1. Nilalayon ng pagturo ng Filipino para sa batayan edukasyon ang
pagkakuto ng tiyak na istrakturang grammatika ng wika kaaknsabay ng maunwang
pagbasa.Ano ang tawag s tunguhin nito?
A. Dulog interdisciplinary
B. Dulog Grammar Through text ang type (TGTT)
C. Dulog Multiple Intelligence
D. Dulog Pinogrammang Pagututuro
Ans: B. Dulog Grammar Through text ang type (TGTT)
- Ang TGTT ay isang dulog sa pagtuturo ng wika na kung saan ang
pagkatuto ng wikana kung saan ang pagkatuto ng tiyak na istrakturang gramatikal
ay kaalinsabay sa paglinang ng maunawang pagbasa.
2. Ano dapat isaalang-alang sa paggamit ng TGTT sa pagaaral ng
istrukturang gramatikal sa kurikulum pangwika
1. Paglalapat
2. Pagsasaul ng mga tuntunin at pamantayan maging mga anyo teksto
3. Pagsusuring pangnilalaman na kung saan bumubuo ang mga
mag-aaral ng pansariling palagay
4. Pagkilala sa tiyak na uri ng teksto
A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang 1, 3 at 4
C. Tambilang 1, 2 at 3
D. Tambilang 1,2,3 at 4
Ans: B. Tambilang 1, 3 at 4
- Ang lahat nabanggit ay mga panuntunang dapat isaalang-alang sa
paggamit ng TGTT sa pag-aaral sa itrukturang gramatika ayon sa kurikulum
pangwka maliban sa tambilang #2 Ito ay sapagkat marami ng pag-aaral ang
nakapagpatunay na ang estratehyiang pagsasaulo lamang ng mga konsepto ay
maituturing na may mababang paggamit ng antas pampag-iisip o kognisyon kaya
naman hindi ito gaanong isinusulong sa pagtuturo ng wika.
3. Ito ay haligi ng pagkatuto na nakatuon sa kakayahanang ng mga
mag-aaral na maipapamalas ang kanilang angking kasanayan at husay sa paglikhang
isang produkto gamit ang kanilang natutuhan at kaugnay na karanasan
A. Pagkatutong pangkabatiran
B. Pagkatutuong panggawain
C. Pagkatutong pangkaganapan
D. Pagaktutong pangbukluran
Ans: B. Pagkatutuong panggawain
- Ang pagkatutong panggawain ay nakatuon sa batayang pampagkatuto
sa paggawa, pagbuo ng produkto at pagtamo ng karanasang nagiging saligan at
patunay ng kanilang natutuhan.
4. Bakit pinipiling muling isama sa kurikulum ng Filipino para sa
antas sekondari ang apat na kilalang obra maestro (ibong adarna, Florane at
laura, Noli Me Tangereat elfilibustirismo)?
A. Upang mabigyang daan ang panitikan sumasailalim sa ating pagaka
Filipino
B. Upang maitangi ang mga naturang akda na higit sa lahat ng iba
pang akda
C. Upang maging daan ito sa pagpahalaga sa ganda n gating sarilign
panitikan
D. Upang makilala at masuri ang mga tauhan at maunawaan ang
nilalaman ng mga ito.
Ans: A. Upang mabigyang daan ang panitikan sumasailalim sa ating
pagaka Filipino
- Ang papat na obra maestrang nabanggit ay muling itinampok sa
binagong kurikulum ng Filipino sa antas sekondari upang bigyang daan ang pag-unawa pagpahalaga at
pagtangkilik ng mga mag-aaral sa ating panitikan na maituturing na repleksyon n
gating lahi, Pagkapilipino at amging sa pagtatamo n gating kalayaan.
5. Sa anong antoas sa sekondari inintegreyt ang mga akdang
rehyunal at Asyano na nakasalin Filipino na nagiing saligan ng mapanuring
pamumura gamit nag ilang pamantayan istandard at teorya?
A. Unag Taon
B. Ikalwang taon
C. Ikatlogntaon
D. Ikaapat na Taon
Ans: D. Ikaapat na Taon
- Ayon sa itinadhanang kurikulum sa Filipino pra sa Batayang
Edukasyon sa antas sekondari pagkatapos ng ikaapat na taon, ang isang gradweyt
ay nagtataglay ng kahusayan, kaalaman at angkop na kamalayan sa pagsasagawa ng
mapanuring paghuhusga sa kagandahan at sining ng panitikan batay sa tangap na
pamanatayan istandard o teoryang ng pamumuna sa tulong ng mga akdang rehyunal
at Asyanong nakasalin sa Filipino.
6. Pagsunod-sunurin ang mga inasahang bunga ng pag aaral ng
Filipino sa bawat taon ay nakabatay sa kurikulum ng FIipino para sa Batayang
Edukasyon sa antas sekondari.
I. nagtataglay ng kahusaya, kaalaman at angkop na kamalayan sa
pagsasagawa ng kritikal na pagpapasya upang mabigyang halaga an gating
pambansang panitikan
II. Nagtataglay ng kognitibong kasanayan at kahusayan sa maunawang
pagbasang iba’t ibang teksto at nagagamit nang wasto ang angkop na istrukturang
grammatical sa akademikong pakikipagtalastasan.
III. Nagtataglay ng kahusayan kaalaman at angkop na kamalayan sa
pagsasagawa ng mapanuring paghuhusga sa kagadahang at sining ng panitikan sa
tulong ng mga akdang rehyunal at Asyanon na na nakasalin sa Filipio
IV. Nagtataglay ng sapat na kasanayan at kadalasang nagagamit ng
wasto ang mga angkop na istrukturang grammatikal sa isang iskolaring
pakikipagtalastasan
A. II-III-IVI-II
B. IV-II-I-III
C. IV-III-II-I
D. I-II-III-IV
Ans: B. IV-II-I-III
- Angmga nabangit na pahayag ay mga inaasahang bunga g pagkatuto
ng Filipino sa bawat taon sa sekondari
alisunod sa nakatadhanang kuirkulum sa batayang esuksyon. Ang mga ito ay
nakaayos nang naayon sa bawat antas o taon ng pag-aaral.
7. Ang mga sumusnod ay mungkahing estratehiya ng Filipino ayon sa
binagong kurikulum na maaring maging saligan ng pagtataya at pagmamarka.
I. Panggagad (simulation)
II. Pagsasatao ( role playing)
III. Pagsasaulo (memorization)
IV. Pangkatng Gawain ( group of dynamic)
A. I at II lamang
B. II at IV lamang
C. I, II at IV
D. I, II,III at IV
Ans: C. I, II at IV
- May mga mungkahing estratihiya para sa pagpalaganap ng biagong
kurikulum sa Filipino para sa Batayang Edukasyon na kinabibilangan ng mga
sumusunod na halimbawa sa itaas maliban sa opsyon #III. Ito ay sapagkat marami
ng pag-aaral ang nakapagpatunay na ang estratehiyang pagsasaulo lamang ng mga
konsepto ay maituturing na may mababang paggamit ng antas pampag-iisip o
kognisyon kaya naman hidni ito gaanong isinusulong sa pagtuturo ng wika.
8. Binibigyang diin ang awtentikong pagtataya sa pagkatuto ng
wika na nakasalig sa binagong kurikulum. Ang mga sumusunod ay mga gawaing
awtentikong sa pagtuturo ng wika maliban sa isa.
A. Paggawa ng dayorama
B. Pagdaraos ng eksibit
C. Paggawa ng portpolyo
D. Pagsagot sa tanog na pasanaysay
Ans: D. Pagsagot sa tanog na pasanaysay
- Ang lahat ng nabanggit sa itaas ay mga gawaing awtentikong
pagatataya ng pagkatutong pangwika maliban sa opsyon #D dahil ang pag-sagot sa
tanong na pasanaysay ay iasnag anyo ng tradisyunal o pormal na pagsusulit na
saliwa sa awtentikong pagsusulit.
9. Ano ang katotohanan sa likod ng tradisyunal at awtentikong
pagtataya sa pagkatulong pangwika?
A. Ang tradisyunal ay higit na mahalaga kaysa awtentiko sapagakat
ito lamang ang nakapagsusulit nag tumipak sa kanilang natutunan.
B. Ang awtentikong pagtataya ay
higit na mahalaga kaysa sa tradisyunal sapagkat a=ito ay mas nakapagpamalas ng
mas mataas na ebidensya ng bungang pagkatuto.
C. Kapwa ang tradisyunal at awtentikong pagatataya ay hindi
gaanong mahalaga sa pagtuon sa bunga ng pagkatuto.
D. Kapawa ang tradisyunal at awtentikong pagtataya ay hindi
gaanong mahalaga sa pagtuon sa bungang pagkatuto dahi sa kakulangan ng
relayabiliti at validity ng mga ito.
Ans: C. Kapwa ang tradisyunal at awtentikong pagatataya ay hindi
gaanong mahalaga sa pagtuon sa bunga ng pagkatuto.
- Sa pagtuturo ng wika, kailangan gamitn ang kapwa tradisyunal at
awtentikong pagtataya tungo sa kabuuang pag-unlad ng mga mag-aaral ng wika na
kung saan ang tradisyunal n apraan ay sumusukat sa natanong kaalaman batay sa
iba’t ibang antas at kasanayang pampag-iisip samantalanag ang awtentikong
pagsusulit naman ay sumusuporta sa pamamagitan ng pagtataya n performs sa
kasanayan bilang patunay ng kanilang natutunan at natamong karanasan. Kung
magkagayun masasabing ang mga mag-aaral ay naihahanda sa mas malawakan at
mapaghamong tunguhin at tuntunin at sa buha kinabukasan sa tulong ng wika.
10. Isunolong sa kurikulum a Filipino para sa batayang edukasyon
ang kooperatibo pagkatuto sa pamamagitan ng mga pangkatang Gawain na lumilinang
ng sama-samang pag-unlad ng kasanayang pangwika ng mga magaaral. Alin sa mga
sumusunod ang hindi tumutugon sa hamon ito.?
A. Kamera flas focus
B. Group Mapping Activity
C. Direct Reading thinking Activity (DRTA)
D. Fishbowl Teknik
Ans: C. Direct Reading thinking Activity (DRTA)
- Ang lahat ngnabanggit ay mag gawaing pangkooperatibong pagkatuto
na lumilinang sa sama- samang pag-unlad pangwika maliban sa Direct Reading
Thinking Activity (DRTA)
11. Anong dulog sa pagtututo ng wika ang nasasalig sa paunang
kaalaman at karanasan ng mag-aaral? Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutugon
sa hamong ito?
A. Kontruksyonismo
B. Kooperatibong Pagkatuto
C. Pagtuturo Batay sa Nilalaman
D. Interdisiplinari
Ans: A. Kontruksyonismo
-Ang Kontruksyonismo ay isang dulog sa pagtuturo ngwika na nakasalig sa paunang kaalaman at karanasan ng
mga mag-aaral.
12. Anong uri ng pangungusap na walang simuno ang nasa halimbawa.
“Bukas na”
A. Penomenal
B. Temporal
C. Sambitla
D. Eksistensyal
Ans: B. Temporal
- An temporal ay isang anyo ng pangungusap na bagama’t walang
simuno ay may ipinapahayag a buong diwa na angsasaad ng kalagayang panandalian
lamang o pampanahunan.
13. Tukuyin ang pokus ng nakasalunguhit sa sumusunod na
pangungusap “Ikinagalit ng guro ang pagliban ng mga mag-aaral nang
walang paalam.”
A. Pokus ng benepaktibo
B. Pokus instrumental
C. Pokus Kusatibo
D. Pokus ganapan
Ans: C. Pokus Kusatibo
- Ang pokus kusatibo ay nagsasaad ng kadahilanan ng kilos ng kilos
o pangyayari na kung saan ay pinangungunahan ng marker na ng/ni actor sa
panghalili rito.
14. Alin sa mga sumusunod na salita ang may wastong gamit ng
gitling?
I. Malayu-layo
II. Bhay-kubo
III. Ika-lima
IV. Barong-tagalog
A. II, II at IV
B. I, II at III
C. I, II at IV
D. I, II, II at IV
Ans: C. I, II at IV
-Ang gutling ay ginagamit kpaag ang salita ay inuulit, pinagsasama
ang dalawang salita, nilalapian ang salitang pantangi, at kapag nilalapian ang tambilang. Sa kaso ng
salitang ikalima, ang panlaping ika ay
ikinabait sa pasalitang bilang at hindi tambilang kaya’t ito ay hindi
kinakailangan pang gitlingan.
15. Alin sa mga bahagi ng pangungusap ang mali ang pagkakagamit?
Sino sa atin ay walang karapatang humusga sa iba. Walang mali.
1 2 3 4
A. 1
B. 2
C. 3
D. 4
Ans: Ang salitang sino ay
di naangkop sa daloy ng pangungusap. Dapat gamitin ay ang panghalip panaklaw na
sinuman sa hali na sino.Tamang istruktura ng pangungusap. Sinuman sa tin ay
walang karapatang humusga sa iba.
16. Ang mga kambal ay parehong lumahok sa
patimpalak-kagandahan. Walang mali
1 2 3 4
A. Ang mga kambal
B. parehong lumahok
C. patimpalak-kagadahan
D. walang mali
Ans: Anggamit ng pantukoy ay mali. Nararapat na gamitin ay ag
pantukoy na “Ang” at hindi “ ang mga” sapagkat tumutukoy sa isang pares ng
magkapatid (kambal ) at ito ay katumbas ng payak na simuno. Tamang istruktura
ng pangungusap. Ang kambal ay pareho lumahok sa patimpalak-kagandahan.
17. Ano ang may maling gamit sa pangungusap na ito? Ang tao nna di
marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makarating sa paroroonan.
A. gamit pantukoy
B. gamit ng pang-ukol
C. gamit ng pangatnig
D. gamit ng pang-angkop
Ans: D. gamit ng pang-angkop
- Batay sa nakalaang halimbawa, ang agm,it ng pang-angkop na” na” ay mali ang pagkfamit sa pangungusap. Ayonsa panununtunan s paggamit ng
pang-angkop kapag angkinakabitan ng pang-angkop ay natatapo sa patinig ang
ikinabit ay “ng” samanatala kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa titk
“n” ang pang-angkop na ikinakabit ay “g”; at kapag nagtatapos naman sa katinig
ang salitang sinusundan ang pangangkop na ikinakabit ay “ng” Tamang istruktura
ng pangungusap: Ang taong di marunong sa pinanggalingan ay hindi makakaratng sa
paroroonan.
18. ___________________ mo delata ang abrelatang iyan.
A. Impambukas
B. Ipangbukas
C. Ipagbukas
D. Ipabukas
Ans: A. Impambukas
- Ang nabanggit na pangungusap ay natataglay ng pandiwang nasa
pokus instrumental kaya naman nangangailangan ng pandiwang may alomorp na
“ipam” sa salitang uagt na bukas. Tamang istruktura ng pangungusap:Ipambukas mo
ng delata ang abrelatang iyan.
19. Kung ano ang ginawa mong kasamaan sa iyong kapwa ngayon, ay
___________ ang kapalit nito pagdating ng panahon.
A. mabigat
B. mas mabigat
C. napakabigat
D. kapantay ng bigat
Ans: B. mas mabigat
- Ang naturang pangungusap ay nagsasaad ng paghahambig ng paggawa
ng kasamaan ngayon at ang balik na ganti nito pagdating ng panahon. Tamang
istruktura ng pangungusap:Kung ano ang ginawa mong kasamaan sa iyong kapwa
ngayon, mas mabigat ang kapalit nito sa pagdating ng panahon.
20. ng ____________ ay nakamit ni Bb. Cruz
A. unang gantimpala
B. isang gantimpala
C. mga gantimpala
D. ibang gantimapala
Ans: A. unang gantimpala
- Ang simuno ay tumukoy sa pangngalan na minodipika na pang-uri
pamilang panunuran na “Unang”. Tamang istruktura ng pangungusap: Ang unang
gantimapala ay nakamit ni Bb. Cruz.
No comments:
Post a Comment