1. Binasa ng guro ang mga
sulatin ng kanyang mga mag-aaral at bumuo siya ng pangkalahatang impresyon.
Pagkatapos ay binigay niya ang mga puna upang mapabuti ng mga mag-aaral ang
kanilang wika. Anong paraan ng ebalwasyon ang ginamit ng guro?
A. Pagmamarkang holistic
B. Pagmamarkang analitik
C. Mapamiling pagmamarka
D. Dalawahang pokus ng
pagmamahal
Ans: A. Pagmamarkang holistic
- Ang pagmamarkang holistic sa
pagwawasto ng pagbasa ng guro sa sulatin at pagbuo ng isang pangkalahatang
impresyon
2. Anong proseso ng
pag-aaral ng panitikan ang isinisaad ng
sumusunod na tunguhin?
“Nailalapat ang mga kaisipang
nahango s kwento sa mga sitwasyong nagaganap sa pang-araw araw na buhay.”
A. Pagsusuri
B. Pagtataya
C.Paglalahat
D. Paglikha
Ans: C.Paglalahat
- Ang paglalahat ayisang
proseso ng pagtuturo ng panitikan ay dapat na naayon sa istilo ng pagkatuto ng
mag-aaral. Kaya naman, ang panonood ng bahagi o tagpo ng isang pelikula sa
klase ay naayon sa mga mag-aaral na may biswal na istilo ng pagkatuto.
3. Anong estratehiyasa
pagtuturo ng panitikan ang naangkop para sa mga mag-aaral na may biswal na
istilo na pagkatuto?
A. Dula-dulaan
B. Pagpapalabas ng pelikula
C. Pagpapatugtog ng musika
D. Pagdaraos ng ulat
Ans: B. Pagpapalabas ng
pelikula
- Bawat estratehiya sa
pagututro ng panitikan ay dapat na naaayon sa istilo ng pagkatuto ng mag-aaral.
Kaya naman ang panonood ng bahagi o mga tagpo ng isang pelikula sa klase ay
naayon sa mga mag-aaral na may biswal na istilo ng pagkatuto.
4. Uri ng banghay na
sumasailalim sa katuparan ng isang nasa, pagtatagumpay ng kabutihan sa kasamaan
nang sagana.
A. Romansa
B. Trahedya
C. Satiriko
D. Komedya
Ans: A. Romansa
- Ang romansa ay uri ng banhay
ng anumang kaugnay na anyo ng panitikan sa repleksyon ng tagumpay, pamumuhay at
kasiyahan ng tauhan.
5. Ang katapusan ay simula
lamang ng muling pagbangon sa pagkamatay at sa dakong huli tagumpay sa gitna ng
pagkabigo mula sa pagsilang hanggang kamatayan ………. Sa dapithapon hanggang sa
bukang liwayway “ Ito ay imaheng ____________.
A. Arketipo
B. siklikal
C. dayalektal
D. kumbensyunal
Ans: C. dayalektal
- ito ay mga paulit ulit na
imaheng matatagpuan sa isang akdang pampanitikan na naglalahad ng
pagsasalungatan.
6. Tukuyin ang mga wastong
patnubay sa pagtuturo ng tula
1. pagganyak at pagpukaw ng
damdamin
2.pagbibigay ng malikhaing
imahenasyon
3. pagkakaroon ng marangal na
diwa
4. pagtuon sa mahalagang
tayutay
A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang 3 at 4 lamang
C. Tambilang 1, 2, at 3
D. Tambilang 1,2,3 at 4
Ans: D. Tambilang 1,2,3 at 4
- Ang lahat ng nabanggit ay
mga gatnubay sa mabisang pagtuturo ng tula bilang isang genre ng
ng panitikan. Ito ay
kinabibilangan ng (1) pagganyak at pagpukaw ng damdamin; (2) pagbibigay ng
imahenasyon; (3) pagkakaroon ng marangal na diwa (4) pagtuon sa mahahalagang
tayutay.
7. Alin sa mga sumusunod na
paksa ang mabisang unsaran sa pagtuturo ng pagsulat isang sanaysay na may
paksang hinggil sa kanilang karanasan?
1. Ang aking karanasan
2. Isang mabisang paglalakbay
sa Makulay na Karanasan
3. Isang makulay na
paglalakbay tungo sa hiwaga ng Buhay
4. Ang Pasko sa Buhay ko
A. 1-2
B. 2-3
C. 1-3
D. 3-4
Ans: B. 2-3
- Kapwa ang naturang paksa ay
higit na kawili-wili at nakapupukaw ng diwa ng mga mag-aaral sa pagsulat ng
isang malikhaing komposisyon. Ito ay mabisang estratehiya sa pagtuturo ng
panitikan sa kasaysayan sa pagsulat ng sanaysay.
8. Anong estratehiya sa
pagtuturo ng tula ang naangkop sa mga mag-aaral na may mataas na antas ng
kasanayang pampagkatuto?
A. Fishbowl Teknik
B. Ulat-Balitaan
C. ReQuest (Reciprocal
Questioning)
D. Pagsasatao o Role Playing
Ans: A. Fishbowl Teknik
- Ang fishbowl teknik ay
kadalasan ginagamit sa klaseng may mataas na antas ng pagkatuto sapagkat
malayang nakapagplano, kumakalan
impormasyon angmga mag-aaral, nakapahpahayag sumasagot sa tanong nakapagsusuri,
at nakapag-aanalisa sila ng mga konsepto.
9. Anong estratehiyang
pampagtuturo ang higit naangkop gamitin batay layuning nakasaad sa ibaba?
“Napaghahambing ang bilang ng
mga batang nagpatala sa isang paaralan sa loob ng limang taon batay sa nakasaad
na datos.”
A. Tsart
B. Grap
C. Talaan
D. Klayn
Ans: B. Grap
- Ang grap ay ginagamit sa
paglalahad ng isang aralin o konsepto na naglalayong maghanbing ng mga
nakatalang datos bilang bahagi ng pag-aanalisa at interpretasyon.
10. Ano ang gagamitin mo kung nais mong ilahad ang
propayl mga mag-aaral hinggil sa bahagdan ng kanilang antas na kinabibilangan?
A. Bar graph
B. Pie chart
C. Line graph
D. Pictograph
Ans: B. Pie chart
- Ang pie chart ay mainam na
gamitin sa paglahahad ng datos bilang aralin kugn nais na ipakita ang bahagdan
ng kanilang propayl.
11. Nagtatanong ang guro
upang mapalutang ang diwa ng kwento tinalakay.
“Sa kwentong “ Ang kalupi”,
maari bang ilarawan niyo si Aling Marta bilang isang ina asawa, ordinaryong
mamamayan at mamimili?
Anong etratehiya ng higit na
mabisa at naangop gamitin upang maiugnay ng mga mag-aaral ang konseptong
inilahad ng guro.
A. Story Grammar
B. Venn Diagram
C. Episode Map
D. Habeng Semantika
Ans: D. Habeng Semantika
- Ang habeng semantika ay
isang mabisang paraan sa pagbubuo at
pagsasama-sama sa mga kagamitan at konsepto para sa pagtuturo sa paggawa ng mga
itinanghal na kaurian ng kanilang pagkakaugnay. Ito ay kinapapalooban ng mga
bahaging core question, web strand, strand support atstrand ties.
12. Gamit ang klayn teknik sa
pagtuturo ng panitikan, iayos ang mga salita ayon sa degri o antas ng mga
konsepto : Galit, ppot, inis, yamot muhi.
A. 1-2-3-4-5
B. 3-4-1-5-2
C. 5-4-3-2-1
D. 4-3-5-2-1
Ans: B. 3-4-1-5-2
- Kung iaayos ang mga
sumusunod na salita ayon sa degri o bigat ng konsepto gamit ang klayn teknik,
ito ay (1) inis; (2) yamot (3) galit (4) at (5) poot.
13. Ang aralin ay tungkol a
paglaganap ng AIDS sa bansa. Anong estratehiya ang maaring gamitin upang
makabuluhan itong mailahad sa klase?
A. demonstration
B. KWL
C. ReQuest
D. Semantik Web
Ans: B. KWL
-Higit na magiging mabisa ang pagtalakay ng aralin
hingil sa AIDS kung gagamitin ng guro ang KWL teknik (Wat I Know, What I Want
To Know,What I Have Learned).
14. Kung nais ipakita sa mga
mag-aaral ang sanhi at bunga ng pagputol ng puno sa kagubatan, anong estratehiya
ang higit na mabisang gamitin?
A. Fishbowl teknik
B. Fishbone teknik
C. Semantik web
D. Klayn teknik
Ans: B. Fishbone teknik
- Ang fishbone teknik ay
estratehiyang ginagamit sa pagpapakita at pagpapalutag ng snahi at bunga ng
isang sitwasyon.
15. Splasssshhhh….. Sa bawat pagsalpok ng alon sa may
batuhan, sa bawat paghampas nito sa isang dalampasigan. Anong tayutay ang
ginamit sa pahayag?
A. Transferred epithets
B. Anithesis
C. Onomatopia
D. Alliteration
Ans: C. Onomatopia
- Ang onomatopia o paghihimig ay isang tayutay na kung
saan binibigkas ang mga salita na may katulad na ibig sabihin at kadalasan ay
nilalapatan ito ng tunog ng isang bagay upang mapalutang anf himig at diwa
nito.
16. Sa pagtuturo ng isang
kabanata ng NoliMe Tangere, pinang ng guro ang tatlo bilang (1) Pangkat
Performer na tagapagtanghal ng tagpo mula sa kabanta; (2) Pangkat Photographer
na sumagot sa mga nakalaang tanong; at (3) Pangkat Developer na pumuna sa mga
sagot sa tanong ng ikalawang pangkat. Anong estratehiya ang binabanggit sa
naturang halimbawa?
A. Kamera Plas Pokus Teknik
B. Group Mapping Activity
C. Dayorama
D. Sosyorama
Ans: A. Kamera Plas Pokus
Teknik
- Ang kamera plus teknik ay
isinasagawa s pamamagitan ng paghahati ng klase sa tatlong pangkat na tinawag
na performers, photographers at
developers. Ang unang pangkat ay ang Pangkat Performer o ang tagapagtanghal n
atgpo sa kabanata; samanatala ang ikalawang pangkat naman ay Photographer na sumasagot sa mga nakalaang tanong at ()
ang ikatlong pangkat naman ay Pangkat Developer na pumupuna at nagsusuri sa mga
sagot sa tanong ng ikalawang pangkat sa pamamagitan ng pagpangkat nabibigyan ng
kani-kaniyang task ng bawat mag- aaral nang naaayon sa pangangailangan tungo sa
kasanayang pampagkatuto sa wika.
17. Ang paglalahad ng mga
salita tulad ng kapit-tuko, dapithapon at sinagtala ay halimbawa ng anong
estrahiya sa pagtuturo ng talasalitaan.
A. Collocation
B. Contextual Clue
C. Clustering
D. Word Association
Ans: A. Collocation
- Ang collocation ay
pagsasama-sama ng angkop na m,ga salita upang makakabuo ng ibang kahulugan.
18. Alin sa mga sumusunod na
pangkat ng salita ang halimbawa ng hayponim?
A. Kabutihan – kasamaan
B. Tunguhin – layunin
C. Loob- kalooba, kusang-loob,
utang na loob
D. Muwebes- kama, silya, mesa
tokador
Ans: D. Muwebes- kama, silya,
mesa tokador
- Ang hayponim ay mga salitang
magkakaugnay sa kahulugan kaya’t ang kahulugan ng isang salita ay maaaring
sumaklaw sa kahulugan ng iba pang salita.
19. Ang kahulugan ng mga
mag-aaral sa maramihan nilang kakayahan na siyang tinutukoy ng multiple
intelligence approach ay matutugunanng guro sa pamamagitan ng kanyang
______________ .
A. masteri ng aralin
B. Husay sa pamamahala ng
klase
C. iba’t ibang mabisang
estratehiya
D. Taas ng antas ng pagtataya
Ans : C. iba’t ibang mabisang
estratehiya
- Itinuturnigng na ang
multiple intelligence approach ay maitataguyod ng gurong gumagamit ng iban’t
ibang mabisang estratehiya sa pagtuturo.
20. Ang mga sumusunod ay
panuntunan sa pagbuo ng pagsusulit na dapat isaalang-alang ng guro. Alin ang hindo kasali?
A. Gumamit sa iba’t ibang uri
ng pasusulit na pamilyar na sa mga mag-aaral
B. Gawaing malinaw at tiyak
ang panuto kabilang na ang paraan ng pagsagot.
C. Tiyaking mas nakararami ang
mahirap na aytem upang mahasa ang kakayahang mag-isip ng mag-aaral.
D. Huwag gagamit ng mga
magkakaugnay na salita sa bawat aytem
Ans: C. Tiyaking mas
nakararami ang mahirap na aytem upang mahasa ang kakayahang mag-isip ng
mag-aaral.
- Sa pagbuo ng mga aytem para
sa isang pasususlit nararapat na higit na nakararami ang aytem na may
katamtamang hirap lamang sa kauban ng pagsusulit bagaman maglaan din ng ilang
aytem na madali at mahirap.
Good day!
ReplyDeletewala po ba part 4,5 and 6?