Latest Filipino Reviewer 7 - LET EXAM - Questions & Answers

Welcome to LET Exam Questions and Answers!!!

Latest Filipino Reviewer 7


1. Bahagi ng kwento na nagdudulot ng pananabik sa mambabasa ang bawat tagpo sa kwento at dito nababatid ang katayuan ng tauhan hinggil sa kanyang pagkabigo o tagumpay.

A. Tunggalian
B. Kakintalan
C. Kalakasan
D. Kasukulan

Ans: D. Kasukulan
- Ang kasukdulan ay bahagi ng kwento na nagdudulot ng pananabik sa mambabasa ang bawat tunggalian sa kwento sa bahaging ito, unti-unting naaalis o nakakalas ang sagabal tungo sa kalutasan ng suliranin o tunggalian. Dito rin nababatid ang katayuan ng tauhan kung siya’y bigo o tagumpay.

2. Alins amga sumusunod ang maituturing na salik maikling kwento?

A. Kabanghayan, kakintalan, kapanahunan
B. Kaganyakan, kakayahan, kaliwanagan
C. Kakanyahan, kalaliman, kalikhaan
D. Kaiuturan, kahimigan, kabanghayan

Ans: A. Kabanghayan, kakintalan, kapanahunan
-  May mga salik ang maikling kwento na kinabibilangan ng: (1) kabanghayan; (2) kakintalan (3) kapanahunan ; (4) kaganyakan; (5) (6) kalikhaan at (7) kahimigan.

3. Ibigay ang interpretasyon ng dayagram sa ibaba hinggil sa pagkaugnay ng dalawang konseptong panitikan.


A. ang maikling kwento ay pinakulay na nobela
B. Ang maikling kwento ay pinaikling nobela
C. Ang maikling kwento ay pinaikling nobela
D. ang maikling kwento ay pinalalim na nobela

Ans: B. Ang maikling kwento ay pinaikling nobela
- Sinasabing ang maikling kwento ay pinaikling novella (Lacsamana 2003). Sa katunayan, itinuturing na ng kwento ay nagiging nobella kapaf pinahaba ito.

4. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng maikling kwento?

I. Isang madula at di malilimutang bahagi ng buhay ang paksa nito
II. May isang pangunahing tauhan na may masalimot na suliranin at gampanin
III. Nakatuon ito sa mahahalagang tagpo
IV. May tiyak na paksa at limitadong konsepto

A. I at II lamang
B. III t IV lamang
C. I,II at III
D. I,II,III at IV


Ans: C. I,II at III
- Sa kabuuan mayroong limang mahahalagang katangian ang kwento. At ito ay an mga sumusunod: (1) isang madula at di malilimutang bahagi  ng buhay ang paksa nit; (2) May isang  pangunahing tauhan na may masalimuot na suliranin at gampanin; (3) Nakatuon ito sa mahahalagang tagpo; (4) isang kawing na magkakaugnay na pangyayari sa sumisidhi hanggang sa kasukdulan nito. At (5) iisa ang nangingibabaw na kakintalan. Sama katuwid hindi kabilang sa nasasabing katangian ng maikling kwento ang tiyak na paksa at limitadong konsepto sapagkat ang genreng ito ay hindi nalilithanang ang konsepto at maari –ring kawil-kawil na paksaang lumutang dito bilang pagbibigay daan sa taglay na kulay at kasiningan ng mga akda hinggil dito.

5. Basahin at ianalisa ang sumusunod na tafpong halaw sa isang kwento. Tukuyin ang pamagat ng kwento kung san ito hinango.


Tinapakan ng batang babae ang kupi at kalawanging lata ng gatas. Nanggigipapal sa alabok ang kanyang paa’t binti. Kaypala’y may mga pitong  taong gulang lamang siya.

Hinawi ng bata ang ilang hibla ng tuwid di malagong buhok na lumaylay sa kaniyang mukhang nangingintab sa pawis. Bahagya siyang yumuko. Nagpalinga-linga. Paikot na sinuyod ng tanaw ang kabuuan ng makipot na bakuran. Malilikot ang bilugan at maiitim niyang mata.

A. Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg
B. Di Maabot ng kawalang Malay ni Edgardo Reyes
C. Paglalayag sa pusod ng isang bata ni Genoveva Edroza-Matute
D. May isang munting pangarap ni Gervacio Santiago

Ans: B. Di Maabot ng kawalang Malay ni Edgardo Reyes
- Ang naturang bahagi ng kwento ay halaw sa akdang ‘Di maabot ng Kawalang Malay” ni Edgardo Reyes.

6. Ito ay kwentong naglalahad ng mga di kanais-nais na kalakaran sa loob ng klasrum na kung saan binibigyang diin ang iba’t ibang katangian ng guro, katayuan ng mga mag-aaral maging ang mga kapuna-punang Gawain.

A. Ang kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute
B. Ganti ni liwayway Arceo
C. Dugo at Utak ni Cornelio Reyes
D. Utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

Ans: D. Utos ng hari ni Jun Cruz Reyes
- Ang :Utos ng Hari” ni Jun Cruz Reyes ay kwentong naglalahad ng mga di kanais-nais na kalakaran sa loob ng klasrum na kung saan binibigyang diin ang iba’t ibang katangian ng guro, katayuan ng mag-aaral maging ang mga kapuna-punang Gawain.

7.Hanapin ang kapares ng sumusunod na salita

Makata ng Manggagawa: Amado V. Hernandez  ; Makata ng pag-ibig: _____________

A. Pedro Collantes
B. Jose Corazon De Jesus
C. Francisco Balagtas
D. Jose Dela Cruz

Ans: B. Jose Corazon De Jesus
- Si Jose Corazon De Jesus ay tinaguriang makata ng pagibig dahil ito ang kadalasan nagiging tema ng kanyang mga  likhang-tula.

“Basahin ang saknong na halaw sa tulang “Ag Guryon” ni Ildefonso Santos at pagkatapos ay sasagutin ang mga kasunod na tanong”.

Ang buhay ng guryon, marupok, malikot
Dagiti’t dumagit saan man magsuot
O paliparan mo’t ihalik sa Diyos
Bago tuluyang sa lupa ay sumusubsob

8. Ilang sukat mayroon ang naturang saknong ng tula?

A. Wawaluhin
B. Lalabingdalawahin
C. Lalabing-nimin
D. Labing-apatin

Ans:   B. Lalabingdalawahin
- Ang sukat ay isang elemento ng tula na tumutukoy sa bilang pantig sa bawat liya o taludtud. Ito ay maaaring wawaluhin, lalabindalawa, lalabing-animin atbp. Upang malaman ito, ay binibilang ang pantig  sa bawat linya o taludtud. Ito ay binibigyan ang pantig, maaring magkaltas, magdaglat o magdagdag ng salita, ilang ingklitik, pantukoy, pangatnig o ilang salitailang ingklit, pantukoy, pangatnig o ilang salita.

9. Ang sumusunod ay pamaraang ginamit ng makata upang magtaglay ng kariktan ang tula maliban sa isa.

A. Paggamit ng piling salita at imahen na nakapupukaw ng imahinasyon ng mambabasa
B. Paggamit ng mga simbolo at tayutay
C. Paggamit ng anaphora at katapora
D. Pagpatingkad ng  karanasang malimit na hindi pinahahalagahan

Ans: C. Paggamit ng anaphora at katapora
- May mga pamaraang ginagamit angmakata upang magtaglay ng kariktan ang tula tulad: (1) paggamit ng piling piling salita at imahen na makapupukaw ng imahenasyon ng mambabasa;(2) paggamit ng mga simbolo at tayutay; at (3) pagpapatingkad sa karansang malimit na hindi pinahahalagahn. Samakatuwid, hindi kabilang dito ang hinggil sa paggamit ng anaphora at katapora bilang literary devices sa paglikha ng tulad.

10. Anong diwa ang napapaloob sa nabanggit na tula?

A. Sa pagkakataong malayom magakamali at mapariwara ang  isang anak nawa’y matutong mag-isipat mag nilay bago pa tuluyang masawi sa buhay.
B. Ang buhay ay paikot-ikot lamang minsan ika’y nasa ilalim minsan naman ay sa ibabaw.

C. Ang haba naman ng pisi ng pasesensya ng isang tao tulad ng isang guryon napapatid at may hangganan din.
D. Ang taong Malaya ay madalas nakaklimot at nakakawala sa daigidig ng reyalidad.

Ans: A. Sa pagkakataong malayom magakamali at mapariwara ang  isang anak nawa’y matutong mag-isipat mag nilay bago pa tuluyang masawi sa buhay.
- isinasaad sa nabanggit na saknong ng tula na kung sakaling sa mga pagkakataong malayo, magkamali at mapariwara ang isang anak nawa’y matutong mag-isip at mag nilay bago pa tuluyang masawi sa buhay.

11. Anong teoryang pampanitikan ang sinasalamin ng naturang saknong?

A. Imahismo
B. Humanismo
C. Klasisismo
D. Eksistensyalismo

Ans: A. Imahismo
- Ang imahismo (imagism) ay teoryang pampanitikan na nakatuon sa paniniwalang ang pinakmalinaw na pagsulat (ultimate clarity) ay makakamit lamang sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak at eksaktong mga imahen na hindi nagmamalabis.
Ang pangkalahatang prinsipyo ng imahismo sa panitikan ay mga sumunusunod (1) paggamit ng tiyak na angkop na salita (20 pagbibigay-diin o halaga sa malayang taludturan kaysa sa pagpapanatili ng sukat at tugma (3) ang bagong anyo sa panulan ay pagsapol sa bagong ideya; (4) buong kalayaan sa pagpili ng paksa; (5) pagpapakita ng isang buo at kontreto imahen tulad ng isang biswal; (6) bumubuo ng isang tulang konkreto na hindi Malabo; at (7) pagsapol sa larawan ng tunay na kahulugan  ng tula.

12. Basahin at unawain ang saknong na halaw sa tulang “Tinig ng darating “ ni Teo Bayler at tukuyin ang uri nito.

Kahubaran at gutom, isipang salanta
Bigay pananalig at pag-asang giba
Ito ba ang aking manang mapapala
Na labi ng inyong taniman at sumpa?

A. Liriko
B. Dramatiko
C. Pasalaysay
D. Epiko

Ans: A. Liriko
- Ang tulang  :Tinig ng Darating” ni Teo Baylen ay isang tulang liriko o dalityapi ma isang uri ng tula na nagpapahayag lamang ng anumang damdamin o diwang nais ibabagi ng makata. Ang pagpapahayag lamang ng anumang damdamin o diwang nais ibahagi ng makata. Ang pagpahayag ng damdamin ay kinakailangan maging masidhi (intense) at maikli subalit hitik sa mga kaisipan (brevity).

13. Ito ay isang uri ng tulang liriko na isinulat sa isang saknong na may labing-apat na taludtud na hinggil sa damdamin at kaisipan.

A. Haiku
B. Tanaga
C. Soneto
D. Parsa

Ans: C. Soneto
- Ang soneto ay isang uri ng tulang liriko na isinulat sa isang saknong na may labing apat (14) na ttaludtud na hinggil sa damdamin at kaisipan at may taglay na matinding kasiksik ng nilalaman. Karaniwang ang unang walong taludtud ay nagpapahayg ng isang pangyayaring nagwawakas sa isang malubhang suliranin o pagatataka sa malalim na kahulugan  ng buhay at kalikasan.

Ang buhay at kamatayan ay nagsasaad ng katuturan at kahalagahan saw along taludtud ang pangunahing taludturan ang pumapawi sa isinasaasd ng sinundang taludtud. Sa kabuuan ang soneto ay may hated na aral sa mambabasa mula sa isang malinaw na kabatiran sa likas pagkatao.

14. Ipaliwanag ang sumusunod na pahiwatig na halaw sa Kabanata 2 ng El Filibusterismo “Ang tubig ay magiging singaw kapag ito ay inapuyan.”

A. Ang tubig ay mahalaga kaya’t huwag iaksaya.
B. Ang tubig at apoy ay lagging magkaugany ngunit nagkakabanggaan din naman kung magkaminsan
C. Ang matalik na kaibigan ay maari ring maging matinding magkaaway sa paglipas ng araw
D. Ang tao ay natututong lumaban kapag inaabuso na ang karapatan

Ans: D. Ang tao ay natututong lumaban kapag inaabuso na ang karapatan
- Sa ibinigay na mahahalagang pahiwatig na halaw sa naturang kabanata ng obra maetra El Filibusterismo ang tubig ay sumisimbolo sa mga Pilipino samamntala ang singaw ay kanilang kinitil na damdaming makabayan at karapatang panlipunan na maaring maibulalas at maipahayag pagdating ng takdang panahon pasa pamamagitan ang ng isang malawakang digmaam kapag sila ay nilapastangan at tinanggalan ng karapatan na sinasagisag naman ng appoy.

15. Ibigay ang napapaloob na pagpapahalaga sa sumusunod na kaisipang nakalahad sa ibaba.
“Ang pagbabao ng lahi ay hindi pagwawa sak kundi pagbubuo pagliha , pagpapabunga pagpapaunlad pagbibigay buhay,”

A.  Pag-ibig ang kalutasan sa lahat na bagay sa mahimong paraan.
B. Ang pagbabago ay nagsimula sa bawat indibidwal
C.Ang bago henerasyon ay nagmula sa binuo, nilikha at pinaunad na lipunang ginagalawan.
D. Ang buhay ay nakasalalay  sa pagbbuo paglikha pagpapabunga at pagpapaunlad

Ans: A.  Pag-ibig ang kalutasan sa lahat na bagay sa mahimong paraan.
- Ibig iparating ng naturang kaispian na sa anumang suliranin ay hindi dahasang kailangan kundi mahinahong paraan sa pagtataamo ng kalagayan at tagumpay sa laban.

16. Ayon sa El filibusterismo, si, Simoun ay tinawag na Cardinal Moreno dahil ______________________.

A. malapit siya sa mga kaparian
B. dating konektado siya sa simbahan
C. sa kanya pagbabalkayo at pagbihis anyo
D. siya ay makapangyarihan at may kaitiman ang kulay

Ans: D. siya ay makapangyarihan at may kaitiman ang kulay
- Kung babasahin ang kabanata ng Obra maestrang El Filibusterismo, binanggit na si Simoun ay tinawag na Cardinal Moreno sa kanyang panahon na ang ibig sabihin ay makapangyarihan (carindal) at may kaitim ang kulay (Moreno).

17. Sa pagwawakas ng obrang Florente at Laura, nagkaroon katahimikan at sa kaharian ng Albanya sa pamumuno ni Florente at sa Persya naman sa Aladin. Ano ang ipinahihiwatig nito?

A. May kanya-kanyang natakdang kaparalan ang bawat nilalang
B. Ang relhiyon ay hindi hadang sa pagtatamo ng kapayapaan kung may ganap na pagkakaunawan lamang
C. Kailangan ng bawat bayan ang isng masigasig at matatapang  na pinuno
D. Ang Albanya ay Persy ay may kani-kaniyang adhikaig dapat isulong

Ans: B. Ang relhiyon ay hindi hadang sa pagtatamo ng kapayapaan kung may ganap na pagkakaunawan lamang

- Ang kabuuan ng Florente at Laura ay kinaapapalooban ng maraming gintong kaisipan At isa rito ay ang pagakakaisa ng magkaibang relihiyon tungio sa iisang mithiing pangkayapaan. Magkakaiba man ng relihiyon at paniniwala ay ipinapakita ay pa rin ang pagmamalasakitan sa panahon ng kagipitan at pangangailangan.


18. Ayon sa saknong 180 ng Florante at Laura, saan hango ang pangalan ni Florente na sumasailalim sa buhay a pighati nito?

A. Bulaklak
B. Lumuha
C. Tagapagtanggol
D. Pag-ibig

Ans: B. Lumuha
- Ayon sa kasaysayan ng akda. Ang florante ay hango sa kastilang salitang plorar na nangnangahulugan lumuha o umiiyak batay sa nilalaman ng saknong 180. Kaya naman sa kabuuan ng mga saknong madalas si florante ay umiiyak o lumuluha pagdating ng mga unos sa kanyang buhay.

19. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari ayon sa pinakatampok na kasukdulan ng naturang obra maestro.
1. inilapat ni Aladin si Florante sa isng malapd at malinis na bato
2. Nakaramdam ng awa at kunis s Aladin sa tuwing nagigising si Florante na naghihinagpis.
3. Nahikayat tumikim ng baon ng gerero si Florante kaya Bumuti ang kalagayan
4. Nais malaman ni aladin kay florante ang kanyang paghihirap
5. Niyakap ni Aladin si Florante nag ito ay magaling na.

A. 1-2-4-3-5
B. 1-4-5-2-3
C. 1-3-4-2-5
D. 1-2-3-4-5

Ans:  A. 1-2-4-3-5
- Ang tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa isang piling saknong ng akdang Florante at Laura ay; (1) Inilapat ni A;adin si Florante sa isang malapad at malinis na bato; (2) Nakaramdam ng awa at lunos si Aladin sa tuwing nagigising si florante na naghihinagpis; (3) Nais malama ni Aladin kay Florante kaya bumuti ang kalagayan; at (5) niyakap ni Aladin si Florante nang ito ay magaling na.

20. Ang mga sumusunod ay dahian kung bakit isinulat ni Balagtas abg Florante at Laura maliban sa isa.,

A. Dahil sa sakit ng pus nang mabalitaang ang kanyang pinakamahal ay ikakasal sa iba
B. Dahil sa malakas na kapangyarihan at impluwensya ng simabahan na lumasonsa isipan ng mga Pilipino
C. Dahil sa pagsensora sa mga panitikang Pilipino
D. Dahil sa hinanakit niya sakanyang mgamagulang at hinagpis sa buhay

Ans: D. Dahil sa hinanakit niya sakanyang mgamagulang at hinagpis sa buhay
- Ang lahat ng nabangit sa opsyon ay mga dahilan sa likod ng pagsulat ng akdang Florante at Laura maliban sa opsyon #4 (dahil sa hinanakit niya sa kanyang  mga magulang at hinagpis sa buhay ) na walang kaugnay o kinalaman sa tangkang pagkatha sa nasabing obra maestro.

To download this reviewer, just click here. Good luck and God bless!

No comments:

Post a Comment

Related Posts