Latest Filipino Reviewer 15 - LET EXAM - Questions & Answers

Welcome to LET Exam Questions and Answers!!!

Latest Filipino Reviewer 15


1. Alin sa mga sumusunod na layunin ang nasa afektib domeyn?

A. Nakakabuo ng isang daayogo oganho sa taludutd ng isang tula
B. Naibibigay ang sariling pananaw hingil sa isyong tinalakay
C. Nahahango ang mensahe ng texto at nailalapat ito sa aktwal na buhay
D. Natataya ang kaisiningan ng pagkakabuo ng pinapanood na pelikula

Ans: C. Nahahango ang mensahe ng texto at nailalapat ito sa aktwal na buhay
- Ang afekib domeyn o pandamdamin ay kinapapalooban ngmga layuning lumilinang ng saloobin, emosyon, kawilihan at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa tinatalakay na teksto.

2. Alin sa mga sumusunod na set ng beheybyur ang nabibilang sa antas sintesis batay sa taksonomiya ng layunin ayon kay Bloom?

A. ilarawn, isalin, ipakahulugan
B. Ilapat, idayagram, tugunan
C. Bumuo, balagkasin, pag-ugnayin
D. Suriin, pangatwiran, paghambingin

Ans: C. Bumuo, balagkasin, pag-ugnayin
- Ang layunin nasa antas sintesis ay naglalayong mag-uugnay ng iba’t ibang impormasyon upang makalikha ng bagong kaalaman.

3. Alin sa mga sumusunod na layunin ang may pinakamataas na antas?

A. Nailalapat ang kahalagahan ng textong binasa sa sariling karanasan
B. Nasusuri ang kwento ayon sa mga element, dulog at alituntunin
C. Natutukoy ang pangunahing ideya sa mga detalyeng nasa texto
D. Nakabubuo ng lagon mula sa nakasaad na impormasyon

Ans: B. Nasusuri ang kwento ayon sa mga element, dulog at alituntunin
- Kung ihahanay ang mga sumusunod na layunin ayon sa taas ng antas nito, narito ang pagkakasunod-sunod; (1) Nailalapat ang  kahalagahan ng tekstong binasa sa sariling karanasan (aplikasyon): (2) Natutukoy ang pangunahing ideya sa  mga detalyeng nasa teksto (analisis); at (3) Nakabubuo ng lagom mula sa nakasaad na impormasyon (sintesis); at (4) Nasusuri ang ayon sa mga element, dulog at alituntunin na kaakibat nito (ebalwasyon)

4. Anong lawak ng kasanayan ang tinutukoy sa sumusunod na implakasyong pandiskurso?

“Sa pagpili, pagpaplano at pagtalakay ng guro sa mga aralin pag-aaralan, kailangang palaging isasalang-alang a=ng guro kung paano at saan magagamit anf mga impormasyon a kaalamang anatamo sa anumang pag-aaral.”

A. Receptive area
B. Reflective area
C. Expressive area
D. Intensive area

Ans: C. Expressive area
- Ang expressive area ay lawak ng kasanayang na tumutulogn sa aplikasyon o paggamit ng konsepto sa iba’t ibang konteksto ng pag-aaral

5. Ano ang katotohanan sa likod ng konsepto ng pagkakatuto ng wika?

1. kapag ang isang tao ay may likas na kakayahan
2. kung ito ay nagmumla sa isnag bunga ng panggagaya o panggagad ng pagsasalita
3. kung ito ay mula sa proseso ng pakikihalubilo sa kapwa
4. kapag tinanggap o pinag-aralanito sa klase sa akademikong paraan.

A. 1 at 2
B. 3 to 4
C. 1, 2 at 3
D. 1, 2, 3 at 4


Ans: D. 1, 2, 3 at 4
- Ang lahat ng nabanggit ay mga pawing katotohan sa likod ng konsepto ng pagkatuto wika. (1) Kapag ang isa tao ay may likas na kakayahan; (2) Kung ito ito ay nagmumula sa bunga ng panggagawa o panggagad; (3) Kung ito ay mula sa propeso ng pakikihabilo sa kapwa; (4) Kapag tinaggap o pinag-aralan ito sa klase sa akademikong paraan.

6. Tukuyin ang estrathiyang pangkatang pampagkatuto ng natatampok batay sa mga sumusunod na hakbang ng ginagawa ng guro.

A. Think-Pair-Shair
B. Roundrobin
C. Reading Roulette
D. Jigsaw Reading

Ans: A. Think-Pair-Shair
- Ang estratihyang Think-Pair-Shoes ay isa sa mga pamamaraang pangkatang pagkatuto na binubu ngmga nabanggit na hakbang (1) Paglalahad sa klase ng suliranin o paksa (2) pag-iisip nang isahan ng mga mag-aaral tungkol sa suliranin o paksa; at (4) Pagbabahagi sa klase ang napag-usapan.

7. Ayon sa mga teorya ng kakayahang komunikatibo, ito ay lawak ng kasanayang na mapanatili ang komunikasyon o mabigyang lunas ang mga gap.

A. Gramatikal
B. Sosyo-kultural
C. Diskorsal
D. Istratedjik

Ans: D. Istratedjik
- Ayon kakayahang komunikatibo, may lawak na kasanayanat mga mga ito ay mga sumusunod: (1) Gramatikal; (2) Diskorsal (3)Sosyo-kultural (4) ,istratedjik. Ang istratedjik ay lawak ng kasanayan na mapanatili ang komunikasyon o mabigyang lunas ang mga gap.


8. Uri ng role play na maaring gamitin sa pagtuturo ng wika na kung sann hinid mahuhulaan ang sasambitin at itutugon ng mga kalahok hanggat hindi binibitawang ng bawat isa ang kanilang kataga sa dayalogong sasabihn.

A. Role play na kontrolado sa pamamagitan ng dayalaogong may cues
B. Role play na kontrolado sa pamamagitan ng  cues at impormasyon
C. Role play na kontrolado sa pamamagitan ng sitwasyon at layunin
D. Role play na kontrolado sa pamamagitan ng pagtatalo at talakayan

Ans: C. Role play na kontrolado sa pamamagitan ng sitwasyon at layunin
- Ang role play na kontrolado sa pamamagitan ng sitwasyon at layunin ay isang uri ng role play. NA nagbibigay sa mga mag-aaral ng higit na reponsibilidad sa paglikha ng interaksyon sa kanila sarili. Ang kontrol ay nakatuon hindi sa m g atiyak na kahulugan ipinapahayag ng MGA mag-aaral kundi sa antas ng sitwasyon at mga layuning nais nilang matamo.

9. Bahagi ng semantic web na kinapapalooban ng mga tunay na pangyayari, konklusyon o paglalahat ng nakuha ng mga mag-aaral mula sa kwentong binasa upang mabigyang kalinawan at katotohanan ang hibla at malaman ang kaibahan ng bawat isa/

A. Pamboud ng tanog ( core question)
B. Habeng panghiba ( web strand)
C. Hiblang panhusay (strand support)
D. Hiblang panatali (strands ties)

Ans: C. Hiblang panhusay (strand support)
- Ang habeng semtika ay isang mabisang estratehuya para sa pagbou at pagsasama-sama sa mga kagamitan at konsepto para sa pagtuturo sa paggawa ng mga itinanghal na kaurian ng kanilang pagkakaugnay. Ito ay binubuo ng iba’t ibang bahagi at ang tinatawag na hiblang pansuhay (strand support) ay naglalaman ng mga tunay na pangyayari , konklusyon at paglalahat na nakuha ng mga tunay na pangyayari,,konklusyon at paglalahat na nakuha ng mga mag-aaral mua sa kwentong binasa upang mabigyan ng kanilang at katotahanan ang hibla at malaman ang kaibahan ng bawat isa.

10. Ang pangkat ng mag-aaral ng bahagi ng fishbowl teknik sa pagtuturo ng wika na silang nagtalakay sa aralin kaya’t kadalasa’y binibigyan ng guro ng mga patnubay na taong ang pangkat na ito.

A. Nucleus
B. Outergroup
C. Inner group
D. Outermost group

Ans: A. Nucleus
- Ang fishbow at counselor language learning ng pagdulog ay isang mabisang teknik sa pagtuturo ng wika na binubuo ng tatlong pangkat. Ang unang pangkat ay ang nucleus na tagapagtalakay sa paksa; ang ikalawa ay ang outergroup na tagapagmasid at tagapuna kung paano isinasagawa ng pangkat nucleus ang pagtalakay ng nilalaman ng aralin; at ang ikatlong pangkat ay ang outermost na tagapagsabi kung paano isinasagawa ng ikalawang pangkat ang pagmamasid sa pangkat nucleus at tagapagbigay puna o reakyon sa mga obserbasyon isinsagawa ng pangkat outermost.

11. Ang paggamit ng textong hango sa disiplinang Araling Panlipunan sa pagtuturo ng Filipino para sa antas sekondari ay pagpapamalas ng dulong _____________ .

A. Content – Based Instruction (CBI)
B. Teaching Grammar Through Text Types (TGTT)
C. Cognitive Academic Language Proficiency (CALP)
D. Basic Interpersonal Communication SKILLS (BICS)

Ans: A. Content – Based Instruction (CBI)
- Ang Content – Based Instruction (CBI) ay pagliang sa kasanayang pangwika gamit ang ibang displina o konteksto tulad ng pagtuturo ng wika gamit ang mga Araling Panlipunan bilang hiblang lunsaran.

12. Bilang guro ng wika, madalas pinapahayag ng Gng. Austria ang kanyang mga mag-aaral batay sa kanilang saloobin, persepsyon o pananaw. Sa tuwing makakarining siya ng ilang pagkakamali hingil sa wastong pagamit ng balarila, hindi niya agad agad na itinatama ang mga ito nag hayaan upang hinid mabalam ang pagkatuto ng wika ang isinasaad nito?

A. Cognitivist
B. Innativist
C. Behaviorist
D. Humanist

Ans : A. Cognitivist
- Ayon sa pananaw ng teoryang Congitivist ang pagkatuto ng wika isang prosesong dinamiko kung saan ang mag-aaral ng wika ay palagng nangangailangan mag-isip at gawaing may sanaysay ang bagong tanggap na impormasyon. Dagdag pa rin ang pagkakamali ay isang palatadaan ang pagkatuto at ekspirementasyon. Ang pagkakamali ay tinatanaw ng mga cognitivist bilang isang integral na bahagi ng pagkatuto.

13. Kapag tumungo ka sa isang lugar at  natutuhan mo ang wikang gamitin doon nang hindi mo namamalayan ito ay dahil sa prosesong ___________.

A. akwisisyon ng wika
B. adaptasyon ng wika
C. pagkatuto ng wika
D. language ego

Ans: A. akwisisyon ng wika
- Akwisisyon ng wika ay proseso na nagaganap nang hindi namamalayan at katulad it halos kung paano.natutunan ang unang wika.

14. Ang kaibigan mo a dumating galling Amerika upang pansamantalang manirahan sa iyong tahan. Bilang kaibigan, ipamamalas mo sa kanya ang iyong kinagisnang kultura kaalinsabay ng wikang iyong ginagamit. Ito ay malinaw na pagpapakita ng prosesong _____________ .

A. Enkulturasyon
B. Akuluturasyon
C. Kulturasyon
D. Kulturarisasyon

Ans: A. Enkulturasyon
- Ang  Enkulturasyon ay isang proseso ng lipat o pagpasa ng kultura kaalinsabay ang wika s iba s pamamagitan ng pagtuturo, pagsasanay, pagpapagamit nito sa mga sitwasyon sa pang-araw araw na buhay, samantala ang angkulturasyon naman ay ang pagtangga nito mula sa iba pamamaguita ng parehong paraan at proseso.

15. Si Minda ay tubong  Ilokos ngunit lumaki sa Japan. Pagkaraang ng ilang taon ay nagtungo ang pamilya niya sa Pilipinas upang dito manirahan at makapag-aral sa isang kilala at mahusay na unibersidad. Samakatuwid, ang wikang Ingles na natutuhan niya sa kanyang paaralan ay tinawag na ____________.

A. unang wika
B. ikalawang wika
C. iatlong wika
D. ikaapat na wika

Ans: B. ikalawang wika
- Anumang wika at maging pang-ialn man ito. Maliban sa kinagisnang wika sa lugar na pinagsilangan at pinagkalakihan ay tinawatag na ikalawang wika. Samakatuwid, ang isang polygot o yaong maraming alam  , natutuhan o nagagamit na wika ay nagtataglay lamang ng kanyang kaisa-isang unang wika at ang iba pang wika ay gaano man ito karami pang-ialn man.

16.Kapag ang isang mag-aaral ay nag-asam na makatuntong ng kolehiyo at pagkatapos ay magkakaroon ng isang matatag na trabahao na may mataas na sweldo dahil sa alam at ginagamit na wika, malinaw na pagpapamalas ito ng anyo ng motibasyon?

A. Instrumental
B. Reinforcement
C. Kondisyunal
D. Integratibo

Ans: A. Instrumental
- Ang motibasyon instrumental ay panlabas na motibasyon na tumutukoy sa pagnanasa o pagahahangad ng higit na pagkatutuo ng wika tungo sa isang binuong mithiin o hangarin. Samakatuwid, ito ay paggamit ng natutuhang wika bilang daan sa pagtatamo ng isang mithiin.


17. Pag-ugnayin ang estilo ng pagkatuto ng wika ng mga mag-aral sa angkop na istratehiya sa pagtuturo ng guro.
Pagkatuto ng Wika
Pagtuturo ng Guro
1. Concrete
1. pag-alam at pagsusuri sa kamalian sa wika
2. analitik
2. pagmamasid at pakinig sa mga tagapagsalita ng wika
3. komunikatibo
3. mga laro, larawan at panoorin
4. authority-oriented
4. pagpaliwanag ng guro sa aralin

A. 1 : 1
B. 2 : 3
C. 3 : 4
D. 4 : 4

Ans: - Ang mag-aaral na may authority-oriented na estio ng pagkatuto wika ay mas ninanais na masugid na makinig lamang sa guro sa kanyang mga paliwanag sa aralin sapagkat naniniwal siyang tanging ang guro ang tunay na pinakamatibay na saligan at pinagmumulan ng kasanayang pampagkatutuo ng wika. Dito sa lubos na ginagawa ng guro ang tungkuling magpaliwanag ng mga paksa/aralin sa mga mag-aaral.

18. Ito ay yugtong wika na kung saan ang mag magaaral ay nakapagpahalaga na ng mga salita at parirala bagama’t may mga pagkakamali pa ring taglay dahil sa sariling pagkaunawa.

A. Pasumala
B. Otomatik
C. Kamalayang istruktural
D. Unitary

Ans: C. Kamalayang istruktural
-Ang kamalayang istruktural ay yugto ng pagkatuto ng wika na kung sila ay nakabubuo ng mga paglalahat at natutuklasan nila ang hulwarang kaayusan sa pagasalita. At sa patuloy na pagiging kumplikado ng ng kanilang pagsasalita magagaw nilang magkamali dahil bumubuo sila sa paglalahat na kung minsan ay hindi napapansin ang eksepsyon dito.

19. Ang unang yugto ng pagkatuto ng wika na nabubuo sa malikhaing tunog na bunga ng vocalizing, cooing, guggling, at bubbling ng mga bata.

A. Unitary
B. Ekspansyon at Demilitasyon
C. Otomatik
D. Pasumala

Ans: D. Pasumala
- Ang pasumala ay yugto ng pagkatuto ng wika na kung saan ang mga bata ay lumilikha ng mga tunog na kakailangan nial sa pagsasalita asa mga darating na araw na bunga  ng kanilang vocalizing na mula sa isa hanggang labing-isang buwan.

20. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga panuntunan at pananaw ayon sa simulating otomatisiti sa pagtuturo ng wika.

I. Natural o di namamalayang pagkatuto ng wikang sa pamamagitan ng makabuluhang paggamit nito
II. Mabisa at mabilis na paglayo sa pagpukos sa anyo ng wika sa pamamagitan ng makabuluhang paggamit ng wika ang sentro nito
III. Epiktibo at mabisang pagkontrol ng ilang aspekto  ng wikang pagtungo sa walang Limitasyon pagproseso ng anyo ng wika.
IV. Lubos na sinusuri ang maliliit na detalye ng anyo wika

A. I, II at III
B. II, III at IV
C. I, IV at III
D. I, II, II at IV

Ans: A. I, II at III
- Ang mga nabanggit na pahayag bilang mga panuntunan at pananaw ay nagbibigay sa halaga sa mga simulating otomatisiti sa pagtuturo ng wikang maliban sa ikaapat  na opsyn na tumutukoy sa lubos na sinusuri ang maliit na detalye sa anyo ngwika sapagkat ayon sa pananaw na ito, dapat naiiwasana nag lubos na pagsusuri sa mag maliliit  na detalye sa anyo ng wika nang sa gayun ay maging mas ganap ang pagkatuto ng wika

To download this reviewer, just click here. Good luck and God bless!

No comments:

Post a Comment

Related Posts