Latest Filipino Reviewer 10 - LET EXAM - Questions & Answers

Welcome to LET Exam Questions and Answers!!!

Latest Filipino Reviewer 10


1. Alin sa mga sumusnod ang tungkulin ng pahayag pangkampus?

I. maging tagapagturo
II. maging tagapaglahad ng mga kuro-kuro na maaaring magsilbing daan sa pag-unlad
III. Maging talaan sa mga mahahalagang pangyayari o Gawain sa paaralan
IV. maghatid ng impormasyon

A. I at II lamang
B. III at IV lamang
C. I, II at III
D. I,II,IIIat IV

Ans: D. I,II,IIIat IV
- Ang mga nababangit na pahayag ay mga tungkulin ng pahayagan ay mga tungkulin ng pahayagan: (1) maging mata at atinga ng mambabasa (information); (2) maging tagapagturo (education) (3) pumuntang balita sa pamamagitan ng tudling at pitak (interpretative); (4) tagapaglahad ng mga kuru-kuro (opinion moulder); (5) maging tagapaglibang o taga aliw (entertainment) (6) gumanap bilang tagapaglibang o taga-aliw (entertainment); (6) gumanap bilang tagapag-alaga ng karapatan ng mambabasa (watch dog) at (7) bilang talaan sa mga mahahalagang pangyayring naganap (documentation).

2. Alin sa mga sumusunod ang may tamang paghahambing sa pagkakatulad at pag kakaiba ng tatalong bahagi ng pahayagan.

BLG
ASPEKTO
BALITA
EDITORYAL
LATHALAIN
1
KATUTURAN
Ulat sa isang pangyayari
Sansaysay batay sa tunay na pangyayari
Opinion sa isang pangyayari
2
LAYUNIN
Magbigay kabatiran sa isang pangyayari
Manlibang o pumukaw damdamin
Magbigay ng opinion o interpretasyon sa isyu
3
BALANGKAS/ANYO
Baligtad na pyramide
Ayos piramide
Ayos piramide
4
HABA
mahaba
Tama lamang
Maaring maikli o mahaba

A.1
B.2
C.3
D.4

Ans: C.3
- Kung paghahambingin ang tatlong bahagi ng pahayagan ang balita ay isinusulat nang pagbaloigtad na piramide samantala ang editoryal at lathalain naman ay nasa ayos piramide.

3. Anong literal device ang ginagamit sa isang lathalain upang maging ganap ang kabisaan nito?

A. Literari
B. journalistic
C. argumentative
D. prosedyunal

Ans: A. Literari
- Ang lathalain ay gumagamit ng pamoanitikang pamamaraan o literary device na istilong pampanitikan (literari0 ng kung saan malaya ang paggamit ng idyoma, tayutay at mga malikhaing pahayag.

4. Tukuyin kung saang bahaggib pahayag pangkampus matatagpuan ang mga sumusunod na bahagi.

A. Pangmukhang pahina-nameplate, banner head banner news, pamatnubay o lead klitse (cut, kurapsyon, oveline, kiker, masthead

B. Pahina ng pangulong tudling – polya, falg, caricature, editorial liner, liham sa patnugot
C. Pahinang pangpalaksan o isports – balitang pampalakasan tudlign pampalakasan lathalaing pampalakasan, crosswords puzzle
D. pahinang pampanitikan –maikling katha, tula, pangulo tudling suring pelikula sanaysay.


Ans: B. Pahina ng pangulong tudling – polya, falg, caricature, editorial liner, liham sa patnugot
- Ang pangulong tudling ay pahina ng pahayagang pampaaralan na binubuo ng mga sumusunod na bahagi (1) polyo – naglalaman ng pahina na pangalan ng pahayagan at petsang pampalibangan; (2) watawat (flag) – pinaliit na pangalan ng pahayagan sa loob ng kahon ng patnugutan at kanilang pangalan sa pangunguna ng punong editor; (4) pangulong-tudling o editoryal (5) tudling editoryal o pitak  (editorial column); at (6) karton (caricature); (7) lliham sa patnugot (letter to the editor); (8) editoryal layner ( editorial liner) ; at pangunahing tudling (guest editorial)

5. Basahin ang mga sumusunod na balita at tukuyin ang ginamit na uri ng pamatnubay

Resulta ng LET inilabas na
 
Inilabas na ng Philipines Regulation Commision  (PRC) ang resulta ng Licensure Examination for Teachers (LET) na kinuha noong Marso 29, 2015. Itinayang may kabuuang 27.42 bahagdan ang nakapasa ang nakaspasa mula sa elementarya, samantala 31.63 bahagdan naman ang mula sa sekondarya.

                Sa kasalukyan ay ihahanda ang gawaing seremonya ng panunumpa na kung saan ang petsa at lugar ay iaabiso na lamang ng nagsasabing ahensya kapag napagdesisyunan na.

A. kumbensyunal o kabuuang pamatnubay
B. panimulang pambalarilang pamatnubay
C. Di-kumbensyunal o makabagong pamatnubay
D. Pamatnubay na patakda

Ans: A. kumbensyunal o kabuuang pamatnubay
- Ang kabuuang pamatnubay o kombensyunal ay kadalasang sumasagot sa mga tanong na sino, ano kailan saan bakit at paano sa anyong baligtad na piramide.

6. Pansinin at unawaing mabuti naturang halimbawa ng pamatnubay sa ibaba tukuyin ang uri nito.

Hala bira para sa UPCAS sa muling pagsungkit ng Regional Cup

A. Parody Lead
B. Epigram lead
C. Punch lead
D. Startler o Astonsiher Lead

Ans: D. Startler o Astonsiher Lead
- Ang panggulat (startler/astonisher lead)ay kalimitang isang pangungusap na maikli hiwalay sa talata at sinundam ng buod ng ibang impormasyon. Ginagamit ito nang ang tala ay lubhang mahalaga, nakakagalit, nakakagulantang o nakasindak.

7. Ito ay uri ng balita na nababatay sa tunay na pangyayari na gaya ng pagkakaayos ng kwento.

A. accident story
B. news feature
C. In-depth news
D. News brief

Ans: B. news feature
-  Ang news feature ay uri ng balita na nababatay sa tunay ng pangyayari na gaya ng pagkakaayos ng kwento.

8. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng editorial na namumuna?

A. Pacquiao: sa pagbuklod ng lahing Pilipino
B. itaguyod ang K to 12: tugon laban sa Deskriminasyon sa Asya
C. Paglaganap ng AIDS: Paano Maiiwasan?
D. Trabaho sa ibang bansa: pera o pamliya?

Ans: D. Trabaho sa ibang bansa: pera o pamliya?
- Ang pangulong-tudling na namumuna (editorial of criticism) ay isang uri na kung saan kapwa inihaharap ng patnugot ang mabuti at masamang katangian ng isang isy. Tinatalakay niya ang magkaibang panig sa kabila ng katotohanang ipinagtanggol niya ang mga ito.

9. Pag-ugnayin ang akda at ang karaniwang rehiyon nito.

A. Pananambitan : Bisaya
B. Pabanud : Pampanga
C. Badeng : Bikol
D. Paghidlawas |: Pangasinan

Ans: Ang mga sumusunod ay tamang pares ng akda at ang kinakatawan rehiyon; (1) Pananambitan (Bikol); (2) Badeng (Pangasinan); (3) Paghidlawas (Bisaya); at Pabanud (Pampanga)

10. Isang kwentong rehiyunal na sumasalim sa kahirapan ng buhay ng mga tao sa panahon ng digmaan.

A. Ang hunsoy (Cebu)
B. Si pingkaw
C. Si hadis  (Tausug)
D. Isang hadis (bikol)

Ans: A. Ang hunsoy (Cebu)
- Ang rehiyunal na akdang Ang Hunsoy ay tumatalakay sa kahirapan ng buhay ng mga Pilipino sa panahon ng digamaam tulad ng gutom, hirap at kabagbagan ng loob na nadarama at biglat ng pasanin sa pakikisama paglilingkod sa  mga kawal at sundalong tagabantay laban sa kalaban. Ipinapakita rito na bagama’t kapos sa pagkain dulot ng digmaan ay nakakuha pang maobliga ang mga taona maglingkod at magkaloob ng kasiya-siya nilang pagkaing pagsasaluhan sa hapagkainan sa mga naturang sandal tulad ng nagging kapalaran ni Malta-Imok ang pangunahing tauhan mula sa Baryo lipata.

11. Ang pangunahing tauhan sa patulang akdang kapampangan na pinagamatang “Ang Baho ng Central “ na isang amang mangingsda na namatayan ng anak bunga ng kahirapan dahil sa patuloy na pagdumi ng dagat na pinagkukunan niya ng ikinabubuhay.

A. Berto
B. Delfin
C. Imo
D. Sendong

Ans: B. Delfin
- Ang  “Ang Baho ng Central” ay isang akdang. Kapampangan hinggil sa buhay at kapalaran ng pangunahing tauhan na si Delfin, isa lamang mangingisda na namatayan ng ikinabubuhay.

12. Isang akdang rehiyunal na tumutukoy sa mga dasal at kabutihang loob para sa buhay na walang hanggan kasama ang ilang panrelihiyong paniniwala ng Muslim

A. Agyu
B.Delfin
C. Imo
D. Sendong

Ans: C. Imo
- Ang (Ang Hadis) ay isang akdang rehiyunal na tumutukoy sa mga dasal at kabutihang loob para sa buhay na walang hanggan kasama ang ilang panrelihiyong paniniwala ng Muslim. Kinapapalooban ito ng ilang ritwal, pamamaraan at panuntunang hinggil sa paghihiwal sa buhay at kamatayan upang maging ganap na maluwag at masagaran ang pumanaw sa kabilang buhay.

13. Ayon sa akdang bikol na pinamagatang “Piyon” ni Honesto M. Pesino, jr. ano ang ipinanalangin at sinasambit ng piyon n asana lunurin ng tubig sa timba sa timba?

A. kasalanan
B. kasamaan
C. kahinaan
D. kahirapan

Ans: D. kahirapan
- Ayon sa naturang akdang Bikol na pinamagat “Piyon”, inusal ng piyon sa kanyang panalangin na nawa’y lunurin ng tirang tubig ang kahirapan. Narito ang bahagi ng tula na nagsasaad ng naturang pahiwatig.

Nanalangin siyang lunurinng tirang tubig ang kasalatan
Di madungisan ng laway ang kontraktong kalbo
Ang kanyang mukha at pagkatao

14. Ayon sa kwentong Pangasinan na pinamagatang “Gayuma ni Lolo Simeon” ni Leornarda Carrera, nagamit ba ni Felino ang gayuma sa panunuyo sa pagsungkit sa puso ni Celia?

A. Oo, kaya’t sa huli sila’y nagging mag-asawa
B. Hindi, sapagkat binagabag siya ng kanyang konsensya
C. Oo, upang mapagtagumpaya niya ang kanyang pagkatorpe sa dalaga
D. Hindi, bagama’t pina ang binata hinggil ditto.

Ans: D. Hindi, bagama’t pina ang binata hinggil ditto.
- Ang kwentong Pangasinan na pinamagatang “Gayuma ni Lolo Simeon” ni Leonarda Carrera ay tungkol sa paniniwala sa mga nayon hinggil sa epekto ng gayuma sa taong ginugusto o iniibig. Ang tauhang si Felino na isang torpe at walang lakas ng loob na maipahayag ang nararamdang pagibig para kay Celia ay pinaniwala ni Lolo Simeon sa epekto ng gayuma sa pamamagitan ng pagbibigay nito sa kanya n angdulot ng lakas ng loobng binata na makapagtapat sa babaeng minamahal. Ang hindi niya alam ay iyon lamang pala ay asukal at nag pinagmumulan ng kanyang lakas ng loob ay ang sarili niyang kakayahan at paniniwala.

15. Ibigay ang mensaheng haid ng sumusund na pahiwatig mula sa akdang Cebuano na “Paalam na sa Pagakabata”

“Ang langit  ay nasa tao, hinid nakikita, hindi nahihipo, hindi naabot.”

A. Ang langit ay lugar na tao na itinuturing na paraiso
B. Ang langit ay nasa puso ng isang tao, ang kabutihang loob, kapayapaan ng isisp at kalinisan ng budhi ang kaganapan nito
C. Ang langit kailanman ay di makikita, mahihipo o maabot ng tao.
D. Ang langit ay inihanda para as tao at ito’y hindi makikita at maabot lalo na ng mga yaong hindi nararapat ditto.

Ans: B. Ang langit ay nasa puso ng isang tao, ang kabutihang loob, kapayapaan ng isisp at kalinisan ng budhi ang kaganapan nito
- Naging bahagi ng naturang kwentong rehiyunal ang nabanggit na pahayag na “Ang langit ay nasa tao, hindi nahihipo hindi naaabot “ At ito ay nagpapahiwatig na ang langit ay nasa puso ng isang tao, ang kabutihan ng loob. Kapayapaan ng I sip at kalinisan ng budhi ang kaganapan nito.

16. Ibigay ang damdaming napapaloob sa sumusunod na kaisipang halaw sa kwentong “ Si pingkaw”.

……….. Sa tunggalian ng pamumuhay sa tamabakan, naroon ang isang taong handang tumapak sa ilong ng kanyang kapwa tao mabuhay lamang.

A. Pagkainggit
B. Pagkamakasarili
C. Pag-iimbot
D. Mapanghusga

Ans: B. Pagkamakasarili
-  Ang nabanggit na kaisipan mula sa naturang akda ay nagpapamalas ng damdaming pagkamakasarili sa ngalan ng mihiin kahit na makasakit o makatapak ng kapwa. (Mula sa Si Pungkaw; Akdang Hiligaynon)

17. Isang uri ng makabagong awit na kadalasan binibigkas nang patula ang bawat linya nito na magkakatugma sa saliw ng isang naangkop na tugtugin.

A. Acoustic
B. Rock music
C. Rap
D. Ballad

Ans: C. Rap
- Ang rap ay isang uri makabagong awit na kadalasang binibigkas nang patula bawat linya na makatugma sa saliw ng isang angkop na tugtugin.

18. Naging popular sa kulturang Pilipino ang pagkahumaling sa mga bayaning may taglay na kakaibang kapangyarihan sa pagtanggol sa sanlibutan at inidolo ng baying tulad nina Capt. Barbel, Dyesebel, Gagambino at lastikman na mga kathang – isip ng malikot na guniguni ni Mars Ravelo. Sa anong unang komiks ito ang unang naiguhit at nabasa ng masa?

A. Aliwan
B. Klasik
C. Pilipino
D. Hiwaga

Ans: C. Pilipino
- Ang mga bayani at sikat na tauhang tumatak na isip ng bawat Pilipino tulad nina Capt. Barbel, Dyesebel, Gagambino at Lastikman ay unang naiguhit at nabasa ng masa sa Pilipino o Pinoy Komiks.

19. Si darna isang kathang-isip ay isang babaing tagapagtangol ng daigdig mula sa mga element ng kasamaang mula sa ibang planeta. Sa pagsasapelikula ng ng nasabing akdang pangkomiks, sino ang unang gumanap bilang darna?

A. Liza Moreno
B. Gina Pareno
C. Vilma Santos
D. Rosa Del Rosario

Ans: Ang pelikulang Darna ay tungkol sa isang pilay na lumaki sa hirap na nakapuot ng isang batong bulalakaw mula sa kalawakan nagbigay sa kanya ng ibang ibayong kapangyarihan upang maging tagapagtanggol ng daigdig. Ayon sa kasasayan ang kaunaunhang gumanap sa papel na Darna sa pinilakang tabing ay si Rosa Del Rosario noong 1951 sa ilalim ng Royal Films na pagmamay-ari ni Fernando Poe, Rosario Sr. Sinundan naman ito nina Liza Morena (1963) Eva Montes (1965); Gina Pareno (1969)  Vilma Santos (1973); Rio Locsin (1980); Nanette Medved (1991); at Ananette Abayari (1993)

20. Ito ang may pinakamahanbang soap opera o teleserye na nakahiligan ng mga Pilipino sa kani-kanilang tahanan sa kasaysayan ng telebisyon?

A. Pangako sa iyo
B. Mara Clara
C. Gulong ng palad
D. Yagit

Ans: B. Mara Clara
- Itinuturing na may pinakamahabang panahon ng pagpapalabas ng soap opera teleserye ang Mara Clara sa ABC CBN na kinatampukan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes at ito ay isina-ire mula taong 1992 hanggang 1997. Ito ya hinggil sa pagkatuklas sa diary na ngalalaman ngmga lihim sa pagkatao ng pangunahing tauhan.

To download this reviewer, just click here. Good luck and God bless!

2 comments:

Related Posts