Latest Filipino Reviewer 11 - LET EXAM - Questions & Answers

Welcome to LET Exam Questions and Answers!!!

Latest Filipino Reviewer 11


1. Isang uri ng pagsasalaysay na naglalayong makapagbigay at makapag-iwan sa mambabasa o tagapagkinig ng kailangan italang mga pangyayari.

A. salaysay ng mga pangyayari
B. salaysay ng pangkasaysayan
C. salaysay ng paglalakbay
D. salaysay na nagpapaliwanag

Ans: D. salaysay na nagpapaliwanag
- Ang salaysay na nagpapaliwanag ay isang uri ng pagsasalaysay na naglalayong makapagbiay at makapag-iwan sa mambabasa o tagapakinig ng kanilang italang mga pangyayari

2. Ang mga sumusunod ay kailangan ng mabuting pagsasalaysay. Alin ang hindi nabibiang dito?

A. Makatawag-pansing pamagat
B. Makabuluhang paksa
C. Masalimuot na kawil ng mga pangyayari
D. Kawili-wiling simula’t wakas

Ans: C. Masalimuot na kawil ng mga pangyayari
- Angmga sumusunod ay mga katangian dapat taglayin ng  mabuting pagsasalaysay (1) makatawag  - pansin pamagat; (2) makabuluhang paksa (3) maayos na pagkakasunod sound ng kawili-willing simula’t wakas. Samakatuwid ang pahayag higgil  sa masaslimuot na na kawil ng mga panyayari ay hindi maituturing na kailangan ng isang mabuting salasaysay.

3. Uri ng talambuhay na kung saan ay binibigyan-diin ang layunin, kaisipan at at simulain ng taong pinapaksa at ipinapaliwanag  ang kaugnayan ng mga ito sa kanyang tagumpay o pagkabigo.

A. Talambuhay ng panlahat
B. Talambuhay n pang-iba
C. Talambuhay na pansarili
D. Talambuhay na pantampok

Ans: A. Talambuhay ng panlahat
- Ang talambuhay na panlahat na panlahat ay isang uri ng talambuhay na kung saan ay binibigyang diin ang layunin kaisipan at simulain nng tao  pinapaksa at ipinapaliwanag ang kaugnayan ng mga ito saka

4. Basahin ang sumusunod na paglalarawan at tukuyin ang uri nito.

Maraming tao ang paroo’t parito. Di magkamayaw, nagkakagulo, nagkakaingay sa pagdating ng mga mamimili at kanya-kanya silang hila sa mga ito a pagkukumbinsi.

A. Karaniwang paglalarawan
B. Masining na paglalarawan
C. Di-karaniwang paglalarawan
D. patayutay ng paglalarawan

Ans: A. Karaniwang paglalarawan
-  Ang karaniwang paglalarawan ay na lalahad ng tiyak na impormsyon tungkol sa inilalarawan. Kaya’t hindi dapat nahahaluan ng sailing opinyon o damdamin  ang ganitong uri ng paglalarawan


5. Splasssshhhh….. Sa bawat pagsalpok ng alon sa may batuhan, sa bawat paghampas nito sa isang dalampasigan. Anong tayutay ang ginamit sa pahayag?

A. Transferred epithets
B. Anithesis
C. Onomatopia
D. Alliteration


Ans: C. Onomatopia

- Ang onomatopia o paghihimig ay isang tayutay na kung saan binibigkas ang mga salita na may katulad na ibig sabihin at kadalasan ay nilalapatan ito ng tunog ng isang bagay upang mapalutang anf himig at diwa nito.

6. Alin sa mga sumusunod ang may tamang halimbawa ng tayutay?

A. Tulad mo’y isang alitaptap sa hangin- metaphor
B. Sampung palad ang aki’y nakaabang-apostrophe
C. Ang wakas ay isang panibagong simula ng isang pakikihamon- synecdoche
D. Bumabait…… bumubuti ang kalagayan niya – metonomy

Ans: A. Tulad mo’y isang alitaptap sa hangin- metaphor
- Ang pagwawangis o metaphor ay tiyakang paghahambing gaya ng  pagtutulad ngunt hindi gumagamit ng mga panandang salita tulad ng gaya ng tulad ng, parang, kagaya, kaparis,kawangis at ibapa.

7. Anong uri ng pangangatuwiran ang tanging sa Pilipinas lamang mayroon at wala sa anumang bansa?

A. Debate
B. Balagtasan
C. Pagtatalo
D. Pep talk

Ans: Ang balagtasan ay isang uri ng pangangatwiran na nasa anyong patula at hindi matatagpuan sa panitikan ng ibang bansa. Bilang isang sining sa panulaan ito ay nangagaling sa duplo na isa ring uri ng pangangatwiran  patula.

8. Pansinin ang mga paglalarawan at ibahagi ng pagtatalo at tukuyin ang uri nito.

1. ang bawat koponan ay binubuo ng dalawa o tatlong kasapi
2. May walo o sampung minuto ang bawat isa sa pagmamatuwid
3. Magkakaroon ng tigatlong sandali ng tanungan at pagtutuligsa ang mga kasapi
4. magkaroon ng limang sandali sa pagtuligsa ng punong ng bawat koponan

A. pagatatalong pormal
B. pagtatalong Lincoln-Douglas
C. Pagtatalong Oregon-Oxford
D. Pagtatalong Oxford

Ans: C. Pagtatalong Oregon-Oxford
- Ang  Pagtatalong Oregon-Oxford ay ang pinakagamiting uri ng pagtatalo na kinapapalooban ng mga sumusunod na hakbang(1) Ang bawat koponan ay binubuo ng dalawa o tatlong kasapi; (2) May walo o sampung minuto ang bawat isa sa pagmamatuwid (3) Magkakaroon ng tigtatlong sandal ng tanungan at pagtutuligsa ang mga kasapi; (4) Magkakaroon ng limang sandali sa pagtuligsa ng puno ng bawat koponan.

9. Ang mga sumusunod ay mga panununtunan sa pagkilatis ng isang salin ayon kay tylter (1972) maliban sa isa

A. Ang isang salin ay kailangan katulad na katulad ng orihinal sa diwa o mensahe nito.
B. ang estilo at parran ng pagsulat ay kailangan katulad ng sa orihinal
C. ang isang salin ay dapat na maging maluwag at nagaang basahing tulad ng orohinal
D. Isanasaalang-alang sa pagsasalin ang saloobin at pananaw ng tagapagsalin

Ans: D. Isanasaalang-alang sa pagsasalin ang saloobin at pananaw ng tagapagsalin
- Sa proseso ng pagsasaling wika kailanman hindi kinapapalooban ng pansariling saloobin at pananaw ng tagapagsalin upang mapanatili ang orihinal na diwa o mensahe nito.

10. Ang antas ng pagsalin na tumutukoy sa panlahat at grammatikal batay sa kaisipan himig ng damdamin at mga pagpapalagay na naglalantad ng kabuuang larawan kung saan iaakma ang lebel ng wika.

A. Cohesion Level
B. Textual Level
C. Referensyal Level
D. Natural Level

Ans: A. Cohesion Level
- Ang cohesion level ay antas ng pagsasalita na tumutukoy sa panlahat at gramatikal batay sa kaisipan himig ng damdamin at mga pagpapalagay na naglalahad ng kabuuang larawan kung saan iaakma ang lebel ng wika.

11. Ito ay isang uri ng pagsasali na umaayon sa parehong disenyo ang isinasalin kabilang na ang pagsasalin ng salita, parirala, pangungusap mula Filipino sa Ingles.

A. Pagsasaling Idyomatiko
B. Pagsasaling Literal
C. Pagsasalin ng mga Akdang teknikal
D. Pagsasalin ng Tula

Ans: B. Pagsasaling Literal
- Ito ay uri ng pagsaslin na kung saan sa pagsasaling ito, umaayon sa parehong disenyo ang isinasalin. Ito ay tinatawag ding isa-isang tumbasang at kabilang dito ang pagsasalin ng parilala, pagsasalin  ng parirala, pagsasalin ng pangungusap at pagsasalin mula sa filipino sa englis.

12. Alin sa mga sumusunod ang panununtunan at pamantayan sa pagkakaron ng isang wasto at mabisang  pagsasalin?

1. kailangan malinaw ang layunin ng orihinal na teksto
2. iba ang pagsasalin para sa mga bata kaysa sa mga matatanda
3. Kailangan maging konsistent ang anyo ng salin sa orihinal
4. Isaalang-alang ang tunay na pangangailangan

A. tambilang 1 at 2 lamang
B. tambilang 3 at 4 lamang
C. tambilang 1,2 at 3
D. tambilang 1,2,3 at 4

Ans: D. tambilang 1,2,3 at 4
- Dahil sa ang gawaing pagsasalin ay hindi biro, nararapat na bigyang pansin ang mga konsiderasyon bago  magsalin: (1) Kailangan malinaw ang layunin ng orihinal na teksto dahil hindi ito dapat maiba sa layunin ng salin. (2) Iba ang pagsasalin para sa mga bata kaysa sa mga matatanda. Bigyang pansin din kung ang babasa ng salin ay Tagalog o hindi Tagalog, amy pinag-aralan o wala, babae o lalaki, Pilipino o dayuhan at iba pa; (3)  kailangan maging konsistent ang anyo ng salin sa orihinal;at (5) isaalang-alang ang tunay na pangangailangan.

13. Ang mga sumusunod ay mga kailangan ng komunikatibong salin sa ayon kay newmark (1991) maliban sa isa.

A. Ang tuon ay sa tagasalin
B. Matapat at mas malaya
C. Mabsia at magaang basahin
D. Mas maliwanag

Ans: A. Ang tuon ay sa tagasalin
- Nagbibigay si Newmark (1991) ng mga katangian ng komunikatibang salin kinabibilangan ng: (1) matapat at mas malaya (2) mabisa at maagang basahin  at (3) mas maliwanag. Samakatuwid, hindi ito nakatuon sa tagasalin kundi sa mambabasa.

14. Ito ay yugto ng pagsalin ayon kay newmark (1998) bilang paraan ng pagtataya kung nailipat nang sapat ang mensahe sa tungtunguhang lengguwahe at upang matiayak na taglay ng salin ang mga katangian ng isang mahusay na salin.

A. Paghahanda sa pagsalin
B. Aktwal na pagsalin
C. Rebisyon ng isalin
D. Ebalwasyon

Ans: D. Ebalwasyon
- Ang ebalwasyon ay isang yugto ng pagsasalin ayon kay Newmark (1998) bilang paraan ng pagtatayakung naililipat nang sapat ang mensahe sa tunguhin lengguwahe at upang matiyak ng salin ang mga katangian ng isang mahusay na isasalin.

15. Alinsa mga sumusunod ang katanggap-tanggap na syentipikong pananaliksik pangwika na may bangkop na pamagat alinsunod sa mga patakaran at pamantayan?

A. isang sarbey sa opportunidad na makapagtrabaho at mga programang pagsasanay wika.
B. estilo ng pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Ikaapat na taon sa sekondari ang kaugnayan nito a kanilang kakayahang komunikatibo: batayan para sa mungkahing balangkas pandiskurso
C. Isang pag-aaral hinggil sa kalakasan at kahinaan sa filipino ng mag mag-aaral
D. kaalamang pambalarila at pampanitikan ng mga mag-aaral sa mataas na paaralang arambulo

Ans: B. estilo ng pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Ikaapat na taon sa sekondari ang kaugnayan nito a kanilang kakayahang komunikatibo: batayan para sa mungkahing balangkas pandiskurso
-Ang pamagat ay dapat na naisusulat nang maliwanag, payak ay tiyak. Mas mabuti kung ang  mga varyabol na kasama sa kabuuan ng pagaaral ay nakasulat na kasama rin ng pamagat sapagkat ginagawa nitong mas tiyak ang pamagat, Gayundin naman ang pagsulat ng pamagat ng isang pananaliksik, pangwika ay binubuo ng mga sumusunod: (1) Nilalagon nito ang paksa ng buong pagaaral; at ito nag batayan ng buong pag-aaral.

16. Ano ang kadalasang iminunkahing paraan sa pagbibigay-kahulugan sa mga termino sa isang pananalisik pangwika?

A. operasyunal
B. Konseptual
C.  Teoretiakl
D. Sayantifik

Ans: A. operasyunal
- Kadalasang iminumungkahi sa pagbibigay ng kahuluigan sa mahahalagang termino at varyabol na matatagpuan sa isang pananaliksik ang operasyunal o tinatawag ding fanksyunal sapagkat tumutukoy ito sa tiyak na paraan o kahulugan ayon sa gamit nito sa isinasagawang pag-aaral.

17. Ano ang pagakakaiba ng malaya at di-malayang baryabol ng isang pananalisik?

A. ang malaya baryabol ay mga  sanhi samantalang and di malaya ay yaong kinalalabasan resulta o layunin ng isinigawang pag-aaral
B. ang malaya ay napapalitan samantala ang di-malayang ay hindi
C. ang malaya pansamantalang baryabol lamang samantala ang si-malaya ay permannente.
D. Ang malaya ay nabibilang at nakokompyut sa pamamagitan ng istatistika samantala, ang di-malaya ay nahihinuha o naipapalagay lamang.

Ans: A. ang malaya baryabol ay mga  sanhi samantalang and di malaya ay yaong kinalalabasan resulta o layunin ng isinigawang pag-aaral
-  ang malaya baryabol ay mga  sanhi samantalang and di malaya ay yaong kinalalabasan resulta o layunin ng isinigawang pag-aaral

18. Kung nais na pag-aralan ang kauganayan ng kakayahang komukatibo ng mga mag-aaral sa kanilang propayl tulad ng eksposyur sa midya ay edukasyong natapos ng magulang anong desisyon pampananaliksik ang naangkop gamitin.

A. ekspiremental
B. dokumentari Analisis
C. pag-aaral korelasyunal
D. pag-aaral ng kaso

Ans: C. pag-aaral korelasyunal
- Ang pag-aaral na korelasyunal ay naglalayong alamin ang anumang maaaring kaugnayan ng mga varyabol na nakalap mula sa target na sampol

19. Uri ng panaliksik na itinuturing na may mas tumpak na tgalay na resulta bagaman may kaakibat na isyu hinggil sa relayabili nito. Kaya naman, kinakailanagan ang maingat na pagproseso lalo na sa pagpili at pagbuo ng pangkat na lalahok sa naturang gagawing pag-aaral upang matugunan at masolusyunan ang mga balakid o sagabal.

A. historical
B. ekspiremental
C. penomenolohikal
D. Etnograpikal

Ans: B. ekspiremental
- Ang pamamaraang eksperimental sa pananaliksik ay itinuturing na tanging pinakasopistikadong makakasubok  sa palagay o haypotesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga.

20. Kung nais mong pag-aralan ang natamanog akademik performance ng mga mag-aaral sa balarila, anong instrument ang pinakaangkop mong gamitin tungo sa mas makabuluhang resuta o kalabasan?

A. sarbey
B. intervyu
C. projektib-tknik
D. Pagsusulit

Ans: D. Pagsusulit
- Sa pag-alam o pagtuklas sa natamong kasanayan pang-akademiko o akademik performans ng mga mag-aaral, higit na mabisa ang paggamit ng pagsusulit bilang instrumento sa pagkalap ng datos na makatugon sa mga inihanay na kaugnay na katanaungan at maging saligan ng gagawing pagtuon sa kaakibat sa suliranin.

To download this reviewer, just click here. Good luck and God bless!

No comments:

Post a Comment

Related Posts