Latest Filipino Reviewer 8 - LET EXAM - Questions & Answers

Welcome to LET Exam Questions and Answers!!!

Latest Filipino Reviewer 8


1. Sa awiting “Annie Batumbakal” na pinasikat ng grupong Hotdogs, isinasaad na si Annie ay taga ______________ .

A. Recto
B. Frisco
C. Mabini
D. Paco

Ans: B. Frisco
- Ayon sa awiting “Annie Batumbakal” ng gurong Hotdogs, si Annie ay taga-Frisco na sinusuportahanng ilang linya ng naturang awit.

Si Annie Batumbakal na taga-Frisco
Gabi-gabi na lang ay nasa disco
Mga problema nya’y kanyang nalilimutan
Pag siya’y yumuyugyog, sumasayaw

2. Ito ay pelikulang pinagbidahan ni Nora Aunor bilang Corazon dela Cruz na ipinalabas noong 1976 unang pelikula na may elementong pagbatikos sa pamamalagi ng base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas na humakot ng halos limang karangalan sa ika-25 Famas Award.

A. Himala
B. Bulaklak ng City Jail
C. Minsan may isang guro isang Gamu-gamo
D. Tatlong taong walang Diyos

Ans: C. Minsan may isang guro isang Gamu-gamo
- Ang  Minsan may isang guro isang Gamugamo ay isang natanging pelikula sa gintong panahon na pinagbibidahan ni Nora Aunor bilang Corazon dela Cruz na ipinapalabas noong 1976 bilang unang pangkalakalang pelikula na may elementong pagbatikos sa pamamalagi ng base military ng Estados Unidos sa Pilipinas na humakot halos limang karangalan sa ika-25 Famas Award. Dagdag pa rito napili si Nora Aunor  dahil sa paniniwalang may koneksyon siya sa noo’y pangulo at unang ginang Marcos. Ang naturang pelikula sa ilalim ng direksyon ni Lupita Concio sa panulat ni Marina Feleo-Gonzales.


3. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng sanaysay bilang akdang pampanitikan?

I. Ito’y higit na personal
II. Isa itong pagtatangka a pagsisikap na matalakay ang isang aspeto ng paksa.
III. Malaya ito sa pagpili ng anyo o pormang nais gamitin
IV. Nakakahikayat ito kahit na nasa anyong paglalahad

A. I at II lamang
B. III at IV  lamang
C. I,II at III
D. I,II,III at IV

Ans: D. I,II,III at IV
- Ang sanaysay ay isang anyo ng panitikan na tumutukoy sa isang paksa sa paraaang tuluyan at sa malayang paraan naglalantad ng kaispan, kuro-kuro palagay at ng kasiyahan ng sumusulat upang umaliw, magbigay kaalaman o magturo .
Ang sanaysay ay ay apat na katangan bilang isang genreng panpanitikan (1) Ito’y higit na personal;(2) isa itong pagtatangka o pagsisikap na matalakay ang isang aspeto ng paksa; (3) Malaya ito sa pagpili ng anyo o pormang nais gamitin; at 940 Nakahihikayat na nasa anyong paglalahad.

4. Basahing mabuti ang isang talatang halaw sa “ Pagsilang: Pag-iisa” ni B.S medina. Pansinin at tukuyin ang estilo ng simula nito.

Iniluwal ka siang umaga sa silid ng iyong ina- madilim, maliwanag, aywan mo pagkat may bahid pa ng karimlan ang paningin at ikaw ay pumalaot sa isang paghihintay hanggang sa Makita mo an gang iyong daigidig – hiwalay sa I na.

A. Paggamit ng siniping pahayag
B. Paggamit ng isang pambungad na salaysay
C. Paggamit ng salita o dayalogo
D. Paggamit ng pangungusap

Ans: B. Paggamit ng isang pambungad na salaysay
- Maraming paraan ang maaring gamitinsa pagsisimula ng isang sanaysay tuad ng paggamit ng katanungan pangungusap na nakatatawag-pansin, isang pambungad na salaysay,sinipi ng pahayag at salitaan o dayalogo.

Batay sa nabanggit na halimbawa ng simula ng isang sanaysay, ito ay nagpapamalas ng paggamit ng pambungad na salaysay.

“Ang tunog ng Buhay” ni E.B DeLeon. Pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na katanungan.
               
                Ang samu’t saring ingay na likha ng tao sa parang. Ang sunod-sunod na tunog mula sa bawat pag-anagat ng isang munting bakal na patuloy inihahampas sa kapwa bakal. Ang paglagit-it ng isang metal na may matatalim na pangil na tila ang simumang lumapit ay di pasisiil.
               
                Dito magsisimua;a ang pagtayo ng bagong sibol para sa pagbangon ng industriyang at pag-angat ng ekonomiya……… ag pagunlad ng bansa mula sa tunog na likha ng mga pawisan at pagal katawan, naroon magmumula ang sandaigdigan.

5. Ano ang ipinapahiwatig ng bahagi ng sanaysay?

A. Ang tunog bilang hudyat ng pag-unlad
B. Ang pagtayo ng isang gusali
C. Ang ingay ng syudad bunga ng pag-unlad
noD. Isang pagpupugay sa mga inhinyero at manggagawa tungo sa  pag unlad


Ans: A. Ang tunog bilang hudyat ng pag-unlad
- Ipinahihiwatig ng naturang bahagi ng sanaysay ang tunog bilang hudyat ng pag –unlad.

6. Paano inilahad ang bahagi ng sanaysay?

A. Tiyak patungo sa pasaklaw
B. Pasaklaw patungo sa tiyak
C. Payak patungo sa masilmout
D. Di gaanong mahalaga patungo sa lalong mahalaga

Ans: A. Tiyak patungo sa pasaklaw
- Ang sanaysay ay binubuo ng gitnang bahagi o ang pinakakatawan nito na kung saan ay pinagsasama-sama ang mga kaisipang magsing-uri at ang pagahahanay ng mga lipon ng kaispan sa makatuwirang pagkakasunod-sunod. Upang ang mga bagay na ito ay matamo, kinakailangan ang kakayahan sa pag-uuri at pagsusuri. Ginagamitan ng mga mungkahing paraan ng pagbuo ng katawan ng sanaysay batay sa paksa. Layunin at pinaguukulang mambabasa. Ito ay maaring magsimula sa (1) bagay na alam na patungo sa pasaklaw; (4) patungo sa tiyak; (5) di gaanong mahalaga patungo sa lalong mahalaga. Samakatuwid ang nabanggit na halimbawa ng sanaysay ay ginagamitan n mga konsepto o ideyang tiyak patungo sa masaklaw.

7. Kapag ang talumpati ay gumamit ng isang anekdota bilang pamukaw-sigla na binibigkas nang buong sigla, Masaya at bakas na mukha, buhay na tinig at madulas na pagsasalita ito ay malinaw na nagpapamalas ng___________ .

A. Talumpating nagbibigay kabatiran
B. talumpating nagbibigay galang
C. Talumpating naglilibang
D. Talumpating naghihikayat

Ans: C. Talumpating naglilibang
- Ang talumpating naglilibang ay karaniwang binigkas sa mga pagtitipong sosyal na ay layunin makapagbigay-aliw sa nakikinig. Ang anektoda ay madalas gamitin sa ganitonog uri ng talumpati sapagkat nagbibigay –sigla  gayundin ang masasayang kilos at bukas na mukha, buhay na tinig at madulas  na pagsasalita na bakas ang gayundin damdaming mababanaag sa mganakikinig.

8. Kung ikaw ay bubuo ng rubric o batayan sa pagmamarka o paghatol ng isang talumpatian alin sa mga sumusunod na pamantayan ang bibigyan mo ng pinakamataas na bahagdan?

A. Paglalahad (pagtalakay sa paksa, pagkakasunod-sunod ng diwa, linaw ng pagpahayag, kahusayan sa pagsasaulo)

B. Tinig (lakas, tagingting, kaangkupan sa diwa at damdamin)
C. Hikayat (pang-akit sa madla)
D. Kakayahan sa pagtatalumpati (tindig, bigaks, kilos, pagsasaulo.0

Ans: A. Paglalahad (pagtalakay sa paksa, pagkakasunod-sunod ng diwa, linaw ng pagpahayag, kahusayan sa pagsasaulo)
- Sa pagbuo ng rubiko batayan sa paghatol o pagmamarka ng isang talumpatian binibigyan –diin  ang mga sumusunod na pamantayan ayon sa bigat ng kahalagahan: (1) paglalahad (50%); (2) kakayahan sa pagtatalumpati (25%) tinig (15%) at hikayat (10%)

9. Talumpating madalas napapakinggan sa panahon ng halalan ay tinawag na __________________.

A. talumpati ng pasasalamat
B. talumpatio ng paghahandog
C. Talumpati ng pagmumungkahi
D. talumpati ng pagpapakilala

Ans: C. Talumpati ng pagmumungkahi
- Ang talumpating binibigkas ng mga kandidato sa panahon ng halalan ay halimabawa ng  talumpati ng pagmumungkahi na kung saan layunin nito na mahikayat ang madla at naimumungkahi ang kanilang mga sarili na bigyang pagkakataon na mahalal o mapili na makapamuno sa kanilang bayan.

10. Alin sa mga sumusunod ang dapat taglayin ng isang mabuting talumpati?

I. ang mananalumpati ay dapat taglayin ng isang mabuting talumpati?
II. Sa pag-akyat sa entablado, ang mananalumpati ay dapat lumakad nang masigla at may tiwala sa sarili
III. Maaring gumamit ng pagkumpas ang mananalumpati upang maihatid sa mga nakikinig ang isang kaisipan o damdamin
IV. Dapat ang mananalumpati ay higit na nakatuon sa talumpati kaysa sa tagapagpakinig

A. I at II lamang
B. III at IV lamang
C. I, II at III
D. I,II,III at IV

Ans: C. I, II at III
- Upang ganap na mabisa ang pagtatalumpati; nararapat na taglayin ng mananalumpati ang mga iniatang na alintuntunin: (1) Ang mananalumpati ay dapat na maging maginoo sa pagtayo; (2) Sa pag-akyat sa entablado, ang mananalumpati ay dapat lumakad nang masigla at may tiwala sa sarili; at (3) Maaaring gumamit ng pagkumpas nang mananalumpati upang maihatid sa mga nakikinig ang isang kaisipan o damdamin.

Samakatuwid ay hindi kabiang ang nasa ikaapat na opsyun sapagkat saliwa ito sa alituntunin ng pagtatalumpati na dapat mas nakatuon sa nakikinig ang mananalumpati kaysa sa kanyang binibigkas na talumpati.

11. Sa pagbuo ng banghay-aralin sa pagsusuring, pampanikan, anong anyo ng pagsusuri ang tumutugon sa layuning makilala ang kasinginan ng paggamit ng mga salitang nakatago ang kahulugan?

A. Pagsusuring panglingwistika
B. Pagsusuri pangnilalaman
C. Pagsusuring pampanitikan
D. Pagsusuring pampagpapahalaga

Ans: A. Pagsusuring panglingwistika
- Ang pagsusuring panglinguistika ay anyo ng pagsusuri na tumutugon sa layuning makilala ang kasiningan ng paggamit ng mga salitang nakatago ang kahulugan.

12. May mga akdang sumasalamin sag a kababaihan ang kanilang buhay, pakikipagsapalaran, karapatan at papel na ginagampanan sa lipunan. Sino sa mga sumusunod na may akda ang kadalasang nagtatampok na may akda ang kadalasang nagtatampok ng ganitong anyo ng akda?

A. Elena Patron
B. Genoveva Edroza-Matute
C. Lualhati Bautista
D.Liwayway Arceo

Ans: C. Lualhati Bautista

- Karaniwang nang masasalim sa mga akda ni ni Lualhati Bautista ang kalagayan ng mga kabataan, ang kanilang karapatan at mithiin ng pagkakapantay-pantay sa lakas at kapangyarihan maging sa mga papel na gampanin sa buhay. Karamihan sa kanyang mga naging katha ay naisapelikula na at kinatampukan ng mga piling sikat na artista tulad ni Vilma Santos. Kabilang ditto ay ang bata, Bata Paano ka Ginawa at Dekada 70.

13. Sa pagtatalakay at pagsusuri ng isnag akda, kadalasa’y napagtututuunan ng pansin ang mga detalye, element at bahagi nito upang itanghal ang pagiging masining at malikhain nito. Anong pagdulog sa panunuring pampanitikan ang napapaloob ditto?

A. Moralistiko
B. Istaylistik
C. Pormalistiko
D. Bayograpikal

Ans: C. Pormalistiko
- Ang pagdulog na pormalistiko ay ginagamit sa panunuring pampanitikan na kung saa ang pinagtutuunan ng pansin sa akdang pinag-aaralan ay mga elementong bumubuo dito. Ito ay nakasalig s paniniwalang mas medaling maipapaliwanag ang kabuuan ng mga akda kung ang mga elementong taglay  lamang nito ang higit na pag-uukulan ng pansin kaya inihiwalay ang akda sa buhay o pangyayaring kinasasangkapan ng may akda, pang kasaysayan man o panlipunan.

14. Basahin at unawain ang sumusunod na tanong ng guro sa pagsusuri ng isang akda.

Ang mga tagpo sa kwento ay nagpapakita ng takot, pangamba at pagkabigo ng ng tauhan. May paraan pa kaya upang angmga ito’y mapagtagumapayan?

Anong dulog sa panunuring pampaitikan ang ipinamalas sa nabangit na tanong?

A. Sosyolohikal
B. Sikolohikal
C. Moralistiko
D. Istaylistik

Ans: B. Sikolohikal
- Tinatalakay sa mga akda ang mga damdaming namamayani sa mga tauhan gaya ng pagmamahal, paghanga, pagdakia, gayundin ang negatibong damdamin tulad pangamba, takot, galit pagkabigo at ibapa. Ayon kay Freud mahalagang masuri ang mga emosyon at Makita ang tunay na katauhan ng indibidwal.

15. Sa panunuring moralistiko anong tanong ang pinakaepektibong gamitin upang magsilbing gabay-lunsaran para sa isang malayang talakayan?

A. Ano ang depinisyon ng pag-ibig sayo?
B. Makatwiran bang isakdal ng isang anak ang kanyang ina dahil sa nagawa nitong kasalanan
C. Anong uri ng pagamamahal ang maari mong ialay sa iyong mga magulang
D. Paano mo masasabing mahal mo ang isang tao>

Ans: B. Makatwiran bang isakdal ng isang anak ang kanyang ina dahil sa nagawa nitong kasalanan
- Upang maging makabuluhan ang isang malayang talakayan gamit ang isang akdang susuriin gamit ang pagdulog moralistiko, isang halimbawa ng lunsarang tanong ang nabangit sa opsyon B (Makatuwiran bang isakdal ng isang anak ang kanyang ina dahil sa nagawa nitong kasalanan?)

16. Sa akdang “Kwento ni Mabuti” na isang tanyag na akda sa gintong panahon na iniulan ni Genoveva Edroza-Matute ay sumasailalim sa bayograpikal na konteksto ng may-akda. Kung gayon, ang may akda ay isang ________________.

A. mag-aaral
B. guro
C. punungguro
D. magulang

Ans: B. guro
- Ang kwento ni Mabuti ay tungkol sa kalagayan na madalas masakihan ng guro na sumasalamin sa buhay nang may akda sapagkat si Gng Genoveva Edroza-Matute ay isang guro ng madalas nakakasaksi sa iba’t ibang pangyayari sa paaralan sa kanyang panahon.

17. Bilang panunuring historical ang “Mabangis na Lunsod” ni Efren Abueg ay sumasailalim sa isang lugar na ayon sa may-akda ay mga tagpong madalas niyang masaksihan sa tuwing siya ay mapapadaansa naturang lugar sa kanyang pag-uwi mula sa skwela. Ang kanyang tinutukoy na mabangis na lungsod ayon sa kwento ay _________________ .

A. Avenida
B. Quiapo
C. Mabini
D. Tondo

Ans: B. Quiapo
- Ang mabangis na lungsod ay isang kwento ng isang batang lansangan na madalas ay inaapi, inaalipusta at minamaliit ng isang mas nakatatandang taga-kalye na kung saan sa dakong huli ay namulat, bumangon at lumaban dala ng bigat  ng pasanin pasakit at pagdurusang sinapit sa araw-araw . ipinakit niya na kalianman ay di sya paaapi. Ito’y isang kwento halaw sa araw-araw na nasasaktan ni G. Efren Abueg na sumulat nito sa tuwing napapadaan siya sa naturang lugar na tinatawag niyang mabangis na lungsod. At ito ay ang Quiapo sa Maynila.

18. Sa anyong panunuring bayograpikal, matatalos sa kabuuang mga saknong ng Florante at Laura ni Balagats ang napapaloob na kanyang apat na himagsik. Anu-ano ang mga ito?

1. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan
2. Himagsik labanasa hidwang pananampalataya
3. Himagsik laban sa maling kaugalian
4. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan

A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang 3 at 4 lamang
C. Tambilang 1,2 at 3
D. Tambilang 1,2,3 at 4

Ans: D. Tambilang 1,2,3 at 4
- Ang lahat ng nabanggit ay mga himagsik ni Balagas sa lipunan sa kanyang sariling kapalaran pagibig at panitikan.

19. Ito ay isang mabisang estilong ginagamit sa paglikha ng maikling kwento na kung saan sinisumulan ito sa pamamagitn ng paglalahad ng may akda ng isipan at damdamin ng isang tauhan na siyang nagsasalaysay.

A. Dayalogo
B. Baliktanaw
C. Daloy ng kamalayan
D. Pagsunod-sunod ng taagpo

Ans: C. Daloy ng kamalayan
- Ang saloy ng kamalayan ay isang pamamaraan o istilong ginagamit sa pagsusulat ng maikling kwento na kung saan ay pinapaunald ang salaysay sa pamamagitan ng paglalahad ng may akda. Ang isipan at damdamin ay naaalinsunod sa damdaming at isipan ng isang tauhan lamang. Lumilitaw na ang mga pangyayari ay isinasalaysay sa pamamagitan ng unang tauhan. 

20. Ang kwentong “Suyuan sa Tubigan”Macario Pineda ay maituturing na isang halimbawa ng ________________ .


A. kwentong pangkatauhan
B. kwentong pangkatutbong kulay
C. kwento makabanghay
D. kwentong pangkaisipan

Ans: B. kwentong pangkatutbong kulay

-Ang kwentong pangkatutubong kulay ay isang uri ng mailking kwento na kung saan ay binibigyang –din ang tagpuan at kapaligiran pinangyarihan ng kwento. Kaugnay din dito ang mga kaugalian, paniniwala at uri ng pamumuhay ng tauhan at hanapbuhay sa pook na pinangyarihan ng salaysay.

To download this reviewer, just click here. Good luck and God bless!

No comments:

Post a Comment

Related Posts