Latest Filipino Reviewer 9 - LET EXAM - Questions & Answers

Welcome to LET Exam Questions and Answers!!!

Latest Filipino Reviewer 9


1. Pinuntahan __________ mag-aaral ang maraming pook na nagging bahagi ng kasaysayan.

A. ang
B. ng
C. nang
D. ni

Ans: B. ng
- Ang ng ay ginagamit kapag ito ay sinusundan ng payak na pangngalan. Tamang istruktura gn pangungusap: Pinuntahan ng mag-aaral ang maraming pook na manging bahagi ng
Kasaysayan.

2. Ipinakita ng anany kay Osang ang paglinis ng isda “tignan mong mabuit_______________ ang paglilinis ng isda” ang sambit nya niya.

A. gayon
B. ganito
C. ganyan
D. ganoon

Ans: B. ganito
- Ang angkop na panghalip na pamatlig sa nabanggit na pangungusap aynag “ganito” sapagkat tumukoy itosa pagdemonstreyt sa kanyang kausap ng bagay na malapat sa kanya. Tamang istruktura ng pangungusap: Ipinakita ngnanay kay Osang ang paglins ng isda. “Tignan mong mabuti ganito ang paglilinis ng isda,” angsambit niya.

3. Halika, kausapin natin ____________ Charito at loida upang huwag mainip habang hinihintay ang ating kasama.

A. sina
B. si
C. nina
D. nina

Ans: A. sina

- Ginagamit ang pantukoy na sina kapag ito ay ikinakabit sa maramhinanmg simuno na nasa ikatlong paunahan. Tamang istruktura ng pangungusap: Halika, kausapin atin sina Charito at Loida upang huwag mainip habang hinihintay ang ating kasama.

4. Binasa ______ Nenita at Blesida ang mga aklat na ipinadala sa kanila ng kanilang ina tiya.

A. nila
B. kina
C. kila
D. nina

Ans: D. nina
- Ang pantukoy na “nina” ay ginagamit kapag tumukoy sa maramhinang simuno n nasa ikatlong panauhan.

5. Ang sakahan ninyo at ang sa amin ay __________ subalit ang inaani naming palay ay _____________.

A. magsinglaki:marami
B. kasinglaki: kasingdami
C. magsinlaki: hihgit na marami
D. malaki: marami


Ans: C. magsinlaki: hihgit na marami
- Ang naturang pangungusap ay pahambnig na binubuo ng dalawang anyo ng paghahambing. Ang una ay  paghahambing na magkapantay ang degri o antas” samantala ang ikalawa ay paghahambing na mas mataas ang degri o antas ng pinaghahambingan. Kaya naman ang angkop na pang-uring pahambing ay magsinalaki at higit na marami. Tamang istruktura ng pangungusap: Ang sakahan ninyo at ang sa  amin ay magsinlaki subait ang inaani  naming palay ay higit na marami.

6. Halos ay _________ na dumating sa pagdiriwang kahapon sina Nita at Tenza.

A. magkasabay
B. magkakasabay
C. sabay-sabay
D. sinasabay

Ans: A. magkasabay
- dahil dalawang tao ang tinutukoy o minomodipika ng pang-abay. Kaya naman ang naaangkop na gamitin ay nag magkasabay. Tamang istruktura ng pangungusap. Halos ay magkasabay na dumating sa pagdiriwang kahapon sina Nita at Tereza.

7. Bkait ka ba pawisang-pawisan? ___________ mo ang pawis mo sa iyong mukha .

A. Pahirin
B. Pahiran
C. Pahidan
D. Ipahid

Ans: A. Pahirin
- Ang pahirin ay ginagamt kapag may tatangalin; samantala ang pahiram ay kapag may ialalagay naman tulad ng palaman, langis, at pintura; at ipahid kapag ang ibig sabihin ay ikuskus. Kaya naman sa daloy ng naturang pangungunsap, naaangkop gamitin ang salitang “pahirin”. Tamang istruktura ng pangungusap bakit ka ba pawisang-pawisan? Pahirin mo ang pawis mo sa iyong mukha.

8. Ating _________________ ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng maikling katha.

A. isubok
B. subukin
C. subukan
D. masubok

Ans: B. subukin
- Ang subukin ay ginagamit kapag may taytayaing kakayahan o kasanayan ng isang tao,;  samantala ang subuan ay nangangahulugan manmanan. Kaya naman sa daloy ng naturang pangungusap, ay naangkop ang salitan “subukin”. Tamang istruktura ng pangungusap: ATing subukin ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng maikling katha.

9. Maraming pananim sa aming bakuran, _________________ patola ampalaya at okra.

A. bukod sa
B. maliban sa
C. sa halip n
D. kaysa

Ans: A. bukod sa
- Ang pangatnig na BUKOD  SA ay tumutukoy sa paglalahad ng karagadagan;samantala ang MALIBAN sa au tumutukoy sa konseptong hindi kasama. Kaya naman ay naaangkop na pangatnig ay nag bukod sa.

10. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayri upang ang diwa ng talata.

1. Ibinalita ito sa kanyang ina
2. Nalaman niya ang resulta
3. Naghanda sila ng kaunting salu-salo
4. Tuwang tuwa sia sa pagkakapasa niAna
5. Nakapasas sa pagsusulat si Ana sa LET

A.5-2-1-4-3
B. 3-5-2-4-1
C. 2-5-1-4-3
D. 1-4-2-5-3

Ans: A.5-2-1-4-3
- Ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag at pangungusap ay: (1) Nakapasa sa pagsusulit si Ana sa LET; (2) Nalaman niya ang resulta mula sa dyaryo; (3) Ibinala it sa kanyang ina; (4) Tuwang-tuwa sila sa pagakakapasa ni Ana;(5) Naghahanda sia sa kaunting salu-salo.

11. “Ang pangulo ng bansa ay nagtungo sa bansang Kora at siya ay nakapagkita sa embahada upang mapag-usapan ang solusyon hingil sa usaping pangkayapaan sa Pilipinas”
 Tukuyin ang bilang ng sugay na makapag-iisa (SM) at di makapag-iisa (SDM)

A. 1SM +2 SDM
B. 2 SM + 1 SDM
C. 2 SM + 2 SDM
D. 3 SM + 1 SDM

Ans: C. 2 SM + 2 SDM
-Ang nabanggit na pangungusap ay binubuo ng dalawang  (2) sugnay na makapag-iisa at dalawang (@) sugnay na di makapag-iisa. Samakatuwid, ito ay isang halimbawa ng langkapan. Narito ang pagsusuri ng naturang pangungusap.

Ang pangulo ng bansa ay nagtungo sa bansang KOREA at siya ay nakipagkita sa
                          SM 1                                                               SM 2
Embahada upang mapag-usapan ang solusyon hinggil sa usaping pangkapayapaan sa Pilipinas.
                SM 1                                                                          SM 2

12. Kpag ang isang tao ay nagpahayag ng kanyang tayo 0 paninindigan hinggil sa isang isyu gamit ang iba’t ibang batayan, ito ay nabibilang s pahayag na ____________ .

A. paglalahad
B. pagsasalaysay
C. paglalarawan
D. pangangatuwiran

Ans: D. pangangatuwiran
- Angpangangatuwiran ay isang uri ng pakikipagtalastasan na naglalayong magpahayag ng panindigan o paniniwaala, kuro-kuro, palagay o opinion at katotohanan. Layunin nito na mahikayat na sumang-ayon ang kausap sa pamamagitan ng paninindigan mga  patunay at batayang matibay at makabuluhan.

13.Kung balbal ang pinakamababang antas ng wika, itinuturng naman na pinkamataas ang ______________ .

A. lalawigan
B. teknikal
C. kolokyal
D. pampanitikan

Ans: D. pampanitikan
- Ang pampanitikan ay pamantayang pangwika na itinuturing na ansa pinakamataas na antas ng pakikipagtalastasan. Nagtataglay ito ng katangiang pagiging maingat sa pagpapahayag na nagpapakita ng kataasang uri ng isang tao ngmga may pinag-aralan at propersyunal. Ito ay sapagkat ang mga salitang giningamit ay (1) wasto at maaos (2) malalim; (3) matalinhaga at (4) kadalasang teknikal .

14. Ang komunkasyon ay mabisa at mahalaga. Ang simuang magahangad na maiagpang ang sarili sa lipunang ginagalawan ay gumagamit ng pinakabagong paraan ng komunkasyon.


A. Pagbibigay katuturan
B. Paglalarawan
C. Pagbibgay kahulugan
D. Pagtukoy

Ans: C. Pagbibgay kahulugan
- Ang mga salitang ginagamit sa pang-araw na pakikipagtalastasan ay iba sa mga salitang makikita sa diksunaryo. Kalimitang ang kahulugan ay batay sa laman ng pangungusap at sa gamit o pagkaunawa ng isang particular na lahi o kalinangan.

15. Ang pagbibigay ng panuto ay isang pinakpraktikal na anyo ng paglalahad. Alin sa mag sumusunod ang dapat taglayin ng isang panuto upang ito ay maging ganap na madaling maunawaan?

1. Tiyak                                 2 Payak                                 3 Maliwanag                                       4. Mahaba

A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang 3 at 4 lamang
C. Tambilang 1, 2 at 3
D. Tambilang 1,2,3, at a4

Ans: C. Tambilang 1, 2 at 3
- Ang pagbibigay ng panuto ay isang pinakapraktiakl na anyo na paglalahad. Kaya naman upang mdaling maunawaan ang panuto, dapat ito ay tiayak, payak, maliwanag at maikli ngunit buo o ganap.

16. Isang anyo g pagpapahayag ng kaisipan at paglalahad ng ideya ang paggawa na paalala o islogan lalo na sa klase. Ang mga sumusunod ay ilang mga panuntunan maliban sa isa

A.tiyakin maikli o may dalawang taludturan lamang
B. Gumamit ng mga salitang may malalim na kahulugan
C. Marapat na tama ang baybay o pagbabantas
D. Alamin kung tama ang kahulugan ipinahahatid

Ans: B. Gumamit ng mga salitang may malalim na kahulugan
- Ang islogan ay isang anyo ng pagpapahayag ng kaisipan at paglalahad ng ideya ng mga mag-aarl na kinapapalooban ng  mga sumusunod na panununtunan: (1) Tiyaking maiki o may dalawang taludturan lamang; (2) Marapat na tama ang baybay at pagbabantas ; At (3) Alamin kung tama ang kahulugan ipinapahatid. Samakatuwid hindi kinakailangan ang malalalim na salita sa isang islogan na di naman gaanog nauunawaan ng bumabasa o hindi agad nakakuha ang mensahe nito.

17. Ano ang mga dapat tandaan sa pagkuha ng tala sa isang panayam?

I. Ihanda ang mga kinakailangan kagamitan bago dumalosa sa isang panayam
II. Suriing mabuti ang mga tanong kung naayon o nauugnay sa gawaing panayam
III. Makinig nang mabuti upang maisulat  ang mahahalagang kaisipan
IV. Ayusin ang mga kinuhang mahahalagang kaisiapan

A. I, II at III
B. I, II at IV
C. II, III at IV
D. I, II, III at IV

Ans: B. Gumamit ng mga salitang may malalim na kahulugan
- Ang lahat nga nabanggit ay mga dapat tandaan sa pagkuha ng tala sa isang panayam (1) Ihanda angmga kinakailangan kagamitan bago dumalo sa isang panayam; (2) Suriin mabuti ang mga tanong kung naayon o nauugnay sa gagawing panayam. (3) mga kinuhang mahahalagang kaisipan.

18. Ang tanawig ito’y pangakaraniwan sa Pasigan ng Wakiki kung malaki ang dagat at nagngangalit ang alon. Isang isport ito ng mga taga HAWAII na sari-sarili lamang nila.(Halaw sa Aloha ni Deogracias A. Rosario ni Baello, et.al 2004)

A. talatang may paksang pangungusap na lantad
B. talatang may paksang pangungusap na di-lantad
C. Talatang walang pangungusap
D. talalatang amy maramihang paksang pangungusap

ANS: A. talatang may paksang pangungusap na lantad
- Ang naturang bahagi ng talalata ay isang halimbawa ng talatang may lantad na paksang  pangungusap.

19. Ang talata ay lipon mga pangungusap na kailangan umiikkot sa isang kalahatang ideya at may paksang pangungusap na nagsisilbing patnubay sa pagbuo ng kasunod na pangungusap. Anong katangian ito ng talata?

A. Kaugnayan
B. Katuturan
C. Kabuuan
D. Kaisahan

Ans: D. Kaisahan
- Upang matawag na talata ang lipon ng mga pangungusap ay kailangan umikot sa isang pangkalahatang ideya , may paksang  pangungusap na nagsisilbing patnubay sa pagbuo ng kasunod na pangungusap. Ito ay tumutukoy sa kaisahan bilang katangian ng isang mabuting talata.


20. Pansinin ang mg sumusunod na pangungusap at tukuyin ang cohesive device na ginamit.

Siya ang nagluto ng kanyang pagkain at siya ang naglalaba ng kanyang damit (Halaw sa Ang Kura at Agwador ni Rogelio K. Sikat sa Baello et.all 2004)

A. Anapora
B. Katapora
C, Denotasyon
D. Konotasyon

Ans: A. Anapora
- Ang anaphora ay isang cohesive device na inilalagay sa unahang bahagi ng isang pangungusap sa isang talalata tulad ng panghalip

To download this reviewer, just click here. Good luck and God bless!

No comments:

Post a Comment

Related Posts