Latest Filipino Reviewer 12 - LET EXAM - Questions & Answers

Welcome to LET Exam Questions and Answers!!!

Latest Filipino Reviewer 12


1. Alin sa mg sumusunod ang may tamang transkripsyong morponemiko sa salitang na ang tinutukoy ay gobyerno?

A. /pamahalaan/
B. /pama:halaan/
C. / pamaha:laan/
D. /pa:mahalaan/

Ans: D. /pa:mahalaan/
- Sa morpoponemikong transkripsyon, ang kolon ay isang simbolo na ginagmait sa pagpapakita ng bahagyang pagbagal o paghaba ng bigkas ng pantig ng isang salita na maaring magbadya ng ibayong kahulugan. Tulad ng nakasaad na halimbawa, ang pagbagal o paghaba ay nasa unahang pantig kung ang tinutukoy ay gobyerno.

2. may maga salitang maaraing magpalitan ng ponema ngunit di maapektuhan ang kahulugan ng mga ito. Alin sa mga sumusunod na ponema ang maaring malayang magpalitan.

A. /d-r/
B. /w-y/
C. /o-i/
D. /h-n/

Ans: A. /d-r/
- May mga slaitang maaaring magpalitan ng ilang ponema nang hindi magbabago nag ga kahulugan nito. At isa ng halimbawa dio ay ang ponemang /d-r/ sa mga halimbawang dunong = runong=;dami –rami.

3. Alin sa mga sumusunod na titik abecedario ang nanatili sa ortograpiyang Filipino?

A. ch
B. II
C. ň
D. rr

Ans: C. ň
- Sa evolution ng  alphabetong Filipino, ang ň ang nanatili sa ortograpiyang Filipino mula sa abecedario.

4. Sa salitang PANREGALO, ano ang tawag sa nakakabit sa unahan ng salitang ugat?

A. alopono
B. alomorp
C. ponetik
D. ponemik

Ans: B. alomorp
-Ang alomorp na may pinagsamang allo ((kapara o katulad) at morph (yunit o anyo) ay nangangilangan maaaring magbago ang anyo ng morpema dahil sa impluwensya ng kapaligiran. Halimbawa ay ang PANG na may alomorp na  /pang, pam at pan/ sa mga salitang ugat na angsisimula sa /g,k,h,m,n,w,y/. /p at b/ at /d,l,r,s,t/

5. Ilang ponema mayroon ang salitang galunggung?

A. 1
B. 2
C. 3
D. 4


Ans: B. 2
- Ang salitang galunggong ay binubuo ng dalawng (2) ponemang “g” dalawang  (2) digrap na “ng”

6. Maraming salitang maaring hanguin sa isang salita sa tulong ng mga moperma. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na mopermang dervivasyunal?

A. Kumain
B. Kainin
C. Kinain
D. Kainan

Ans: D. Kainan
- Ang derivasyunal ay isang uri ng moperma na kung saan consistent  o hindi nagbago ang kahuluga ng isang salita kahit pabagu-bago ang panlaping ikinakabit sa salitang ugat. Kaya’t ang mga salitang kumain, kainin at kinain ay pare-parehong ng kahulugan at ito ay ang pagsubo ng pagkaiba upang mabusog; samantala ang kainna ay may taglay na naiibang kahulugan at ito ay tumutukoy sa lugar na pagkakainan na maaaring mesa. Restoran o karenderya.

7. May mga salitang naglilipat ng lugar ng ponema lalo na kung nagsisimula sa /1/ o /y/ at ginigitlapian ng /-in/ laya nagkalalpit ang posisyong ng /1/ at /n/ at nagiging /ni/. Ang pagbabagong ito ay tinatawag na _______________ .

A. pagpalit-ponema
B. reduplikasyon
C. pagkakaltas
D. metatesis

Ans: D. metatesis
- Ang metasis bilang pagababgong morpoponemiko ay paglilipat ng titik sa loob ng isnag salita. Inilarawan ditto pagpapalitan ng posisyon ng ponema. Ang mga salitang –ugat na nagsisimula sa /I/o/y/ na giginigitlaplian ng ?-n/ ay nagkakaroon ng paglilipat ng posisyon ng /n/ at ng /I/o/y/

8. Ang salitang BUKAS, kapag nilagyan ng hulaping /-an/ ay magiging bukasan. Sa anyong morpoponemik, kina-kailangan mawala ang tunog na /a/ sa salitang ugat upang maging katanggap-tanggap.


A. Paglilipat-lipat
B. Pagpapalit-ponema
C. Pag-uulit
D. Pagkakaltas

Ans: D. Pagkakaltas
- Ang pagkaltas ng ponema ay pagbabagong morpoponemiko na nagaganap kung ang huling ponema patimig ng salitang ugat na hinuhulpian ay nawawala . Nagaganap ang pgababagong ito kung ng huling ponemang patingng salitang-uagt ay nawawala sa paghuhulapi dito. Halimbawa ., bukas + /-an/  = bukasan(bukasan) (kinaltas)= buksan.

9. Sa salitang KAKANTA-KANTA ay may nagaganap na paguulit na nasa anyong ____________ .


A. ganap
B. parsyal
C. pinaghalong ganapat at parsyal
D. di maituturing na ganap o parsyal

Ans: C. pinaghalong ganapat at parsyal
- Ang pag-uulit reduplikasyon ay pagbabagong morpoponemiko na pag-uulit ng unag pating ng salitang ugat o buong salitang ugat .Tinatawagna di-ganap o parsyal kung inuulit lamang ang unang pantig, samanatala ang ganap na pag-uulit ay ang pag-uulit ng buong salitang ugat. At kapag inuulit ang uang pantig at ang buong salitang-uagt. At kapag inuulit  ang unag patinig at ang buong salitang ugat, ito ay tinatawag na paghalong ganap at parsyal na pag-uulit tulad ng salitang ugat kakanta-kanta

10. Karaniwan nang pinaiikli o pinag-uugnay ang mga pinagsamang. Salita sa Filipino upang magtaglay ng dulas sa pagkabigkas at pagpapaikli at ng pagpahayag nito. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod maliban sa isa.

A. Banyuhay
B. Kalsada
C. Sikhay
D. Bahaghari

Ans: D. Bahaghari
- May mga salitang pinaiikli o pinaguugnay ang maraming salita upang magtaglay ng dulas sa pagkabigkas at pagpapaikli ng pagpapahayag nito. Ilan sa m ga ito ay ang banyuhay (bagong anyo ng buhay); sikhay (sigla at kulay ng buhay); at klasada (kalye at daan). Samantala ang bahaghari ay isang buong salita bagama’t tunog pinagsamahang magkaibang salitang ugat na ibig sabihin ay “rainbow”

11. Nagpauunlad ang wika sa pamamagitan ng paghango ng iba’tibang anyo ng salita mula sa isang payak na salita kapatid ang naiiba ayon sa pagkakaugnay ng kahulugan nito?

A. Kapatiran
B. Kapatid-patid
C. kinakapatid
D. Magakakapatid

Ans: B. Kapatid-patid
- Ang mga salitang nabuo mula sa salitang ugat na kapatid na nagtataglay ng magkaugnay na kahulugan ay ang kapatiran, kinakapatid at magkakapatid . Samantala, naiiba naman ang kapatid-patid na an ibig sabihin ay  kaputol-putol.

12. Alin sa mga sumusunod napatinig ang binibigkas kung ang harap na bahagi ng dia ay nasa posisyong mataas?

A. a
B. e
C. i
D. o

Ans: C. i
- Ang mga patinig ay nabuo s pagporma at pagtukoy sa  kung saan anong bahag ng dila ang gumagana at ang posisyon nit bilang bahagi s apagbigkas. (A – gitna: mababa   E –harap : gitna; I-harap :mataas; O – Likod : gitna at U-likod  mataas)

13. Alin sa mga sumusunod na simblong ginagamit sa transkripsyong ponetiko?

A. /h/ o glottal palusot
B. bracket
C. // o virgules
D. / : / o diin

Ans: C. // o virgules
- Ang simbolong virgules ay ginagamit upang ikulong ang mga salitang nasa anyong transkripsyong ponemiko.

14. Ang mga sumusunod ay salik na kaibigan ng tao upang makapagsalita.

I. Pinaggagalingan ng lakas
II. Artikulador
III. Resonador
IV. Tunog

A. I,I a III
B. I, III at IV
C. II,III at IV
D. I, II,III at IV

Ans: A. I,I a III
- Ang mga sumusunod ay salik na kailangan ng tao upang makapagsalita. Ang mga ito ay ang  pinaggagaligan nag lakas, resonador at artikulador.

15. Kapag ang salita sa isang dayalekto ay nagbibigay ng ibang kahulugan sa isa pang dayalekto, ito ay tinatawag na __________ .

A. true cognates
B. false cognates
C. language ambiguities
D. dialectal accent

Ans: B. false cognates
- Kapag ang salita sa isang dayalekto ay nagbigay ng bang kahulugan sa sia pang dayalekto, ito ay tinatawag na flase cognates halimbawa ay sira (tagalong) – broken : sira (bikol ) – isda; bulong (tagalogI –whispher : bulng (bisaya – gamot; libang salita (tagalong) – aliw : libang (cebu) – dumi. Samantala ang true cognates naman ay mga salitang magkahawig ang bigkas iba’t ibang dayalekto at magkatulad an kahulugan ng mga ito tulad ng salitang atip – atap ; atep –atup (bubong)

16. Ibigay ang dalawang dahilan kungbakit itinuturo ang Filipino sa mga paaraang pang Batayang Edukasyon alinsunod sa tagubiling pangkurikulum.

I. Sapagkat ito ay kurikulum bilang isang subject pangwika
II. Upang magamit ang wika bilang pangklasrum sa iba pang sabjek na ginagamitan nito.
III. Nang sa gayun ay matugunan ang pangangailangan hinihingi ng Kagawaran hingil sa pagpapatupad ng patakarang pangwika
IV. Bilang pagharap sa mga hamon ng edukasyon lalo na sa mga tagubilin hinggil sa batayang “Mother Tongue”

A. I at II
B. I at III
C. II at III
D. III at IV

Ans: A. I at II
- Alinsunod sa umiiral na patakarang pangkurikulum para sa Batayang Edukasyon  dawala ang dahilan kung bakit itinuturo an Filipino sa mga pambansang paaralan. Una upang ituro ito bilang isang pangwika; at ikalawa upang magamit ang wika bilang pangklasrum sa iba pang sabjek na ginagamitan nito.

17. Ayon kay Otanes (2011) sa anumang balaking bumubuo ng isang kurikulum pangwika linakailangan nakapokus ito sa mga mag aaral upang matututo sila ng wika taglay ang mga sumusunod na adhikain maliban sa isa.

A. Makapaghanapbuhay
B. Makapmuhay ng tama
C. Mamuhay nang Malaya
D. Mapahalagahan ang kagandahan ng buhay

Ans: C. Mamuhay nang Malaya
- Ang lahat ng nabanggit ay mga hangarin kung bakit ang kurikulum sa Filipino ay nararapat na nakatuon sa mga mag-aaral maliban sa osyon #C ang mamuhay nang malay sapagkat hindi ito nabibilang sa naturang mga hangarin at tagubilin.

18. Alin sa mga sumusunod ang nagging saligan ng batayang konseptual sa pagtuturo ng Filipino sa lebel sekondari?

1. ito ay dapat nakapkus sa mga mag-aaral
2. ito ay nakatuon sa teorya ng pagkatuto at pagtuturo ng wika
3. Ito ay nakasalig sa istrakturang grammatical
4. ito ay ay nakapokus sa guro ng wika bilang sentro ng gawaing pagtuturo

A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang 3 at 4 lamang
C. Tambilang1,2 at 3
D. Tambilang 1,2,3 at 4

Ans: D. Tambilang 1,2,3 at 4
- Ang lahat ng nabanggit ay nagging saligan ng batayang konseptual sa pagtuturo ng Filipino para sa batayang Edukasyon sa antas sekodari maliban sa tambiloang #4 sapagkat ang pagtuturo ng wika ay hindi nakapokus sa guro kundi sa mga mag-aaral na kanyang tinuturuan tungo sa layuning pang-wika.

19. Kung nais ng guro na gawing lunsaran ng kanyang aralin sa wika ang pagbeyk ng keyk, anong uri ng texto ang kanyang gagamitin?

A. Jornalistik
B. Prosijurnal
C. Literari
D. Referensyal

Ans: B. Prosijurnal
- Ang teksto na ansa anyong prosijurnal ay naglalaman ngmga tuntunin hakbangn at proseso sa pagtatamo ng isang mithiin o bunga nito.

20. Ang mga sumusunod ay nagging saligan ng kurikulum sa Filipino para sa batayang edukasyon maliban sa isa.

A. Visyon- Misyon ng kagawarang ng edukasyon
B. Haligi ng pagkatuto
C. Ang guro at mg kanyang kwalipikasyon
D. Magkaroon kasanayan komunikatibo

Ans: C. Ang guro at mg kanyang kwalipikasyon
- Ang lahat ng nabanggit ay naging saligan ng kurikulum sa Filipino para sa Batyang Eduksyon maliban sa Opsyon #C sapagkat ang naturang kurikulum ay nakatuon sa mga mag-aaral at hindi s aspetong pangguro bagaman kinilala at biibigyang daan ang kanyang tungkulin papel sa gamapanin, kwalipikasyon kaalamang pangnilalaman estrathiya at teoryang sa pagtuturo.

To download this reviewer, just click here. Good luck and God bless!

No comments:

Post a Comment

Related Posts