyang kapag nailabas ito ng bahay nila ay
papatayin din siya ng mga pulis at at palalabasin na siya tumakas. Anong
pagbabagong pangakaisipan ang hatid ng naturang tagpo?
A. Hindi mahal ni Regina ang anak kaya’t nagawa niya ang
pagpatay.
B. Nagawa ni Regina
ang pagpatay sa anak dahil wala siyang tiwala sa batas
C. Mayt deperensy sa isip si Regina kaya nagawa niya ang ganoong krimen sa sariling anak
D. Nagawa ni Regina ang pagpatay sa anak dulot ng
matinding galit nito
Ans: B. Nagawa ni Regina
ang pagpatay sa anak dahil wala siyang tiwala sa batas
- Ayon sa
nilalaman ng kwento sa nabangit na dula nakuhang patayin ni Regina ang anak
dahil sa kawalan ng tiwala niya sa batas .
11. Ano ang pagkakaiba ng awit at korido?
A. Ang awit at may walong pantig sa bawat taludtud,
samantalang korido ay ang kabaligtaran nito.
B. Ang korido ay tulang pasalaysay, samantala ang awit ay
tulang pandamdamin
C. Ang awit ay may karanasang kababalaghan na di maaring
maganap sa tunay na buhay, samantala ang
korido ay makatotohanan at reyalidad ang buhay.
D. Ang korida ay may mabilisna himig o allegro, samantala
ang awit ay may mabagal na himig o andante.
Ans: D. Ang korida ay may mabilisna himig o allegro,
samantala ang awit ay may mabagal na himig o andante.
Ang awit at korido ay magkaiba sa mga sumusunod na
aspeto:
ASPETO
|
KORIDO
|
AWIT
|
Bilang ng pantig
|
1. May walong (8) pantig sa bawt taludtud
|
1. May labindalawang (12) pantig sa bawat taludtud
|
Taglay na nilalaman
|
2. Tulang pasalaysay na may kasamang kababalaghan ang
mga tauhan ay nagsasagawa ng mga bagay na di maaaring magawa sa tunay na
buhay.
|
2. Tulang pasalaysay maktotohanan ang mga tahan at
maaaring maganap sa tunay na buhay ang kanilang pakikipagsapalaran
|
Himig
|
3. ito ay
mabilis na himig o allegro
|
3. Inaawit ang himig na mabagal o andante
|
Halimbawa
|
4. ibong adarna
|
4. Florante at Laura
|
Sors: Obra Maestra ni M. Amog et.al
12. Suriin ang iskala ng mga salita sa ibaba. Alin ang
may tamang balangkas ng kaibiguan ng
may-akda at impliksayon at nito sa akda na taglay ng pangunahing tauhan
May –akda → Akda→ Pagibig→
Karibal →Tauhan
sa Akda
A. Rizal →Noli Me Tangere→ Leonor Rivera →Paciano→
Maria Clara
B. Balagtas→Florante at Laura→Maria
Asuncion Rivera→ Joseng Sisiw → Maria Clara
C. Rizal El Filibusterismo →Leonor
River →Charles
Kipping →Paulita
Gomez
D. Balagtas →Orozman
at Zafra→
Maria Asuncion Rivera→ Mariano Kapuli → Safra
Ans: C. Rizal El Filibusterismo →Leonor
River →Charles
Kipping →Paulita
Gomez
- Ayon sa kalatas pangkasaysayan
sa likod ng pag-aanalisa ng isang akda, habang isinusulat ni Jose Rizal ang
kanyang babaeng pianamamahal na si Leonor Rivera Charles Kipping na nagdudul;ot
sa kanya ng matinding kabiguan kaya naman ipinahaag niya nya ang kanyang
damdain sa paglalarawan ng tauhan at papel na ginampanan ni Paulita Gomez sa
kanyang obra.
Sa kabilang banda ganon din
namann ang naging kapalaran at karanasan ni Francisco Balagtas sa pagsulat ng
kanyang obrang Florante at Laura na puno rin ng kabiguan nang mabalitaan niya
na ang kanyang minamahal na si Maria Asuncion Rivera ay nakipag-isang dibdib sa
kanyang matinding karibal na mayaang si
Mariano Kapuli. Dahil ito upang ipahayag niya ang kanyang damdamin sa
paglalarawan ng katauhan ni Laura sa naturang obra. Kaya naman may isang
kabanata na inialay niya kay celia dahil sa kanyang matinding pag-ibigat
kabiguan sa naturang minamahal.
13. Sino sa mga tauhan sa
Noli Me Tangere sumisimbolo sa babaeng Pilipina?
A. Maria Clara
B. Dona Victoria
C. Sisa
D. Ines
Ans: C. Sisa
- Si Sisa ang itinuturing na
kumakatawan sa kababaihang Pilipina sa handing magpasakit sa nganalan
pagmamahal sa anak at sa bayan. Ibiniay niya nang buong lakas ang kanyang buhay
sa pag-aaruga sa anak.
14. Ang Metamoray nagbabago
at pag-unlad ng tauhang ng isang akda sa pagpatuloy ng panibagong kabanata o
kasunod na akda. Sino tauhan sa Noli Me Tangere ang nagtataglay nito sa
panibagong yugto ng akda na pinamagatang “EL FILIBUSTERISMO”?
A. Basilio
B. Crispin
C. Maria Clara
D. Elias
Ans: A. Basilio
- Si Basilio ang pangunahing
tauhan na nagtaglay ng malaking pagbabago at pagunlad ng katauhan bilang tauhan
sa pagpapatuloy ng nobelang El Filibusterismo.
15. Ayon sa kasasaysayan ng
mga obra maestra nobela ni Jose Rizal, mayroon siyang ikatlong nobela na kanyang nasimulan subalit hindi niya
natapos dhail sa nalalapit niyang araw ng kamatayan. Ito ang pinamagatang
______________ .
A. Ang huling kabanata
B. Sa aking pagkabata
C. Makamisa
D. Sa ilog Pasig
Ans: C. Makamisa
- Ang makamisa ang itinuturing na pangatlong nobela ni Jose Rzal
karugtog ng EL Filibusteris,o bagama’t hindi niya natapos dahil sa nakatkda
niyang kamatayan.
16. Pagsunod-sunurin ang mga
pangyayari ayon sa obra maestra Ibong adarna.
1. Sinabe ng ermitanyo kay Don
Juan na ang Adarna ay may taglay na engkato
2. Binigyan ng labaha at
pitong dayap ang prinsipe upang mapaglabanan ang antok
3. Natagpuan ni Don Juan ang
dampung ang dampang itinuro ng matanda
4. Nakita ng prinsipe ang
ibinigay niyang tinapay sa matanda sa hapag kainan ng Ermitanyo
5. Ipinagtapat ni Don Juan sa
Ermitanyo ang sadya niya
A. 5-1-3-4-2
B. 2-5-1-4-3
C. 3-4-5-1-2
D. 1-2-3-4-5
Ans: C. 3-4-5-1-2
- Kung pagsunud-sunurin ang
mga pangyayari ayon sa takbo ng kwento ng isang kabanata ng Obra Maestrang
Ibong Adarna ang mga sumusunod ang tamang ayos: (1) Natagpuan ni Don Juan ang dampang itinuro ng
matanda ; (2) Nakita ng prinsipe ang ibinigay niyang tinapay s matatanda sa
hapag kainan ng Ermitanyo; (3) Ipinagtapat ni Don Juan sa Ermitanyo (3)
Ipinagtapat ni Don Juan sa ermitanyo ang sadya niya (4) Sinabe ng Ermitanyo kay
Don Juan na Adarna ay may taglay na engkanto: (5) Binigyan ng Labaha at pitong
dayap ang prinsipe upang mapagabanan ang antok.
17. Dugtungan ang sumusunod
ng t aludtud upang mabuo ang kanyang ang saknong ayon sa taglay nitong kaisipan
na halaw sa obra maestrang Ibong Adarna.
Bakit ang ibong adarna
sinasabing anog ganda…….
A. Ito’y kanyang binulungan ng
balak na kataksilan
B. May araw ring malalaman ang
nangyaring kataksilan
C. Ngayo’y ayaw nang kumanta, nanlulugo’t
pumapangit pa
D. Sa ama’y agad naturing
“Ibong Adarna’y dala naming”
Ans: C. Ngayo’y ayaw nang
kumanta, nanlulugo’t pumapangit pa
- ( Sa ganitong klase ng pagsusulit, hindi
kailangan pamilyar o masaulo ang naturang mga saknong ng kabanata, sa halip
kailangan lamang na basahin, unawain at ianalisa ang taludtud at hagapin ang
maaaring nauugnay na karugtong.)
Kung dudugtangan ang nabanggit
na na taludtulad na halaw sa isa kabanata obra maestrang Ibong Adarna
sinasabing anong ganda
Ngayo’y ayaw nang kumanta
nanlulugo’t pumangit pa
18. Pilin ang may wastong
pamagat ng akdang Asyano, ang bansang kinakatawan orihinal na may akda at
nagsalin nito.
AKDA
|
BANSA
|
MAY-AKDA
|
NAGSALIN
|
|
A
|
Mga magnanakaw
|
Thailand
|
Yanti Soebiakto
|
Ismael Tafiq
|
B
|
Kapag nakita ko ulit si Hui
San
|
Indonesia
|
Wong Meng
|
B. S Medina Jr.
|
C
|
Hanggang sa huling hininga
|
Singapore
|
Chayasi Sunthophiphit
|
Elizabeth Aguilar
|
D
|
Ang ikatlong
|
Malaysia
|
Shanon Ahmad
|
B.S Medina, Jr
|
Ans:
D
|
Ang ikatlong
|
Malaysia
|
Shanon Ahmad
|
B.S Medina, Jr
|
Ang mga naturang halimbawa ng
mga akdang Asyano ay nakaayos sa tamang pagtutugma: (1) Mga Magnanakaw
–Indonesia –Yanti Soebakto – Ismael Tafiq (2) kapag nakita ko ulit si Hui San –
Singapore- Wong Mrng Voon- B.S Medina , Jr.
19. Sa akdang “Daigdig na
walang Hanggan” na salin ni Elizabeth Aguilar mula sa orihinal na “An Endless
World” ni Kabir ng India, ano ang tinutukoy na daigdig na walang hanggan?
A. Planeta
B. Paraiso
C. Langit
D. Mundo
Ans: C. Langit
- Ang tinutukoy na isang
daigdigna walang hanggan sa nabanggit na akda ay ang langit batay sa nakalahad
sa mga taludtud nito.
May isang daigdig na walang hanggan, O aking kapatid
At may Likhang pangala’y di
batid
Sa kanyang walang masasabing
anuman
Tanging Siya lamang ang
nakakaalam
Ng di malirp saanman, kailanman
Walang sukt at anyo, walang
lalim at lawak
Kabuuan at kalakha’y di abot
ng tanaw
Wika niKabir: Di maaaring isatitik
: Di maaaring isatinig
Kapara ng bagay na natikman
Tamis, di alam.
20. Ibigay ang pahiwatig ng
akdang mula sa Bansang Hapon na “ Tumatanggap ako ng mga Bulaklak sa Araw na
ito” ni Saki Ballesteros at salin ni Ria Ross Alonso.
A. Wagas na pag-ibig na
iniaalay ng mga kalalakihan sa mga kababaihan
B. Pagkahumaling ng mga kababaihan sa bulaklak bilang tanda ng
pagmamahal
C. Hinggil sa pananakit na
sinapit ng mga kababaihan sa kamay ng kanilang asawa
D. Mga panahong hindi
malilimutan at patuloy na ginugunita sa tulong ng mga bulaklak
Ans: C. Hinggil sa pananakit na sinapit ng mga
kababaihan sa kamay ng kanilang asawa
- Ang akdang hapones na
pinamagatang “Tumatanggap ako ng mga Bulaklak sa Araw na ito” ni Saki
Ballesteros at salin ni Ria Ross Alonso ay nagpapahiwatig ng pananakit na
sinapit ng mga kababaihan sa mga kamay ng kanilang asawa.
To download this reviewer, just click here. Good luck and God bless!
No comments:
Post a Comment