Latest Filipino Reviewer 5 - LET EXAM - Questions & Answers

Welcome to LET Exam Questions and Answers!!!

Latest Filipino Reviewer 5


1. Ayon sa akdang “Tumanggap Ako ng mga bulaklak sa Araw na ito”, anong araw huling tumanggap ng mga bulaklak ang tauhang nagsasalaysay sa tula?

A. Kaarawan
B. Anibersaryo
C. Libing
D. Araw ng mga Ina

Ans: C. Libing
- Binanggit sa tula na ang araw ng pagtanggap ng bulaklak ng pangunahing tauhan ay sa kanyang libing. Ang naturang diwa ay sinusuportahan ng ilang tulod ng tula.

Sadyang espesyal ang araw na ito para sa akin
Ito ang aking libing
Kagabi napatay niya ako.
Binugboig niya ako hanggang ako’y malaguan ng hininga
Kung magkakaroon lamang ako ng tapanag at lakas ng loob na iwan siya.

2. Samakatuwid ang akdang “Tumanggap ako ng mga Bulaklak sa Araw na ito” ay isang ____________.

A. Komedya
B. Trahedya
C. Romansa
D. Parsa

Ans: B. Trahedya
- Ang trahedy ay isang anyo ng akdang pampanitikan ng kung saan kadalasa’y nagwawakas sa pagkasawi ng pangunahing tauhan.

3. Ayon sa kwentong “Ang Inang Anak” ni Thu Van ng Vietnam, ano ang ibig sabihin ng kamatayang “bat doc ky tu”?

A. Kamatayang parusa ng kasalanan
B. Pagtatakda ng kamatayan ayon guhit ng kapalaran
C. Paglilibot ng kaluluwa ng mga namamtay sa akdisdente hanggang sa araw ng talaga nilang kamatayan
D. Kamatayang biglaan at di napaghandaan

Ans: C. Paglilibot ng kaluluwa ng mga namamtay sa akdisdente hanggang sa araw ng talaga nilang kamatayan
- Nakalimbag s ialng bahagi ng kwento “Patay na ang anak ko pero hinid maaaring bumalik ang kanyang kaluluwa sa ibang ipinanganak. Hindi ba dapat tapos ang buhay niya? Alam mo ioyng tungkol sa mga kamatayang “bat doc ky to” o yaong naglilibot ang kaluluwa ng mga namatay sa akdisedente hanggang sa araw ng talaga nilang kamatyan.

Ang mga linyang ito ang nabanggit ng Tuahan si BA na halos pagpanawan na ng katinuan ng pag-iisip nang masawi ang asawa at anak na dulot ng digmaan.

4. Kung susuriin an kwentong Asyano na “Mga Magnanakaw” ni Yanti Soebiakto, ito ay nagpapamalas ng anong teoryang pampanitikan?

A. Sikolohikal
B. Sosyolohikal
C. Markismo
D. Dekontruksyon


Ans: B. Sosyolohikal
- Ang pananaw sosyolohikal ay nabibigay diin sa mga saloobin ng mga karakter na hinubog ng mga pangyayari kaya’t ang akda ay hindi nagmumula sa kawalan. Tulad ng mga binanggit sa akda, ito ay sinusuri sa konteksto ng iba’t ibang insitusyon sa lipunan at kaugnayan nito sa indibidwal. May taglay ding kaisipang inihahatid sa mambabasa ng naglalarawan sa pilosopiyang taglay ding kaisipan inihahatid sa mambabasa na naglalarawan sa pilosopiyang taglay n gmay-akda na tumutugon sa tungkulin imulat ang lipunan sa mga sa mga katotohanan at kaligirang panlipunan. Samakatuwid, pinahahalagan din ng pananaw na ito na ang lipunan ay kailangan tumutugon sa mga sitwasyon o kalagayang inihihingi ng pagbabago upang maingat ang tao.

5. Ilarawan ang kwentong Asyano “Ang ikatlong Baytang” ni Shanon Ahmad.

A. Ito ay tungkol sa yugto ng pagsilang
B. Ito ay tungkol sa yugto ng kamatayang
C. Ito ay tungkol sa yugto ng buhay
D. Ito ay tungkol sa yugto ng tagumpay

Ans: B. Ito ay tungkol sa yugto ng kamatayang
- Ang kwentong Asyano na “Ang ikatlong Baytang” ni Shanon Ahmad ay tungkol sa mga dapat tandaan at ilang paghahanda para sa pagtunong sa baytang ng pangalawang buhay pagkatapos ng kamatayan.

6. Itinuro ni Titser ang wika gamit ang pamamaraang na kung saan inilalahad niya sa mga mag-aaral ang proseso ng paggawa ng mungkahing pangkalakal pagkatapos ay nagtanong siya ng tungkol dito. Ibigay ang layunin ng guro.

A. Nahihinuha ang paksa ng usapan
B. Natutukoy ang mahahalagang kasipan at pagtatanggal ng mga di-mahalaga
C. Nakakalap ang mahahalagang impormasyonsa pamamagitan ng pagtatala
D. Nahihinuiha sa mga pahiwatag na impormasyon ang intension at saloobin ng tagapagsalita

Ans: C. Nakakalap ang mahahalagang impormasyonsa pamamagitan ng pagtatala
- Ang layunin ng guro as gawaing ito hinggil sa pakikinig ay ang pagkalap ng impormasyon at wastong pagtatala upang sa dakong huli ay matamo ang sagot sa mga itinakdang tanong.

7. Si Jose ay masusing inaanalisa ang mga impormasyon napakinggan batay sa mga ebidesya o patunay. Kung gayon, taglay ng naturang mag-aaral ang ____________ .

A. marginal o passive na pakikinig
B. masigasig na pakikinig
C. mapanuring pakikinig
D. maglugod na pakikinig

Ans: C. mapanuring pakikinig
- Ang masining na pakikinag ay kasanayang pakikinig ay ang unti-unting pagbuo ng kahulugan o building blocks sa p pamamagitan ng pag-unawa sa lahat ng datos linggwistikan.

8. Kapag ang mag-aaral ay may laton sa pakikinig na mahango ang kahulugan ng mensahe sa pamamagitan ng pag-unawa sa lahat ng datos panglingwistika, maituturing na siya ay gumagamit ng prosesong ___________.

A. top down
B. bottom-up
C. aktibong pakikinig
D. pagdinig vs. pakikinig

Ans: B. bottom-up
- Ang prosesong bottom-up sa kasanyang pakikinig ay ang unti-uniting pagbuo ng kahulugan o building blocks sa pamagitan ng pag-unawa sa lahat ng datos linggwistika.

9. Basahin at unawain ang sumusunod na dayalogo na ginawang  lunsarang ng guro sa pagtuturo ng wika.


Maria:   Kumusta na mare, anon a balita sa iyo?
Josephine: Heto mare, Ok naman medyo sinuwerte lang sa Japan. Ikaw balita ko asensado ka na din daw?

Maria: Hindi naman masyado marepinalad lang sa negosyo, alam mo na konting sakripisyo, sikap at uwido

Josephine:Talaga? Kung gayon, masayang-masaya ako para sa iyo, mare


Anong dulog sa pagtuturo ng pakikinig ang kapuna-puna sa nabanggit na usapan?

A. Pagkukumpol
B. Pag-uulit
C. Pinaikling anyo
D. Interaksyon

Ans: B. Pag-uulit
- Kapuna-punang gumamit ang guro ng isang dayalogo na nagtataglay ng mga inulit-ulit na salitang “mare” upang mapalutang ang diwa ng usapang ginagamit bilang lunsaran.

10. Ang mga sumusunod ay talaan ng mga patnubay o simulating nakatutulong sa mabisang pagtuturo ng pakikinig maliban sa isa sa. Ano ito?

A. Maglaan ng mga tunog o set ng Gawain na ngkoop sa kakayahan ng mga mag-aaral
B. Tiyakin lubos na nauunawaan ng mga mga mag-aaral ang kanilang gagawin bago ito sisimulan
C. Bigyan ng sapat n panahon ang mga mag-aaral na basain ang mga tanong nila sa pakinggan ang mga mag-aaral na basahin ang mga tanong bago nila pakinggan ang awdyo-materyal na angkop para dito.
D. Maaring iparinig sa klase ang isang awdyo-materyal nang hindi pa paunang pakinggan ng guro.

Ans: D. Maaring iparinig sa klase ang isang awdyo-materyal nang hindi pa paunang pakinggan ng guro.
-  Ang opsyong ito ay nagtataglay ng negatibong gawain ng guro na hindi makakatulong sa pagtatamo ng epektibong pagtuturo ng pakikinig.

11. Sa pagtuturo ng isang kwentong napakinggan mula sa isinateyp na material, ano ang maituturing na pinakamabisang estratehiya?

A. Pagguhit sa mga tauhan o tagpuan ng kwento
B. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari batay sa kwentong napakinggan
C. Pagsasadula ng mga pangyayaring mula sa kwentong napakinggan gamit ang sariling likhang dayalog sa kaligiran pang-araw na buhay
D. Pagsusuri sa kwento gamit ang mga cohesive devices

Ans: C. Pagsasadula ng mga pangyayaring mula sa kwentong napakinggan gamit ang sariling likhang dayalog sa kaligiran pang-araw na buhay
- Maituturing na ang pagsasadula ng mga tagpo sa isang kwento ang pinakamataas anyo ng pagmamalas ng pagtutong pangwika mula sa mga nabanggit na pamamaraan sapagkat nagtataglay ito ng aktibo at interaktibong pakikilahok ng mga sariling dayalogo batay sa aktwal na pang-araw araw na kaganapan.

12. Sa pagpaplano ng isang aralin alin sa mga sumusunod ang mabisang gamitin estratehiya bago making?

I. Pagpukaw sa kawilihan ayon sa tekstong napakinggan
II. Pagtukoy  sa ilang dating kaalaman o impormasyon na makakatulong sa pag-unawa ng tekstong pakikingan
III. Pagsasagot sa mga tanong hinggil sa mensaheng napakinggan
IV. Paghawan ng sagabal na talasalitaan na maaring madaanan sa pagtunghay sa pakikinig

A. I at II lamang
B. II at III lamang
C. I, II at IV
D. I,II,III at IV

Ans: C. I, II at IV
- Ang ng nabanggit ay mga mabisang gamiting estratehiya sa pagsisimula ng pagtuturo ng pakikinig maliban sa tambilang III na kung saan ito ay maaring gawin pagkatapos ng pakikinig.

13. Kung nais ng isang guro ng gumamit ng linya ng awitin bilang lunsaran sa pagkatuto ng pakikinig ano ang maituturing na pinakamataas na antas na Gawain?

A. Ipamalas ang awit na may mga pinalitang linyo nito sa saliw ng likhang musika at indak ng katawan upang mapalutang ang diwa nito
B. Paggamit ng imahenasyon sa pagguhit ng mensahe ng awit
C. Pagbuo ng isang poster o islogan ng halaw sa awit
D. Pagsusuri at pagpapaliwanag ng naturang awit sa anyong debate o talumpati

Ans: A. Ipamalas ang awit na may mga pinalitang linyo nito sa saliw ng likhang musika at indak ng katawan upang mapalutang ang diwa nito
- Maituturing na ang opsyong ito ay nagpapakita ng aktibong pakikilahok ng mag-aaral at malikhain pagbuo ng konsepto at pagmamalas ng kanilang kakayahan, interes, kawilihan, saloobin at damdamin.

14. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabilis, daglian at payak na pagkilatis at pagtataya ng kasanayang pagsasalita?

A. Pagbigkas ng isang dagliang talumpati
B. Madamdaming pagbigkas ng isang tual
C. Aktibong pakikilahok sa talakayan
D. Pagganap sa isang tauhan ng dula-dulaan

Ans: C. Aktibong pakikilahok sa talakayan
- Maituturing na pinakamabilis daglian at payak ng pagatataya ng kasanayang ng mag-impormasyon o mensahe. At sa mga nabanggit na opsyon, tanging ang pagsasagawa ng balitaan ang maituturing na gawaing kaugnay sa teoryang ito.

15. Si titser Abby ay nagbigay ng gawaing pananaliksik sa mga naatasang mag-aaral hingil sa mga napiling paksa at na kanilang iuulat sa susunod na pagkikita. Ang naturang Gawain ay nagtataglay ng anong tungkulin ng wika?

A. Transaksyunal
B. Interaksyunal
C. Interpersonal
D. Reperensyal

Ans: A. Transaksyunal
-Ang tungkuling transaksyunal ng isang wika ay nakatuon sa paghahatid ng impormasyon o mensahe. At sa mga nabanggit na opsyun, tanging ang pagsasagawa ng balitaan ang maituturing na gawaing kaugnay sa teoryang ito.

16. Alin sa mga sumusunod na gawaing pangklasrum ang nagtataglay ng tungkuling transaksyunal sa pagsasalita?

A. Pagsasagawa ng balitaan
B. Pagpapamalas ng isang dayalog para sa dula-dulaan
C. Pagdaraos ng isang pagtatalo hinggil sa napapanahong isyu
D. Pagbabahaginan ng pananaw sa isang forum

Ans: A. Pagsasagawa ng balitaan
- Ang tungkulin transaksyunal ng isang wika ay nakatuon sa pagahahatid ng impormasyon o mensahe. At sa mga nabanggit na opsyun, tanging ang pagsasagawa ng balitaan ang maituturing na gawaing kaugnay sa teoryang ito.

17. Ang pagsasalita na kadalasan nagaganap sa klase tulad ng talakayan, paguulat pagtatanong, lektyur at iba pang kaugnay na Gawain ay nagpapakita ng tungkuling.

A. Direktiba
B. Referensyal
C. Imahinatibo
D.Estetiko

Ans: B. Referensyal
- Ang referensyal ay tungkulin malimitsa mga talakayang pangklase at gawaing pang-akademiko.

18. Anong tanong ang maaring buuin ng guro na nailalapat sa sumusunod na layunin may tungkulin interseksyunal? “Naipapahayag ang samdamin o niloob at nakapagbibigay ng sariling saloobin o opinion hinggil sa paksa”

A. Kung bibigyan kayo ng pagkakataong maging pangulo n gating bansa, paano ninyo masolusyunal ang kahiarapan?
B. Anu-aon ang mga pangungusap sa loob ng talata ng tumukoy sa konsepto ng sakripisyo
C. Anong konsepto ang napapaloob sa Kwento ni Mabuti?
D. Ano ang dahilan ng madalas na nararanasan pagbaha sa iba’t ibang panig ng mundo
Ans: A. Kung bibigyan kayo ng pagkakataong maging pangulo n gating bansa, paano ninyo masolusyunal ang kahirapan?
- Ang opsyong ito ay nagsasaad ng pagpapahayag ng sariling saloobin hinggil sa isang napapanahong isyung panlipunan na sadyang nakakapukaw ng interest ng mga mag-aaral.

19. Kung magtuturo ng pagbigkas ng tula sa mga mag-aaral ang istilong pagsasanay o drill, ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng proseso?

1. Pagbibigkas ng guro sa tula
2. Sabayang pagbibigkas ng klase sa tula
3. Pagtawag sa ilang mag-aaral para bigkasin ang tula nang isahan
4. Maliit na pangkatang pagbigkas ng bawat bahagi ng tula

Ans:  C 1-3-4-2
- Higit na maituturing na mabisa ang pagtuturo ng pagbigkas ng tula kung gagamitan ng prosesong pasaklaw na kung saan paunang bibigkasin ng guro ang tula nang wasto bilang modelo o gabay sa mga mag-aaral sumusunod ay isahang pagbigkas ng mga inatasang mag;tapos ay maliit na pangkatang pagbigkas at sa huli ay pangkalahatang pagbigkas ng tula buong klase:

20.Ipinalarawan ng guro sa mga mag-aaral ang mga nakasabit na bola sa kisame na may iba’t ibang kulay at laki. Ang mga mag-aaral ay nagbigay ng iba’t ibang pananaw hinggil ditto. Wika ng isang mag-aaral, “Ang mga bolang iyan ay maihahantulad sa pagkakaiba-iba ng tao, may mayaman at may mahirap; may Malaya at may alipin; may pinagpala at mayroon ding pinagkaitan subalit sa dulo ng lahat ay pare-parehosilang nilalang sa sanlibutan mula sa iisang ng Maylikha bagama’t iba-iba ang sinapupunang pinagmulan at baying kinalalakihan.’

 Ang naturang pahayag ay maituturing na nasa anong antas ng paglalarawan?

A. Kababawan
B. Kalooban
C. Kalaliman
D. Kaibuturan

Ans: D. Kaibuturan
- Kapag ang paglalarawan ng isang konsepto ay naiuugnay sa buhay at pang-araw araw na na kaganapan at kalakaran, ito ay maituturing na kaibuturan o ang pinakamataas na antas paglalawaran.

To download this reviewer, just click here. Good luck and God bless!

No comments:

Post a Comment

Related Posts