Latest Filipino Reviewer 4 - LET EXAM - Questions & Answers

Welcome to LET Exam Questions and Answers!!!

Latest Filipino Reviewer 4




1. An mga sumusunod ay mabisang simulain na dapat isaalang-alang ng guro sa pagtuturo ng pagsasalita ng tungo sa maunlad na pagkatuto maliban sa ____________.

A. isaalang-alang ang buong pagkatao ng bawat mag-aaral
B. bawasan ang pagkabahala at pag-aalala ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng mga aralin mula sa mahirap pagtungo sa madali
C. pananatilihin ang pantay na pagtuon sa kawastuhan at katatasan sa pagsasalita
D. Pag-iba ibahin ang mga kaparaanan ng interaksyon sa klase

Ans: B. bawasan ang pagkabahala at pag-aalala ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng mga aralin mula sa mahirap pagtungo sa madali
- Kapag sinimuan ng guro ang paglalahad ng mahirap na konsepto patungo sa madali ay mawawalan sila ng interes at hindi mababawas ang pagkabahalag ng mga mag-aaral sapagkat magiging mahirap o kumplikado para sa kanila na makatuonn sa ganap na pagkatuto.

2. Dapat bang madalas na iwinawasto ng guro ang pagkakamali ng mag-aaral sa pagbigkas ng istraktura ng wika?

A. Oo, upang ganap niyang matamo ang masteri ng wika nang mabilisan at kaaya-aya
B. Hindi, sapagkat higit na babagal ang knyang pagkatuto dulot ng pandamdaming sagabal tulad ng pagkahiya na maidudulot nito.
C. Oo, sapagkat ang layunin ng pagtuturo ng pagsasalit ay matiyak na nagagamit ng wasto ang mga salita ayon sa istruktura nito.
D. Hindi sapagkat mas mahalaga ang lakas ng loob sa pagsasalita kaysa kawastuhan ng istruktura ng wikang sinasalita

Ans: B. Hindi, sapagkat higit na babagal ang knyang pagkatuto dulot ng pandamdaming sagabal tulad ng pagkahiya na maidudulot nito.
- Kapag sinisimulan ng guro ang paglalahad sng mahirap na konsepto patungo sa sa madali ay mawawalan sila ng interes at hindi mababawasan ang pagkabahala ng mga mag-aaral sapagkat magiging mahirap o kumplikado para sa kanilang na makatuon sa ganap na pagkatuto.

3. Higit na naipapamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan komunikatiba sa pamamagitan ng paglalapat ng wika sa mga sitwasyong pang-araw araw na buhay. Samakatuwid, ito ay nasa yugto ng ___________ .

A. paglalahad
B. pagsasanay
C. paglalahat
D. aktwal na pagsasalit

Ans: D. aktwal na pagsasalit
- Kapag ang wika ay ginagamit o inilalapat sa mga gawaing nagpapakita ng mga akwtal na pangyayari. Sa buhay, ito ay itinuring na nasa yugto bng aktwal na pagsasalita.

4. upang ganap na mapaunlad ng guro ang kasanayanang pagsasalita na malimitahan niya ang pagbibigay ng tanong sa talakayan o tinatawag na “core questions” ano an dahilan?

A. Upang mapadali ang talakayan sa klase na kung saan mas marami ang nakakalahok
B. Upang mas maraming mag-aaral ang mabibigyan ng pagkakataong magpahayag ng ideya o saloobin at malayang makilahok  sa talakayan
C. Upng mas maraming panahon  ang maigugol sa pagsulat ng pagsusulit
D. Upang maging madali para sa guro ang paghahanda at mas malaking panahon ang maigugol sa pagtatama ng Gawain.

Ans: B. Upang mas maraming mag-aaral ang mabibigyan ng pagkakataong magpahayag ng ideya o saloobin at malayang makilahok  sa talakayan
- Napatunayang mas epektibo ang pagututro ng wika na may kasanayang pagsasalita kung nalilimitahan ng guro ang inihahandang tanong upang higit na mabigyang pokus ang mga mag-aaral sa pagpapahayag saloobin at paunang kaalaman at pagbabahagi ng karanasan. Dahil dito, malaya at aktibong makakalahok ang mga mag-aaral. Ito ay halaw sa microwave teknik na siyang nagiging saligan diin ng modelong understanding by design (UBD).

5. Ayon kay Coady, kapag ang isang mag-aaral ay nakatuon sa impormasyong pangwika tulad ng balangkas ng pangungusap at batayang hulwaran sa kanyang binabasa, siya ay nagpapamalas ng anong estratehiya?

A. Semantika
B. Sintaktika
C. Leksikal
D. Grapopomik


Ans: B. Sintaktika
- Ang kaalamang sinaktika ay taglay ng tanong nakapokus sa impormasyon hingil sa wika, pagkakabuo ng pangungusap at mga hulwaran sa pagbabasa.

6. Ang mga mag-aaral ng III-Mahogany ay pinagbasa ng guro hinggil sa mga paksang tumutuon sa mga isyong panlipunan na kanilang ibinahagi sa klase. Pagkatapos mailahad ay binigyan ng pagkakataon ang mga mag-araal na makapaglahad ng sarili nilang pananaw. Ang naturang kaganapan nabanggit ay nagpapatunay lamang na __________________ .

A. ang pagbasa ay isang prosesong interaktibo
B. ang pagbasa ay isang sistema sa pagtataguyod
C. ang pagbasa ay isang proseso ng pagiisip
D. ang pagbasa ay isang estetiko o panibangang Gawain

Ans: A. ang pagbasa ay isang prosesong interaktibo
- Ang prosesong interaktibo sa pagbasa ay naglalayong makapaglahad ng saloobin o pananaw hinggil sa tekstong binasa.

7. Kapag ang pagbasa ay nakasalig sa mambabasa bilang isang napakaaktibong kalahok sa prosesong ito mula sa kanyang taglay na dating kaalaman at sariling kakayahan sa wika, ito ay sumasailalim sa ____________ .

A. teoryang bottom-up
B. teoryang top-down
C. teoryang interaktibo
D. teoryang metakognisn

Ans: B. teoryang top-down
-  Ang teoryang top-down ay tumutuon sa pananaw na ang tagabasa ay isang napakaaktibong proponent ng proponent ng proseso ng pagbasa.

8. Alin sa mga sumusunod na gawaing ang nagtataglay ng metakognisyon sa pagbasa?
1. Pag-aanalisa ng isang teksto
2. Paglikha ng sariling simula, sukdulan at wakas ng binasang katha
3. Pagpapakita ng dula-dulaan gamit batay sa mga tagpong nagpalutang  ng diwa sa kwento
4. Pagbibigay kahulugan sa mga simbolong nakalimbag sa mga pahina

A. tambilang 1 at 2 lamang
B. tambilang 2 at 3 lamang
C. tambilang  1,2 at 3
D.tambilang 1,2,3 at 4

Ans: C. tambilang  1,2 at 3
- Ang lahat ng nabanggit na Gawain maliban sa tambilang #4 ay nagpapamalas ng dulog metakognism sa pag-basa. Ang metakognisyon ay ang paggamit ng mataas antas ng kasanayan pampag-iisip at pagkatuto batay sa pangailangan ng mga gawaing ito.

9. Ang mga mag-aaral ng Mataas na Paraan ng Bayabas ay nakalilinang na ng kasanayan sa mabilis na pagbabasa at pagunawa sa teksto bunga ng masigasig ng pagtitiyaga ng guro sa paggabay sa kanila. Ito ay malinaw na nagpapakita na ang mga naturang mag-aaral ay nasa anong yugto ng kahandaan sa pagbasa?

A. Panimulang Pagbasa
B. Maunlad na Pagbasa
C. Malawakang Pagbasa
D. Kahandaan sa pagbasa

Ans: B. Maunlad na Pagbasa
- Sa yugotng maunlad na pagbasa nalilinang na ng mga mag-aaral ang kanilang kasasayan sa mabilis na pagbabasa at pag-unawa sa tekstong binasa.

10. Batay sa mga pag-aaral alin sa  mga sumusunod ang maituturing na salik na may tuwirang kinalaman sa kahandaan sa pagbasa na dapat maisaalang-alang ng guro tungo sa akademikong pagkatuto?

A. Kagulang pisikal at mental
B. Personalidad, karanasan at pinag aralan ng magulang
C. Kagulangang sosysal at emosyonal at antas ng pamumuhay
D. Wika, kultura, kaligiran at baying pinagmulan

Ans: A. Kagulang pisikal at mental
- Batay sa maraming pag-aaral ang kagulangan pisikal, mental at emosynal ay maituturing na mga salik sa kahandaan sa pag basa ng mga mag-aaral. Samantala ang antas ng pamumuhay, pinag-aralan ng magulang at pinagmulang lugar ay natuklasang walang gaanong kinalaman o kaugnayan sa kahandaan ng mga mag-aaral sa pagbasa.

11. Upang matukoy ang kasingkahulugan ng mga salitang hinango sa binasang teksto gumuhit si Titser Ana ng mga kahon sa pisara bilang palatandaan sa mga titik na bubuo sa hinahanap na talasalitaan. Batay nabanggit na halimbawa anong estratehiyang ang ginamit ng guro?

A. konpigurasyon
B. simbolismo
C. Contextual Clues

Ans: A. konpigurasyon
- Ang konpigursyon ay paghahanda sa mga  mag-aaral sa pagkilala sa salita gamit  hugis ng isang  salita sa pagpapakahulugan nito.

12. Ito ay estratehiya sa pagbasa hinggil sa paghahanap ng tiyak na impormasyon para sa katumbas na sagot at kadalasay’y nakatuon sa pagkuha at pagtatala ng detalye.

A. Skimming
B. Scanning
C. Intensive reading
D. Extensive reading

Ans: Ang scanning ay estratehiya sa pag-basa hinggil sa paghahanap ng tiyak na impormasyon para sa katumbas na sagot at kadalasa’y nakatuon sa pagkuha at pagtatala ng detalya. Ilan sa mga gawaing kinatatampukan nito ay ang (1) pagtuon sa tiyak na salita, parirala at paksa; (2) paghanap ng sagot sa tiyak na katanungan; (3) paghanap ng contextual clues; (4) paghahanap sa mga pahayg ng eksaktong pangungusap na makapagpatunay sa ipinapaliwanag o pinaninindigan.

13. Si titser  Robina ay nag lalahad ng isang kwento sa klase bilang lunsarang-aralin. Naglaan siya ng mga tanong  para sa mga mag-aaral; na nagsasaad n g ilang paghuhula a maarign kalabasan ng ilan pang sumusunod ng tagpo. Anong  estratehiya sa pagbasa ang tinukoy sa naturang sitwasyon pampagtuturo?

A. KWL
B. DRTA
C. GMA
D. QAR

Ans: B. DRTA
- Ang DRTA (Direct Reading Teaching Activity) ay isang estratehiya sa pagtuturo ng pagbabasa na naglalayong malinang ang komprehensyon ng buong pangkat o klase na kung saan ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahaok a talakayan sa tulong ng mga tanong na nasa mas mataas na lebel. Layunin nito na nasa mas mataas na lebel. Layunin nito na  matugunan ang mga mag-aaral sa pagtatakda ng sariling layunin sa pagbasa, pagbibigay ng sariling hula o palagay na ginagamit ang dating kaalaman buhat sa teksto s pagbuo ng isang sintesis ng mga impormasyon, pagpatunay at pagbabago ng mga prediksyon at pagbuo ng isang konklusyon.

14. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Pagkatapos ay tukuyin ang lebel ng komprehensyon ang isinasaad nito.

A. “Sa iyong palagay, ano ang  nararamdaman ng mga taong nagsisikap na makapaghanap buhay sa ibang bayan ngunit patuloy na nilulusay naman ng kanilang mga anak ang kanilang pinaghihirapan?

A. Literal
B. Interpretasyon
C. Mapanuri
D. Malikhain

Ans: D. Malikhain
- Ang malikhaing pagbasa at komprehensyon ay gumagamit ng kakaibang kasanayan sa pag-iisip ng bumabasa na makabuo ng bago,pamalit sariling konsepto na inilahad sa teksto.

15. Sa pagtuturo ng isang binasang teksto, pinlano ni Titser Manalo ang araling susukuan sa kasanayan ng mga magaaral sa paghula ng maaring maganap. Ang naturang estratehiya ay napapaloob sa anong antas ng pag-iisip?

A. Pakwtal lebel
B. Interpretatib lebel
C. Aplikatibo lebel
D. Transaktib lebel

Ans: C. Aplikatibo lebel
- Ang aplikatib lebel ay antas ng pag-iisip hinggil sa binasang teksto na kung saan ay pinag-uugnayan ng mga impormasyon galling sa teksto at mga personal na iskemata.

16. Ang  klase sa filiino ay pinangkat ni Gng. Arceo upang basahin ang isang kwento. Pagkatapos ay pinagawa niya ang bawat pangkat ng mapa ng konsepto hinggil sa kanilang binasa a kanilang ipinakita at ilalahad sa klasae.Anong estratehiya ang ginamit ng guro as nasabing sitwasyon pampagtuturo?

A. KWL ( what I know, want to know learned )
B. GMA ( Group mapping activity)
C. DRTA (Direct Reading Teaching Activity)
D. ReQuest ( Reciprocal Questioning)

Ans: B. GMA ( Group mapping activity)
- Ang Group Mapping Activity (GMA) ni Jane Davidson (1982) ay isang estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa na mabisa sa paglinang ng pagunawa o kopmprehensyon sa pamamagitan ng integrasyon at sintesis ng mga ideya at konseptong nakapaloob sa kwento.

17. Ang korespondensya, memoranda plano, proposal, ulat at adbertisment ay mga anyo ng anong uri ng suatin?

A. Sulating personal
B. Sulating transaksyunal
C. Malikhaing sulatin
D. Malayang sulatin

Ans: B. Sulating transaksyunal
- Ang transaksyunal sa salita ay pormal, maayos na pagkakabuo at binibigyang pokus ang impormasyon o mensaheng nais ihatid dahil sa komuniksayon sa pangunahing layunin nito.

18. Alinsa mga sumusunod ang kaisipang naaaon sa pagtuturo ng pagsulat?

1. Mahalaga ang hakbang na pagtuturo ng pagsulat
2. Dapat isaalang-alang ang paggamit ng mga mahuhusay na modelo sa pagtuturo ng pagsulat.
3. Dapat ituro ang mga kaalamang pangwika sa angkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral.
4. Dapat bigyang-diin ang iba’t ibang proseso sa pagsulat.

A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang  3 at 4 lamang
C. Tambilang 1,2 at 3
D. Tambilang 1,2,3 at 4

Ans: D. Tambilang 1,2,3 at 4
- Lahat ng nabanggit ay dapat ay isaalang-alang sa pagtuturo ng pagsulat tungo sa kaalamang nito.

19. Alin sa mga sumusunod na simulain sapagtuturo ng pagusulat ang may tunguhin bilang komunikatibo?

A. kontrolado
B. pinatnubayan
C. Malaya
D. Padikta

Ans: C. Malaya
- Ang simulating Malaya sa pagtuturo ng pagsulat ay maituturing na komunikatibo sapagkat binibigyang pansin ang mabisang pagpapahalaga ngmga naiisip at nadarama sa paraang pasulat.

20. Ang mga sumusunod ay proseso ng mabisang  pagtuturo ng pagsulat tungo sa kasanayang, pampagkatuto. Ihanay ang mga ito ayon sa tamang pagkakasunod-sunod: pidbak, rebisyon paggawa ng buradorat editing.

A. 1-2-3-4
B. 3-2-4-1
C. 3-1-2-4
D. 1-2-4-3

Ans: C. 3-1-2-4
- Ang proseso ng pagtuturo ng pagsulat ay binubuo ng mga sumusunod na hakbang ayon sa tamang pagkakasunod-sunod  (1) paggawa ng burador; (2) pidbak; (3) rebisyon at (4) editing.

To download this reviewer, just click here. Good luck and God bless!

No comments:

Post a Comment

Related Posts